"ZOEY." Napatingin si Zoey sa kanyang likod nang marinig niya ang pagtawag na iyon ni Greyson. Nakita naman niya ito sa b****a ng pinto sa may kusina. "Hmm?" wika niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. "You will cook?" tanong nito sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. Kaninang lunch ay nagpa-deliver na sila ng makakain nila dahil pareho silang napagod sa paglalaba. Kaya sa dinner nila ay naisipan niyang magluto. Ayaw naman niyang puro take out food ang kinakain nila. Magastos pa. "Oh, teach me now," mayamaya ay wika nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Zoey ang pamulahan ng pisngi sa sinabi nito. Bigla kasi niyang naalala iyong araw na tuturuan sana niya itong magluto no'ng day-off niya. Sa halip kasi na turuan niya itong magluto ay iba ang ginawa nilang dalawa

