PAGKATAPOS ng duty ni Zoey sa hotel na pinagta-trabahuan ay dumiretso siya sa Grocery store para bumili ng stock sa apartment niya. Paubos na kasi ang stock niya sa cabinet at sa fridge niya. Kanina din noong break niya ay inilista niya ang kailangan niyang bilhin para kapag nasa grocery na siya ay hindi na siya mahirapan sa pag-iisip at para hindi siya magtagal do'n. Nang matapos si Zoey na mag-grocery ay lumabas na siya sa nasabing store. At dahil walking distance lang naman ang store sa apartment niya ay naisipan na lang niyang lakarin na rin. Hindi din naman kasi niya dala ang kotse niya sa araw na iyon dahil pinapatingin niya ang kotse sa car shop. No’ng isang araw kasi ay tumirik iyon at hindi pa niya iyon nakukuha. Saktong pagkalabas ni Zoey store ay may tumawag sa pangalan niya

