"HUWAG ka nang magtampo sa akin, Sam," wika ni Zoey kay Samantha ng minsan silang nagkita na dalawa. Nalaman kasi nito na nasa Pilipinas siya at nalaman din nito ang pagpapakasal nilang dalawa ni Greyson. At nang malaman nito iyon ay agad siya nitong tinawagan para makipagkita. At ngayon ay nasa isang kilalang coffee shop silang dalawa. Kahapon pa sila nakauwi ni Greyson sa Manila galing sa honeymoon nilang dalawa sa Boracay. At sa susunod na linggo ay babalik na din siya sa Singapore dahil matatapos na din ang finile niyang one week leave sa trabaho. Sa totoo lang ay hindi pa nila napag-uusapan ng asawa kung ano ang magiging set-up nila. Dito kasi ang trabaho ni Greyson at sa Singapore naman siya nagta-trabaho. Hindi niya alam kung gaya pa din ba dati no'ng mag-girlfriend at boyfriend

