TINANGGAL ni Greyson ang suot na tuxedo pagkapasok niya sa loob ng opisina. Isinabit niya iyon sa coat rack. Pagkatapos ay niluwagan din niya ang suot na necktie. Naglakad na siya patungo sa executive table at umupo siya sa kanyang swivel chair. Kakatapos lang ng meeting ni Greyson with the board of directors. Every month ay nagka-conduct talaga sila ng meeting para i-tackle ang nangyayari sa kompanya. At pati na din suggestion kung paano mas mapapalago ang kompanya. Pagkaupo ni Greyson sa kanyang swivel chair ay agad na napatuon ang tingin niya sa picture frame na nakapatong sa executive table niya. Picture nilang dalawa iyon ni Zoey ang nakalagay sa picture frame. Kuha iyon no'ng araw na kasal nilang dalawa. At sa naturang picture ay makikita ang ngiti sa kanilang labi. Patunay na ma

