NAPATIGIL si Zoey sa ginagawa ng may mainit na kamay na pumulupot sa baywang niya. Hindi din niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi ng maamoy niya ang panlalaking amoy ng asawa. Pagkabanggit niya sa salitang asawa ay parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Kay sarap kasing pakinggan ang salitang iyon. Halos tatlong linggo na ang lumipas simula no’ng ikasal silang dalawa ni Greyson sa isang simpleng civil wedding. At wala namang pagsisisi na naramdaman si Zoey sa pagpayag niyang pagpapakasal kay Greyson. Sa loob kasi ng linggong iyon ay walang itong pinagbago. Kung sweet ito no’ng una niya itong nakilala ay mas sweet ito ngayong asawa na niya ito. At ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa pag-aalaga nito sa kanya kahit every week lang silang nagkikita na

