“BY the power invested in me, I now pronounce you husband and wife, " Deklara ng judge ng nagkakasal sa kanilang dalawa ni Greyson. “You may now kiss your bride, Greyson,” dagdag pa na wika nito. Hindi naman napigilan ni Zoey ang pagpatak ng luha sa kanyang mata sa sayang narararamdaman ng ideklara ng judge na mag-asawa na sila ni Greyson. Sa wakas ay matatawag na talagang kanya ang lalaki. She was now, Zoey Arceo Galvez. Her name suit her. At nang humarap siya kay Greyson ay nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Kitang-kita niya ang pinaghalong saya at pagmamahal sa mga mata nito. Mukhang kagaya niya ay nag-uumapaw din ang saya na nararamdaman nito dahil sa wakas ay kasal na sila. Nginitian siya nito ng puno ng pagsuyo. Tumaas ang isang kamay nito para hawiin ang ilang hibla

