"BABE.” Napatigil si Zoey sa pagsuklay sa buhok ng marinig niya ang boses na iyon ni Greyson na tumawag sa pangalan niya. Hindi niya napigilan ang mapataas ng isang kilay nang makita niyang bihis na bihis ito sa sandaling. He look dayum hot right at the moment. Para na naman itong may date. “Bakit?” Tanong naman niya ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Sa halip naman na sagutin siya nito ay naglakad ito palapit sa kanya. Pagkatapos niyon ay nakangiting inilahad nito ang kamay sa harap niya. “Come with me, babe,” wika nito sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo niya. “Saan?” nagtatakang tanong niya rito. “Basta,” sabi nito. Nang hindi pa siya kumikilos ay ito na mismo ang kumuha sa kamay niya at marahan na siya nitong hinila patayo mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. Hawak

