UUWI si Greyson sa Pilipinas para asikasuhin nito ang negosyo. Pagkatapos ng ilang araw ay babalik ito sa Singapore para makasama siya. Iyon ang naging set-up nilang dalawa sa sumunod na linggo. Hindi naman kasi pwede na manatili si Greyson ng matagal do’n sa Singapore kasama niya. Naiintindihan naman niya ito. May malaking kompanya itong pinapatakbo at kailangan ang presensiya nito ro’n. Mayamaya ay napatayo si Zoey mula sa pagkakaupo niya sa sofa ng marinig niya ang doorbell na nangagaling sa labas ng apartment niya. Nagmamadaling binuksan niya ang pinto dahil alam niya kung sino ang nasa labas. Awtomatiko ding sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita niya si Greyson sa labas ng apartment niya. Alam niya na dadating ito ngayong araw. Tinawagan kasi siya nito kanina na nasa

