NAALIMPUNGATAN si Zoey ng maramdaman niyang wala na siyang katabi sa kama. Ang huli kasing natatandaan niya ay sabay silang natulog na dalawa ni Greyson habang magkayakap silang dalawa. Nagmulat si Zoey ng mata at tumuon ang tingin niya sa banyo, pinakinggan naman niya kung nando'n ba ito pero wala siyang maramdaman o marinig na tao mula do'n. Kinuha naman ni Zoey ang cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng bedside table at tiningnan niya kung ano ang oras na. Nakita niyang alas dose na ng hatinggabi. Inisip naman ni Zoey na baka lumabas lang ng kwarto si Greyson. Baka nauuhaw ito kaya ito bumangon. Hinintay naman niya ang pagbabalik nito pero lumipas na ang sampung minuto ay hindi pa din ito bumabalik sa kwarto. Kaya napagpasyahan na lang niyang bumangon para hanapin ito. Hindi din na

