MALAPIT na sila Zoey at Greyson sa apartment niya ng biglang bumuhos ang malakas ng ulan. Noong lumabas siya ng hotel pagkatapos ng trabaho niya ay napansin niya na uulan na. Lalo kasing dumilim ang kalangitan at medyo kumikidlat na din. Nang makita nga niya iyon ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng panginginig pero pilit niyang itinatago iyon kay Greyson. At hindi napigilan ni Zoey ang mapasigaw ng malakas ng biglang kumulog at kumidlat. Mabilis din niyang tinakpan ang dalawang tainga at ipinikit ang mga mata sa takot na bigla niyang naramdaman. Yumuko din siya mula sa pagkakaupo niya sa passenger seat. Hindi din niya mapigilan ang manginig sa takot sa sandaling iyon. Kanina nga habang sakay na sila ng kotse pauwi ay tahimik niya. Nananalangin siya na sana ay hindi na kumulog at ku

