GAMIT ang paa ay inusog ni Greyson ang swivel chair na kinauupuan sa sandaling iyon. Isinandal niya ang katawan sa headrest no'n at saka niya hinawakan ang batok para masahiin. Nakaramdam kasi iyon ng pangangalay dahil ilang oras na siyang nakatutok sa mga dokumentong itinambak sa kanya ng secretary niya pagkapaso na pagkapasok niya sa opisina. Ilang segundo din siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa pindutin niya ang intercom. Hindi naman nagtagal ay narinig niya ang boses ng secretary niya. "Yes, Sir?" wika nito sa kanya. "Amanda, order-an mo ako ng pagkain," utos niya dito. Malapit na kasi ang lunch break. Sinabi din niya dito kung ano nag o-order-in nito. "Okay, Sir," sagot nito sa kanya bago ito nawala mula sa kabilang linya. Nanatili namang nakasandal ang likod ni Gr

