MAG-isang nanunuod si Zoey ng KDRama sa sala. Wala pa siya sa kalagitnaan ng panunuod ng makaramdam siya ng antok. Tiningnan naman niya ang oras sa wall clock niya. Nakita niyang alas nueve lang ng gabi. Maaga pa pala pero inaantok na siya. Hindi naman niya maintindihan ang sarili, lagi siyang antukin. Kahit nga sa trabaho ay inaantok siya at kung minsan ay nagiging bugnutin din siya. Tinakpan niya ang bibig ng muli siyang mapahikab. At sa halip na magtungo sa kwarto ay do'n na lang siya sa sofa humiga. Tinatamad din kasi siyang pumunta sa kwarto niya. Ayaw din niyang matulog do'n dahil maalala lang niya si Greyson, lalo niya itong mami-miss. Ipinikit naman na niya ang mga mata. At sa pagpikit ay agad siyang nakatulog. At mayamaya ay naalimpungatan si Zoey sa pagkakatulog ng marinig

