NAGISING si Zoey na may ngiti sa kanyang labi. Tumaas din ang isang kamay niya patungo sa kanyang tiyan at marahan niya iyong hinaplos. To be honest, she was happy knowing that she is pregnant. Walang katumbas ang sayang nararamdaman niya. Iba pala iyong pakiramdam na buntis siya. Fulfilling. And she couldn't believe that she is pregnant. Maliban sa antukin siya ay wala na siyang ibang nararamdaman sa sarili. Wala siyang specific na pagkain na hinahanap. Hindi siya nakakaramdam ng pagsusuka o paghahilo na sintomas ng pagbubuntis. At noong dinala siya ni Michael sa ospital dahil sa pagdudugo niya ay do'n lang niya nalaman na four weeks pregnant na siya. Delayed ang period niya ng isang buwan, hindi naman niya iyon pinagtuunan ng pansin kasi minsan ay nade-delay talaga ang period niya. At i

