KINUHA ni Zoey ang cellphone at headset niya sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay inilagay niya sa tainga niya ang headset niya at namili siya ng magandang kanta na naka-save sa cellphone niya. Hanggang sa napili niyang kanta ang 'Here's your perfect' by Jamie Miller. I remember the day Even wrote down the date, that I fell for you. Mmhm Nang mag-umpisang tumunog ang kanta ay isinandal niya ang likod sa headrest ng kama at ipinikit niya ang mga mata. Tumaas din ang isang kamay niya patungo sa malaking tiyan at masuyong hinaplos iyon. Sabi ng nabasa niya sa isang libro tungkol sa pagbubuntis ay maganda daw na makinig ang isang ina ng musika dahil naririnig din iyon ng baby na nasa sinapupunan niya. Kaya iyon ang madalas na gawin ni Zoey kapag free time niya. Nakikinig siya ng musi

