NAPAHINTO si Zoey sa ginagawa ng maramdaman niyang may maliit na kamay na humawak sa laylayan ng damit niya. At nang tumingin siya sa kanyang gilid ay nakita niya ang anak na si Zeus na nakatunghay sa kanya. Mukhang hinanap siya nito nang magising. Iniwan kasi niya itong natutulog sa kwarto nila ng magising siya kanina. Hindi na siya nag-abalang gisingin ang anak dahil himbing na himbing ito mula sa pagkakatulog. "Bakit anak?" tanong niya dito. Sa halip naman na sagutin siya nito ay itinaas nito ang dalawang kamay patungo sa kanya. Nakuha naman niya agad ang gusto nitong sabihin. Binitiwan naman niya ang hawak at saka niya binuhat ang anak. "Ahh, ang bigat mo, baby," sabi niya dito ng matapos niya itong buhatin. Napangiti naman siya ng yakapin siya ni Zeus sa batok niya at nang isubsob

