Chapter 2: Naloka na naman ang Lola Mo

1324 Words
SALLIE (POV) Para akong statue sa gitna ng ring habang nakahawak sa aking mga labi at vajayjay..... Kems medyo nakakahiya na pag pati sa vajayjay nakahawak ako, halatang nabitin sa kiss. Hindi ako Statue of LIBERTY cause I'm the Statue of LOVE! Hindi ako makagalaw..... "Te? Hindi lang talaga makagalaw?" "Te mag-move na muna ha, kasi kanina kinikilig pa sa inyo yung mga tao ngayon pinapalayas ka na rito kasi nga mag-start na ang game". Naririnig ko ang boses nila Betina at Waldo. But I'm still in heaven and dreaming, wake me up please! >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> O Buuuugggggggssssssssssssshhhhhhhhhhhhh! Yun tumba ang statue! "Arayyyyyyyyyyy!", tumumba ako at napasigaw! Isang bola ng basketball ang tumama sa ulo ko. Gising na gising ang lola niyo sa sakit! "Kahit na crush kita wala kang karapatang gawin yun s BFF ko!", narinig ko ang boses ni Waldo. Pagtingin ko ang kausap niya ay si Cedrick. OMEGED! Si Cedrick ang naghagis ng bola sa ulo ko? Hinawakan ko si Betina at saka kami nagwalk-out. Narealize ko ng bongga na kailangan ko ng mag-escape sa eksena ganoon na ako nakakaperwisyo sa gitna ng ring kaya si Cedrick na mismo ang sumuway sa akin sa pamamagitan ng paghagis ng bola. So sweet of him, thanks naman sa bola nuh? "Bakla halika na!", tawag ni Betina kay Waldo. .............................................. Hindi na kami bumalik sa pwesto namin pumunta na lang kami sa office ng coliseum. Si dad at mga staff niya lang naman ang tumatao rito pero nanunuod din sila ngayon ng game. "Teeeeeeeeeeeeeeee! Ang haba ng hair mo", hinawakan ako ni Waldo sa kamay at saka impit na tumili. At sabay-sabay kaming..... AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHh! Kinilig! "So ano ba talaga yung kiss na yun ah? Ichika mo yan!", excited kaming tatlo na umupo lalo na itong si Waldo na todo tanong. "Tama, explain that kiss my dearest cousin", at bigla na lang nag-pop out ang maldita kong pinsan. Kems lang nanggaling naman siya sa pintuan tumagos, kems uli pumasok naman siya. "I'm so sorry Miranda", tumayo ako with matching slow motion and sad face. "I'm so sorry couz kung nilihim namin sa iyo na ang boyfriend ko sa team ay si Ancient Villaflor. I hope that you can forgive me", teary eyed na ako pero hindi dahil sa naiiyak ako pero dahil sa kaba. Ano ba talaga????!!!! Kapag kaharap ko at ramdam na ramdam ko ang kamalditahan ng pinsan kong ito ay hindi ko maiwasang ibaon siya sa kahihiyan kahit na napapasubo na ako sa mga pinagsasasabi ko. "Alam mong si Ancient ang original crush ko pero dahil hindi ko siya makuha kaya si Arthur ang pinush ko. I will make your relationship miserable. Hindi ka magiging masaya dearest cousin", mangiyak-ngiyak ang maldita oh at saka nag-walk out. Afraid naman daw ako dun. Nakaligtas nga ako sa paghuhubo sa campus pero parang mas malaking gulo ang pinasok ko ngayon lalo na kapag nalaman ni Miranda na hindi kami ni Ancient. "So true te? Kayo talaga ni Ancient? Kelan pa? Nakakapagtampo ka naman hindi mo man lang sinabi sa amin ni Betty", muling nagsimula sa litanya ng tanong niya si Waldo. Sumilip muna ako sa labas para tingnan si Miranda at ng masiguro ko na wala na siya ay ni-lock ko ang pinto. “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Ajujuju! Hindi nga kami eh te, lakas-loob ko lang siyang hinalikan kanina at hindi ko naman inakalang makikipaghalikan din siya sa akin. Mga Teeeeeeeeeeeeeeeeee! Lagot ako kapag nalaman ito ni Miranda", at ayun binengga ko na kina Betina at Waldo ang totoo. "OMG!", in unison na reaksyon ng mga BFF ko. "Toma at Jeray na lang talaga ang peg? In unison na rin?" "Hindi pwedeng sabay nabigla?" "Lagot ka nga Sallie once na malaman ng pinsan mo yan baka hindi ka na lang sa campus maghubo baka sa plaza na", bira ni Betina. "Paano kung i-upload pa sa youtube? Edi hindi lang Pilipinas ang makakakita buong mundo pa. Tatawagin kang Sallie Buwan ang Babaeng Hubad!", na sinundan naman agad ni Waldo. "Thank you so much sa inyo ha! Napakalaking tulong niyong mga kaibigan ko, super nainspire talaga ako", sarcastic kong sinabi sa kanila. "You're welcome!", in unison uli ang mga loka. "So ganoon? Bastusan na talaga ito?" "Ano bang gusto mong mangyari nyan ha?", tanong ni Betina. "Tulungan nyo akong mag-isip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin", at kami ay umupo at nagkaroon ng pagpupulong. Here are some of their suggestions na bet ko: 1. Ibigti ang pinsan ko. 2. Kung nagawa ko raw halikan si Ancient baka sakaling magawa ko rin itong pikutin. 3. Gayumahin si Ancient. 4. Ipakulam si Miranda. 5. Magpa-book na ng flight papuntang ibang bansa. Karakaraka na! Natapos na yata ang game sa sobrang tagal naming nag-iisip. Nahihiya na akong bumalik doon dahil baka ngayong gabi rin ay mabuko na ako. Wala pa man din akong plane ticket. Tok! Tok! Tok! May kumakatok! Si Miranda? O baka naman sina daddy? "Ako pa ba ang magbubukas?" "Oo!" Wow talaga sa mga friendship kong ito! Pagbukas ko ng pintuan ay..... Tsaraaaaaaaaaaaaaaannnnnnnnnnnn! "Cedrick?", "Ako nga. The both of you get out, I want to talk to your friend privately", bigla na lang siyang pumasok at pinalabas sina Betina at Waldo. "Kanina ka pa ah, sabi ko hindi porket crush kita yang kasupladuhan mo wag mong... ay naku! Baka mahalikan din kita", si Waldo kunyari pa pero kinikilig naman talaga. "I will give you an autograph and a jersey kung lalabas at lalayo na kayo ng kaibigan mo", hinawakan ni Cedrick si Waldo sa braso. Slow motion na tiningnan ni Waldo ang kamay ni Cedrick na nasa braso niya. Namula ang lola niyo at mabilis pa sa alas-kwatro na umalis sa loob ng office kasama si Betty. Sumilip muna si Cedrick sa labas. "Kanina pa kita hinahanap", panimula niya noong kaming dalawa na lang. OMEGED! Baka naman nagselos siya kanina? Baka gusto niya siya ang hinalikan ko? ENEBEYEN! "Salamat sa iyo at natalo kami ha?!" BOOM! Natalo sila? Ako raw ang dahilan ng pagkakatalo nila? Oh why? Dahil ba bad breath ako kaya nahilo si Ancient at hindi siya nakalaban? "Bakit po ako? Kung natalo po kayo ay isa ako sa mga magluluksa", lumapit ako sa kanya. Hinawakan niya ang mga braso ko. "Dahil mang-aagaw ka!" Mang-aagaw? Hindi naman ako kasama sa game ah? Hindi ko siya inagawan ng bola nuh! "Dahil opotunista ka!" Oportunista? Hellllllllllloooooooooo!!! Hindi ko siya gets nuh! "Hinalikan mo ang boyfriend ko. Hinalikan mo ang lalaking pinakamamahal ko!", he even shout at the top of his lungs. LLLLLLOOOOOAAAAADDDDDIIIIINNNNNGGGGG..... Hindi ko ma-gets..... 10, 9,8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1..... Wala pa rin! "Bitawan mo siya Ced", oh, familiar voice, familiar face, familiar jersey and oh familiar lips. Si Ancient! Pumasok din siya sa loob at saka ako kinuha sa pagkakahawak ni Cedrick. Yumuko siya, hinawakan niya ang baba ko at saka ako..... Hinalikan? EMEGED! Hinalikan niya ako! 2 points Sallie! Hindi man lang ako nagkaroon ng chance na i-feel ang halik niya dahil tinigil niya rin ang paghalik sa akin. Kanina ako ang humalik sa kanya at ngayon siya naman. IIII LLLLLOOOOOOOOOVVVVVEEEEE IIIIIIITTTTTTTTT! Pak! Nagulat ako dahil sinampal ni Cedrick si Ancient. Gusto kong magpunas ng mata, sampal talaga? Sabagay okay lng din naman sa lalaki yun. "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito Ancient ha? Mahal kita eh pero bakit kailangan mo akong pasakitan! We can still fix our relationship", sabi ni Cedrick. Ah okay mahal niya si Ancient..... Ah okay may relasyon sila..... Hinawakan sa kamay ni Ancient si Cedrick at saka sila lumabas sa office. "You little lady, huwag mong sasabihin sa iba ang mga nalaman mo ha! At huwag mong bibigyan ng kahulugan ang paghalik sa iyo ni Ancient", bago sila umalis ay sinabi na muna iyan sa akin ni Cedrick habang dinuduro ako. Ah okay..... Muli akong natuod sa kinatatayuan ko. Ano raw? Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat!!!!! OMG! Si Ancient ko at si Cedrick????????? AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD