Chapter 3: Issuesera

1345 Words
SALLIE (POV) Another day..... Another life..... Another brief..... Brief????? "Daddy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Mabilis akong bumangon dahil sa brief na nakapatong sa mukha ko. Amoy pa lang alam ng kay daddy ito! Dumiretso ako sa dining table. "Dad naman kailan mo ba titigilan ang paglalagay ng brief mo sa mukha ko ah para lang magising ako, so gross dad, so gross", tanong ko sa kanya habang nagbubugnot. "Hangga't hindi ka natututong gumising ng kusa at maaga. Male-late ka na kaya naman bilisan mo magmumog ka na at kumain", ang utos ng aking pinakamamahal na ama. Mula noong mamatay si mommy ay ayun siya na ang naging ina at ama ko. Pagkatapos magmumog ay ayun! Kainan na! fried tocino- check! fried longganisang Vigan-check! fried chicken- check! fried lumpiang shanghai - check! fresh milk - check! Hindi ako mahilig sa fried at breakfast pa lang po iyan. Baka kasi sakaling tumaas pa ako kahit isang inch na lang talaga. Baka pwede pa di ba??? Growee- check! Simulan na ang breakfast! "Hey dad! Hindi ako makakain ng maayos ngayon mo lang ako pinanood habang kumakain ah? Hindi ako sanay, okay na po ako pumasok ka na sa office I can handle all this", sabay turo sa lahat ng pagkain na nakahain sa mesa. Walang anu-ano ay tumutulo na ang luha ni daddy. AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! "Hindi yan totoo daddy! Hindi pa ako mamamatay dahil mahilig ako sa mamantikang pagkain!!! Hindi!", at nagsimula na akong mag-tantrum. "Hindi naman yun ang iniiyak ko eh", at ngayon ay may hawak na siyang tissue. "Eh ano daddy??? Siguro sumusuko na kayo na natatangkad pa ako no??? Sabihin nyo!!!!!", another round of my tantrum. Hindi naman po ako isip-bata, ganyan lang talaga kami ni daddy mahilig kaming magbiruan. Babaeng-bakla lang talaga ako kahit kay daddy para napapasaya ko siya lalo na ngayon bigla na lang siyang umiiyak. "Its just that my baby is already a lady", wow! Yun talaga ang dahilan ng pag-iyak niya? Bakit kaya? Lumapit ako sa kanya at saka siya niyakap mula sa likod. "Why do you say so daddy? Ano ka ba naman?", then kissed him on his cheek. "Kasi hindi mo man lang sinabi sa akin na may boyfriend ka na. Nakipaghalikan ka pa sa harap ng maraming tao", then he bursted in tears. OMEGED! FLASHBACKSSSSSSSSSSSSSSSSSS....... Kagabi nga lang pala nangyari ang halikan portion namin ni Ancient Villaflor! Nakita ni daddy ang lahat malamang! This day is never to be the same! "Dad, don't cry for me Argentina. One day isang araw ipapakilala ko siya sayo personally. Sorry for our liberalism last night huh dad, hindi lang namin napigilan ang aming mga sarili", paliwanag ko sa kanya. Ano ba yan talagang pati kay dad hindi ko nasabi ang totoo! Patay na talaga ako! I know I can handle this but I don't know how! "Okay lang yun no", humarap siya sa akin. "Gusto ko nga ay magkaapo na ako as soon as possible kaya dalian nyo ah", then he kissed me on my forehead and go. Apo talaga agad????? Ano kaya ang magiging reaction ng buong campus sa halikan namin ni Ancient? Kung alam lang nila ang totoo, hindi naman talaga ako ang karelatyon ni Ancient!!!!! Ajujuju! </3 .................................................... Sa Extravagant University Sana hindi masyadong halata ang reaction ng lahat ng tao na nakakasalubong ko. Sana lang talaga. "OMG ang babaeng gumayuma kay Ancient!" "Naging sila lang ni Ancient natalo na sila sa game kung kailan last year na nila Ancient, malas siya! Malas!" "b***h!" "Sayang pare maganda pa naman kaso may balat yata sa pwet." "Ispluk ko sayo te, yang gurlash na yan yung katukaan ni Ancient sa ring. Swerte nya kay papa A kaso kamalas naman sa kanya ni papa A, may dala yata siyang sumpa eh." AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! "Pwede ba wala akong balat sa pwet! Flawless ako mula bunbunan hanggang talampakan! Talagang may dalang sumpa at kamalasan agad? Ako ba ang naglaro ha? Ako ba? Isa pa hindi totoo ang mga pinagsasabi nyo!", hindi na ako nakapagtimpi. Mula sa crowd ng mga echoserang estudyante, professor, utility at iba pang tao sa EU na pinagtsitsismisan ako ay nakita kong papalapit ang pinsan kong maldita kasama sina Toma at Jeray. "Kung akala mo magiging star ka na dahil sa boyfriend mo na ang pinakagwapo rito sa EU ay nagkakamali ka! Galit kaming lahat sayo dahil hindi naging maganda ang performance ni Ancient at Cedrick kagabi and that's because of you!", nakapamewang niyang litanya. "Tama!", in unison na sigaw nila Toma at Jeray. "Well let me discuss some matters to you my dearest cousin and her assistants and to you madlang people! Una! Wala akong kinalaman kung natalo man ang Pink Sea Shells sa game. Pangalawa! Hindi ko pinangarap maging star, kahit na maraming star sa gabi na mega twinkle ay wapakels masyadong malayo sa Earth dahil nandito sa earth ang puso ko. Pangatlo, aaminin ko na ang totoo...", huminga ako ng malalim. Hoooooooooohhhhhhhhhh! Nagwagi ka na pinsan. Oooppsss... ganun na lang talaga ako kabilis sumuko? "Tell us, ano ang aaminin mo? Na malas ka o hindi kayo ni Ancient?", eksena ni Miranda. Isip... Isip... Isip... "Na malas ako", at saka ako yumuko. Boooooooooooooooo! "Sabi na sa inyo, malas ang babaeng ito sa buhay ni Ancient kaya sila natalo. Isa siyang salot! Dapat siyang sunugin!", ang paghihikayat ng maldita kong pinsan. "Sunugin!", Toma and Jeray in unison! Sunugin talaga agad? Ganun kabrutal? "Tumigil nga kayo", isang mahinang boses pero pamilyar sa lahat. Hindi naman madalas marinig ang boses na ito pero lahat ay tumahimik. Mula sa likuran ko ay may humawak sa aking mga balikat. Ahhhhhhhh.... Nakakapanghina..... "Hindi salot ang babaeng ito. Tanong ko nga sa inyo, kailan pa naging malas ang pag-ibig? Umibig lang naman kami ah. Hindi naman siya ang bola na ginagamit sa basketball ah para sisihin nyo siya. Kung natalo kami kasalanan ko yun!", at saka niya ako inakbayan. Natahimik talaga ang mga tao sa paligid namin. Tinitingnan ko sila, tulaley ang lahat. Teka sino ba itong lalaking ito na parang sobrang cheesy naman yata sa mga sinabi nya. Konting tingin naman sa kanya Sallie, konti lang ah. OMEGED! Feeling ko ay nawalan ako ng saplot ng makitang si Ancient nga ito! Kilig overload! Ano nga raw uli? Umibig lang naman kami? Tapos ay pinagtanggol niya pa ako? Si crush ginaganito ako, bakeeetttt????!!! Ang hirap mag-assume pero sobrang haba talaga ng hair ko! Hinarap niya ako sa kanya at saka hinawakan ang aking mga malalamig na kamay. Hindi ko na alam kung humihinga pa ba ako? Pero buhay pa naman ako dahil sa mabilis na tumitibok ang puso ko. Iba pala talaga kapag si crush ginaganito ka, dream come true! "Narinig ko ang sinabi mo kanina. Alam mo para sa akin star ka, nagniningning ka, iba ka sa kanila. Samantalang ako isa lamang normal na binata pero pinili mo'ng manatili rito sa Earth para makasama ako. I love you so much", at hinalikan nya lang naman ako. Habang sinasabi nya yun ay nakatingin siya diretso sa aking mga mata. Halos mamatay na talaga ako sa kilig na nadarama ko sa loob ko tapos hinalikan pa ako sa lips ng loko. Kahit na smack lang ang halik nya ngayon, atlit!!!!!!! "Oh, umalis na kayo! Sa oras na may kumanti sa star ko alam na huh!", pinaalis na niya ang mga tao. Kitang-kita ko ang inis na inis na inis na mukha ng pinsan ko na may kasamang inggit na inggit na inggit na naradarama for sure! At nang wala ng tao..... Pwe! Dumura talaga? "Napapadalas ang kissing scene ko sa babae ah. Nawiwili ka na ba? Hindi ka na guguluhin ng mga yun lapitan mo lang ako kapag may gumugulo sayo", at saka nya ako tinalikuran. Wow ah! Nandidiri pala ang loko?! Speechless ko siyang tinatanaw habang papalayo sa aking kinatatayuan. Beki ka ba talaga? Hindi kita tatantanan! Papanindigan ko talaga ang kunyaring relasyon natin! Humanda ka! Sana next time makapagsalita na ako kapag nagkikita tayo nuh? Kasi naman grabe ka sa akin! Sobrang kilig ang hatid mo! Tapos beki ka? AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Noong wala na siya ay todo kilig na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD