NAKANGITING pumasok si Yvytte sa loob ng resto ng matanaw niya mula sa kinatatayuan niya ang pwesto kung saan naroroon naghihintay ang lahat sa pagdating niya. Inayos niya muna ang suot niyang fitted dress saka hinawi at inayos din ang buhok sabay hingang malalim at nakaangat ang mukhang naglakad papalapit sa kanila. " Hello, good evening. I'm sorry if I'm late. Medyo naipit lang sa trapik." Bungad na bati niya ng mapatayo ang lahat sa kaniya maliban na lang kay Cyrus na hindi tumayo o maske nag aksaya ng segundong sulyapan siya. Bahagyang napataas naman ang kilay ni Yvytte. " No it's okay mukhang napaaga lang talaga kami kaya ganun. Alam mo na, excited na maging part ka na sa family namin." Aniya ng ama ni Eros. Pasimpleng ngumiti si Yvytte saka tuluyang napatitig kay Cyrus na hindi pa

