RAMDAM na ni Vhivv ang panghihina niya, halos di niya na maigalaw ang mga kamay niya. " Hindi mo pa din ba kakainin yang pagkain na yan huh?" Sigaw ng lalaki sa kaniya na tanging masamang tingin lamang ang ipinukol ni Vhivv dito. " Abah ! Lalaban ka huh? Eh halos di ka na nga makagalaw sa sobrang gutom tapos tatanggihan mo pa din?" Maangas na saad ng isang lalaki. " Baka naman boss gusto na talagang mamatay na lang." Sabat ng isang lalaking bagong pasok. " Wag siyang mag madali, dahil malapit na yung araw na yun." Saka tinapunan ng malagkit na tingin si Vhivv. " Sayang ka--pasalamat ka mabait pa si boss at di ka samin tuluyang ibinigay. O'siya, kunin niyo na yang pagkain na yan pag inabot pa ng isang oras na hindi nagagalaw. Uuwi muna ako at magpapalit ng damit." Maangas na bilin nit

