NAPABUGA sa hangin si Spica ng makaharap sa pintuan ng kwarto saka inayos ang fitted na tank tops na suot suot at ngumiti. Saka inihilig ang katawan sa gilid ng pintuan na parang nang aakit sabay katok. Ilang katok muna bago ito bumukas. " H--hi !" Bating bungad ni Spica sabay ngiti na parang nang aakit. Halata naman ang pagkagulat ng lalaki sa kaniya na napataas pa ng kilay habang pinapasadahan siya ng tingin mula paa hanggang paa. " Ahm--a-ko nga pala yung--yung bagong lipat dito sa kabilang kwarto. I'm--S--Samantha. So, totoo nga yung sinasabi sakin ng mga kapit bahay na cool at cute ka. Mukhang magkakalovelife na ako dito ah." Aniya ni Spica na napapatitig ng malagkit sa lalaki na napapalunok at tila nahimasmasan mula sa pagtitig ng libre sa bandang dibdib nito. " Ah--ga--ganun ba?

