SAMANTALA, hindi naman mapakali si Jazz sa kaiisip tungkol sa naramdaman niya ng papunta na siya sa bahay kung san nag stay si Stacie at Claudette. Pakiramdam niya may sumusunod sa kaniya kanina mabuti na lang at nakaisip siya ng paraan na magkomyut at sumakay ng bus at dumaan sa kung saan maraming tao para mailigaw niya ang sumusunod sa kaniya ngunit napapaisip pa din siya na sana nailigaw niya nga ito ng matagumpay. " Hey ! Anong iniisip mo?" Tapik sa kaniya ni Stacie kay Jazz na malayo ang tingin. " Bakla, mas lalong tumatagal pakiramdam ko di na tayo nagiging safe. " Pag aalala ni Jazz. " Girla, ramdam ko din yan. Pero ayoko namang maiwan tung si Claudette. Isa pa alam din ni Bryan na tayo ang huling kasama ni Claudette kaya kahit iwan man natin siya dito at bumalik tayo dun di din

