WALA namang magawa si Yvytte ng tuluyang bawiin ni Spica ang kwarto niya, isang araw matapos maayos mula sa nangyaring sunog ang kwarto ni Spica. Kaya ang ending sa tabi ng kwarto ni Vhivv ito napunta. Habang nag-aayos ng mga gamit itong si Spica ay biglang amy kumatok sa pintuan niya. " Sino yan?" Tanong ni Spica. " Lady Spica, si--si Butler Akarios po ito." Aniya nito. Napaangat naman si Spica ng tingin at napagtantong ilang linggo din niyang di nakita ang butler ng ama. Mabilis siyang tumayo saka tinungo ang pintuan at pinagbuksan. " Ahm--pi--pinapatawag po kayo ni Master--" " Sabihin mo abala ako." Mabilis niyang sagot bago pa man matapos ang sinasabi nito sa kaniya. " Pero Lady Spi--" " Wala akong panahon para maglaan pa sa kaniya." Mabilisang sagot ulit ni Spica. " Tungkol po

