*** "Kuya?" Napakunot noo ako ng makita ko si Eliza at Rico. "Asan si kuya?" tanong kong humalukipkip. Nakasunod sina Tita Neri sa akin. "Eh di po siya sumama Kuya, nagpahatid lang siya sa condo niya,uh, uhm.." sagot ni Eliza na parang may alinlangan pa. "Ihahatid daw niya ang girlfriend niya" sanad ni Rico. "Girlfriend?" sabad ko. "Opo eh, nakilala po ata niya sa Macau" sagot ni Eliza. Napatingin ako kay tita Neri na yumakap kay Daddy. Hawak pa rin niya ang kopya ng medical report ni Kuya Ethan ng maadmit siya sa isang ospital doon noong nakaraang araw. Napahinga ako na malalim na napailing. "Hindi na natuto si Kuya Ethan" bulong ko. Medyo matigas ang ulo ni kuya Ethan. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin ngunit magmula ng magkasakit siya ay inako ko ang ilang responsibilid

