Just Happened 1
***
It's been almost two months.
Forty days to be exact. Apatnapung araw mula ng mawala si Ethan sa akin. It was really hard for me and until now mahirap pa rin siyang tanggapin but I am moving on, sabi nga ni Ethan sa five stages of loss and grieving, acceptance ang pinakamasarap na pakiramdam. I'm almost there,na tanggap na tanggap ko na. I have to go on with my life, yun ang ipinangako ko sa kanya, ang mabuhay at magpatuloy sa buhay para sa anak namin.
Sabi nga nila ang pinakamasakit ay ang mawala sayo ng tuluyan ang minamahal mo. But I am accepting it, yun ang itinakda ng Itaas, I don't have any regret at all na makilala ko siya, dahil sa kanya meron akong isang buhay na inaalagaan sa sinapupunan ko.
Halos araw araw akong pumupunta sa himlayan ni Ethan, I still find my comfort there, sa kanya ko pa rin sinasabi ang mga importanteng ganap sa buhay ko o ng malapit sa kanya.
I became closer with his siblings especially Eliza. Para akong nagkaroon ng instant na kapatid na babae na mas bata sa akin. Mabait ang pamilya ni Ethan, lagi nila akong isinasama sa mga family events nila kahit simpleng family dinner lamang iyon. Madalas din ang pangungumusta nila, I find comfort with them bukod sa sarili kong pamilya ng panahong nagluluksa ako.Palagay ko ay ganundin din sila sa akin na dala ko ang nagbibigay ng koneksyon sa kanila kay Ethan.
"Are you ready anak?" tanong ni Mommy ng nakagayak na ako.
"Opo" sagot kong kinuha ang handbag ko.
"Sorry anak, hindi kami makakapunta ng Daddy mo" ani ni Mommy na humawak sa magkabilang braso ko. Ngumiti ako.
"It's okay 'My, naintindihan ko" sagot ko. Yumakap ako, sa kabila ng lahat ng naganap sa akin ng mga nakaraang buwan, nagpapasalamat ako sa pagmamahal at suporta ng pamilya ko sa akin. They were with me the whole time na nagluksa ako hanggang pagaalalay sa pagbubuntis ko.
"Nag alay na kami ng dasal sa simbahan this morning and tumawag na rin ako kay Neri para humingi ng dispensa" aning muli ni Mommy.
Tumango ako.
"Maaga rin akong bumisita kay Ethan 'My, sinamahan ako ni Ate Serena bago siya pumasok ng duty niya" ani ko pang muli.
"Nakuha mo na ba lahat ng kailangan mo?" tanong ni Mommy na inabot ang isang tote na overnight bag ko.
Medyo malayo ang ancestral house nina Ethan, kaya pumayag akong doon magpalipas ng gabi para hindi na ako mapagod sa biyahe pabalik ng Maynila.
"Andyan na ang sundo mo" ani ni Daddy na pumasok rin sa kwarto ko.
"Ang aga ni Rico" ani kong nagmadaling tumingin sa salamin.
"Si Caleb ang nasa ibaba" sagot ni Daddy na tinanguhan ko. Ang alam ko si Rico ang susundo sa akin, madalas ko ring nakakausap si Rico, at medyo madalang kay Caleb, ang alam ko lamang ay masyado siyang abala sa Construction business nila na siyang namamahala magmula ng nagkasakit si Ethan.
Bumaba akong nadatnan itong nakaupo sa sofa. Ngumiti ako ng tumingala ito ng tingin.
"Tara?" tanong kong tumayo ito na inabot na kinuha ang dala kong overnight bag kasama ang pinadala ni Mommy na pagkain para kina Tita Neri.
Nagpaalam muna siya kina Daddy bago kami tuluyang lumabas.
Iginiya ako nito sa harapan.
"Thank you" ngiti ko ng pinagbuksan niya ako ng pinto. Tumango lang itong seryoso muli. Napailing ako, mukha siyang laging pinagsakluban ng langit at lupa. Siguro stress sa maraming trabaho.
Napatingin ako sa bago niyang car freshener.
"Pinalitan ko, alam kong ayaw mo ng ganoong amoy" aniyang komento ng nakitang napatingin ako doon. Gusto ko yung amoy ngayon amoy Vanilla.
"Salamat, gusto yung scent ngayon" sagot ko.
"Kamusta na?" tanong kong basag sa katahimikan.
Bumuntong hininga ito.
"Medyo busy" aniyang sagot na sumulyap sa gawi ko.
"Ikaw, kamusta na?" aniyang tanong.
"I'm fine... bumalik na ako uli sa pagtuturo" sagot ko.
"Kaya mo pa ba? medyo lumalaki na ang tiyan mo, at parang nangangayayat ka" aniyang kinunotan ko ng noo.
"Buntis lang naman ako Caleb, wala naman akong sakit" sagot kong yamot dito.
"You lose weight" komento pa nitong muli.
"Nasa second trimester na ako, wala lang akong appetite noong mga nakaraang buwan pero bumabawi na ako ngayon" sagot kong paliwanag.
"Tinetake mo ba yung vitamis mo and all?" tanong nitong muli.
"Opo" irap kong sagot na tumingin sa labasan.
"You should eat more... kailangan mo ba talagang magtrabaho? hindi ba dapat nagpapahinga ka na lang?" aniyang muli. Nagpipigil ako ng inis dito.
"Ang mga magulang ko nga pumayag caleb" sagot ko. Napasulyap ito sa gawi kong tumahimik sandali, marahil pansin nito ang pagkayamot ko. Para siyang si Kuya Sam, mukha akong laging iniinterrogate.
"Kinakain mo ba yung mga pinadala kong fruits sa inyo?" aniyang muli.
Tumango ako.
"Salamat nga pala" sagot ko.
"... hindi mo naman kailangang gawin yun" ani ko pang muli.
"I'm just looking out for you... ibinilin ka ni Kuya sa akin" mahinang sagot nito.
Hindi ako umimik.
"Bakit hindi si Rico ang sumundo sa akin?" tanong ko.
"He's busy, saka pinagalitan ni Daddy at Tita Neri" aniya.
"Huh?"
"Pinagalitan siya with the stunts na ginawa ninyo? Hindi mo ba naisip na pwede kang mapahamak sa pagpayag mo sa kalokohan ni Rico?" iritableng sagot nito.
"Ah eh... hindi naman ganoon, nagkataon lang din na nasa mall ako ng makita ako ni Rico" sagot ko. Yun ay noong pinagpanggap niya akong girlfriend niya sa ex niyang humahabol sa kanya. Ngakataon lang na nakita niya ako sa Mall.
"Tsss..." aniyang umiling.
"At least dapat naisip mong baka pwede kang saktan ng babaeng iyon" aniya pang muli.
Di ako nakaimik.
"You're pregnant Sophie, anong laban mo doon kung sakaling nagwala ng husto iyon?" aniyang pinapagalitan ko.
"Eh, naandon naman si Rico saka nailayo naman niya yung babae bago pa nakalapit sa akin" sagot ko.
Umiling lang itong salubong ang kilay.
"Take care of yourself, and your baby" aniyang dumiretso ng tingin sa daan.
Hindi na lamang ako umimik para matapos ang argumento.
*
Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng nakaramdam ako ng gutom.
"U-uhm C-caleb"
Tumingin ito sa gawi ko.
"Pwede ba tayong dumaan ng drive thru?" dyahe ko tanong dahil nagugutom na talaga ako. Nitong mga nakaraang araw ay parang lagi na akong gutom.
"Nagugutom ka?" tanong nitong tinanguhan ko.
"Okay" aniyang lumingasa labasan.
"Puro unhealthy food chains ang naandito" puna nito.
"Okay lang, gutom na talaga ako" sagot ko.
"Hindi healthy for you" aniyang nag uumpisa na naman akong magpigil ng inis.
Dumiretso pa itong nagmaneho.
"Caleb!" ani kong di nanapigilan sa inis. Sabi nila wag na wag mo daw gugutumin ang buntis!
"S-sorry...sandali" aniyang taranta at mukhang nagulat sa inis ko.Huminto ito sa isang coffee shop.
"This is better kaysa doon" aniyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.
"Sa bahay ka na kumain ng kanin, okay lang?" tanong niyang tinanguhan kong hinila ito papasok ng Starbucks.
Iginiya ako sa isang bangko doon.
"Anong gusto mo?" tanong nito.
"... hindi ka pwede sa coffee" aniyang maagap na inirapan kong napabuntong hininga.
"Alam ko" sagot ko.
"Orange juice na lang, tuna pandesal, carrot cake, blue berry muffin, at pacheck na rin kung meron silang walnutcookies at greek salad" sagot kong napatitig ito.
"Bakit?" tanong kong umiling lang ito.
"Nothing" aniyang napangiti.
Napa palakpak ako ng dumating ang order namin. Dala niya ito mula sa counter.
"Thank you" ani kong sumubo na ng pandesal.
"Ikaw hindi ka kakain?" tanong ko ng isang kape lamang ang order nito.
"I'm still full" aniyang nakatingin sa pagkain sa harapan ko.
"Gusto mo?" alok ko ngunit umiling ito.
"Kaya mo bang ubusin lahat ng iyan?" aniya.
"Gutumin na ako ngayon" sagot ko.
Tumango itong ngumiting nakatitig .
"Wag mo akong tingnan ng ganyan, buntis ako caleb... buntis" sagot kong habang ngumunguya. Hindi ko na mapigilan ang gutom ko.
"No, it's not that... mas maigi nga yan kumakain ka na" sagot nitong ngumiti.
***
-tbc-