Just Happened 2

1538 Words
*** "Done?" Tumango ako. Iginiya ako sa pintuan ng sasakyan niyang inabot ang isang paper bag. Napakunot noo ako. "Baka gutumin ka na naman" aniya. Napangiti akong nagpasalamat. "I'm glad kumakain ka na, lagi ka bang gutumin ngayon?" tanong nitong sumulyap. Tumango akong napahawak sa tiyan ko. Medyo halata na ang pagkaumbok nito. "You should eat and rest often, ang laki ng ibinawas ng timbang mo" puna nito. "I know, kaya nga bumabawi na ako ngayon, at least ngayon normal na taste buds ko, pinipilit ko nga kahit ayaw ko ng gatas pangbuntis, at yung tubig na lasang kalawang" sagot ko. "M-may mga ibang cravings ka pa ba?" tanong nito. "Wala naman masyado, basta kung ano lang maisip kong kainin,at medyo antukin pa rin ako" sagot ko. Mukha siyang normal ngayon, madalas kasi ay seryoso ito at may pagkasuplado. "Dapat kasi huminto ka muna sa trabaho" aniyang muli. "Okay pa naman ako" sagot ko. "I don't mean any offense pero kung ang rason mo lang para magtrabaho ay para sa bata, alam mo naman na sigurong may iniwan si Kuya para sa kanya, para sa inyo" diretsong sagot nito. "Alam ko" sagot kong nakakaramdam ng inis dito, pakiramdam ko iniinsulto niya ako sa kakayahan kong magtrabaho at magbigay ng pangangailangan ng anak ko. Nang gumising si Ethan na hindi ko man nasabi na buntis ako ay nalaman niya kay Caleb at Tita Neri. Nagsabi pa siya ng huling habilin para sa anak namin. Siya pa rin ang typical Ethan para sa akin, na kahit sa huling sandali ng buhay niya ay naisip niya ang para sa anak niya. Nang kinausap ako nina Tita Neri, kahit na anong tanggi ko ay ipinilit pa rin niyang tanggapin ko ang para sa anak namin ni Ethan. "Kung para sa anak ko, tatanggapin ko Caleb pero kaya ko pa namang magtrabaho para sa kanya at ihanda ang kinabukasan niya, siguro kapag kailangan na niya-" ani kong medyo yamot ng sumabad ito. "I don't mean anything Sophie" aniyang sumulyap sa gawi ko. "Kaya kong magtrabaho para sa anak ko. I can and I will provide for his or her needs, nakapagaral ako at may permanente akong trabaho" sagot kong medyo iritable. "I'm sorry" aniyang mas malumanay. Napatingin ako sa labasan. "I'm sorry, it's just that..." aniyang napabuntong hininga. "I mean ibinilin ka ni Kuya sa akin, it's my duty to look after you at sa palagay ko kung nabubuhay si Kuya, yun din ang gusto niyang mangyari". "Wala akong sakit. I am perfectly healthy and able para magtrabaho" mariing sagot ko. "I'm sure yun din ang gusto ni Ethan pero wala na siya I have to decide for myself, for my child" dagdag ko. "Hindi ko kailangan ng opinyon ng iba" ani ko pang muli. Huminto ito sa isang service road. "Look, I didn't mean to offend or insult you" aniyang inirapan ko. Hindi ako umimik na pilit kumalma, ayokong makaramdam ng stress or inis. "I'm sorry" aniyang bumuntong hininga. Tumango akong tumingin sa labasan. "Sophie..." "I'm sorry, I don't mean anything by that" aniyang muli. Napahinga ito ng malalim. "Sophie..." Sumandal ako sa upuan kong sumulyap sa gawi niya. "Okay na" sagot ko. "I'm sorry. I am sincerely apologizing, wala akong ibig sabihin nun, gusto ko lang masiguro na ligtas ka at ang baby" aniya. "Oo na, naintindihan ko na... pero Caleb hindi mo kami kailangang gawing responsibilidad mo, naintindihan kong nangako ka kay Ethan. Ako na ang nagsasabi wag mo kaming alalahanin, at sa pamangkin mo wag kang magalala kaya ko siyang alagaan at hindi ko siya ipagkakait sa inyo" sagot kong hindi ito umimik na bumuntong hininga muli. "Alam ko ang limitasyon ko sa trabaho at kung hanggang saan lang ang kaya ko, kailangan kong panindigan ang anak ko sa sarili kong pagsisikap" dagdag kong giit. Tumango itong hudyat ng pagsuko. "Okay then, but I am not going anywhere" sagot nitong nagbuhay ng makina. Napalingon ako sa gawi niyang salubong pa rin ang kilay. Hinayaan ko na lamang siya, ayaw ko ng humaba pa ang argumento. "Sleep, gigisingin kita pag malapit na tayo" aniyang pumikit ako. Nag buhay ito ng mahinang tugtog sa stereo niya. Naisipan kong umidlip kesa makipagtalo lang muli sa kanya. *** Nagising akong may balot at takip na maliit na fleece blanket sa katawan ko. Napalingon ako sa gawi ni Caleb na nagtitipa sa telepono niya. Nakahinto ito malapit sa subdivision sa kanila "You're awake" aniya. "Kanina pa tayo naandito?" tanong ko. "Bakit di mo ako ginising?" ani ko pang muli. "Tulog na tulog ka. Tara na, naghihintay na sina Tita Neri" aniya. Inayos ko ang kumot na ibinalik sa likuran. Seryoso itong nagmaneho hanggang papasok sa bahay nila. "Sophie" ani ni Tita Neri na sumalubong sa amin. "Pasok, kamusta ka na?" aniyang yumakap at iginiya ako papasok. "Maayos naman po" sagot kong lumingon kay Caleb na dala ang ipinadala ni Mommy. "Padala po ni Mommy" ani kong inabot nito. "Naku Salamat, feel at home anak, itatabi ko lang ito" aniyang nagtungo sa kitchen. "Sophie!" Si Rico. Napangiti ako. "Enrico" tawa kong sumimangot ito. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Enrico, pang matanda daw. "Rico, sophie RICO" ipinagdiinan nito palapit sa gawi kong ambang payakap. "Then tawagin mo akong Ate" sagot kong tawa ditto. "Tss... para isang buwan lang ang tanda mo eh" aniya. "Kamusta na?" tawa nitong payakap. "Okay naman" sagot ko ng may tumikhim sa likuran namin. "Buntis siya Rico, kumalas ka na, naiipit ang tiyan niya" sabad ni Caleb. "Ay, Sorry" ani ni Rico na kumalas. "Namiss kita" ani kong kinurot ang ilong nito. Madalas ay sila ni Eliza ang pinaglilihian ko. "Tsss..." rinig kong sabi ni Caleb na nilagpasan kami. "May dalaw na naman ang kuya mo" bulong kong napatawa si Rico. "Ate!" Napalingon kami sa gawi ni Eliza na nagmamadaling papaunta sa direksyon namin. Yumakap ito. "Kamusta na ang baby?" aniyang lumuhod sa harapan ko. "Galaw na baby, si Titang maganda ito" aniyang kinakausap ang tiyan ko. Napangiti ako. "Paupuin mo muna si Sophie Eliza" sabad muli ni Caleb na nanggaling sa hagdan. Iginiya ako ni Eliza sa mahaba nilang sofa. "Kamusta na Ate?" aniyang umangkla sa akin. "Okay naman" sagot ko. "Pupuntahan ka sana namin kaninang umaga sa house mo ng dumalaw kami kay Kuya kaya lang sabi ni kuya Caleb baka nagpapahinga ka" aniyang sumandal sa balikat ko. Napangiti ako. "Dito ka matutulog di ba?" aniyang ngumiti ng malapad. Tumango ako. Pumalakpak ito. Napangiti ako. Wala akong maipuna sa pamilya ni Ethan, laging mainit ang pagtanggap nila sa akin. "Dumalaw rin ako sa kuya kaninang umaga, hindi lang tayo nag pang abot" ani ko ng humihimas ito sa tiyan ko. "Opo, nakita nga namin yung bulaklak doon" aniya ng ramdam ko ang pagsipa ng baby ko. Nanlaki ang mata ni Eliza na umangat ng tingin sa akin. "Sumipa ba siya?" ngiti nito ng malapad. Tumango ako. "Sumipa siya Kuya!" aniyang sigaw. Lumapit si Rico na humawak rin sa tiyan ko. Ramdam kong muli ang galaw ng tiyan ko. Napatawa si Rico. "I felt it!" ani ni Rico. Umagaw sa pwesto niya si Eliza. "Kuya, halika ka dito bilis!" aya ni Eliza kay Caleb na nakatitig lang sa amin. Lumuhod ito sa harap kong dahan dahang humawak. Napangiti si Caleb. Isang sinserong ngiti. "One more time baby..." ani ni Eliza. Tumayo si Caleb. "Enough Eliza, napapagod na ang ate Sophie mo" aniyang sumunod naman si Eliza na ikinekwento sa magulang niya ang pagsipa at paggalaw ng anak namin ni Ethan. Napangiti si Tito Joey at Tita Neri. "Siguro narinig niya ang ingay mo" ani ng daddy nila. * Apat napung araw ngayon ni Ethan, pagbabang luksa kung tawagin. Nagalay ng dasal ang pamilya nila at kaunting pagtitipon ng pamilya. Halos gabi na natapos. Tumuloy ako sa kwarto ni Ethan. Hindi ito ang unang beses kong natulog rito, may saya sa dibdib tuwing tumutuloy ako dito. Ramdam ko ang kaunting presensiya niya. Naandito ang ilang mga gamit niya, amoy ko ang pabangong gamit niya dito. Napatingin ako lagpas hatinggabi na. nakaramdam ako ng pagka uhaw. Alam kong tulog na ang mga tao, bumaba akong tumungo sa kitchen nila. Dahan dahan akong naghanap ng baso sa komedor nila. Tumingkayad akong umabot sa cabinet ng ramdam ko ang presensiya sa likuran ko. "Ako na" Si Caleb. Matangkad si Caleb na walang kahirap hirap na kumuha ng baso. "Salamat" ani ko ng nag abot ito ng baso. "Are you hungry?" tanong niya. Umiling ako. "Nauuhaw lang" sagot kong kumuha ng tubig at uminom. Nakatitig lang ito. "Are you still mad?" aniyang nilingon ko. Hindi ako nakaimik. "I'm sorry kanina" aniyang muli. Ngumiti ako. "Okay na yun, sorry din, masyado lang akong emosyonal ngayon... hormones siguro" sagot ko. Tumango itong ngumiti. Napahawak ako sa tiyan ko. Gumalaw ang baby namin ni Ethan. "Did he move?" tanong ni Caleb na mas lumapit pa. Tumango ako. "Can I touch?" aniyang lumuhod sa harapan ko. Tumango ako. Humawak ito sa tiyan kong ramdam kong muli ang paggalaw ng anak ko. "Oh, nag sa somersault ata ang baby mo" aniyang komento. Inihilig niya ang kabilang pisngi niyang inilapit sa tiyan ko. "Kick baby..." bulong niyang nakangiti. "You're strong... wag mong masyadong pahirapan ang Mommy mo" bulong nitong muli. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD