***
"So anong plano mo?"
Umiling ako. Wala pa akong konkretong plano.
Namromroblema ako sa bahay at lupa na nabili namin ni Zac, na nakapangalan sa akin. Pinaghatian naming bayaran iyon.
"Di ko pa siya nakakausap ng personal Ate, nakalimutan ko nga yun hanggang tumawag na lang yung agent namin. Ang nasa isip ko lang eh yung mga personal na gamit na ibinigay niya na isinauli ko sa restoran. Naalala ko ang mukha niyang may lungkot at may pagsisi ng isinauli ko ang engagement na bigay niya at ang singsing namin para sa kasal sana.
"I'm worried and confuse too" sagot ko, dahil yun ang tutuo, hindi ko alam ang mas nakakabuti kong gawin.
"I honestly don't know what to do" ani ko pang muli.
"Paano ba ang naging hatiian ninyo doon?" tanong ni Ate.
"50-50" sagot ko.
"I texted him pero hindi pa niya ako sinasagot. Ayaw ko ng makipagkita sa kanya, I don't want to complicate things, ayokong mag isip ng hindi maganda si Nina" paliwanag ko.
"Okay, anong sinabi mo sa kanya?"
"Sinabi kong kausapin ang agent na ibenta na lang then paghahatian na lang namin. I'm giving up my rights" sagot ko.
Napatango si Ate Serena.
"Hindi ko naman mabili yung bahay sa kanya, hindi ko kayang bayaran ang ganoong pera" ani ko pang muli. Milyon ang halaga nun, ilang taon naming pinag ipunan ni Zac iyon.
"Mag sabi ka kina Mommy, I'm sure bibigyan ka nila" suhestiyon ni Ate na inilingan ko.
"Or, I can lend you money" ani pa nitong muli.
Umiling ako.
"I cause too much trouble already, hindi na ako pwedeng mag abala pa sa inyo Ate. I'll deal with these" ani ko.
"You're my sister Sophie. I think yun ang ginagawa ng magkakapatid" aning muli ni Ate Serena na naghahanda ng gamit papasok sa ospital.
"Hindi na po, kailangan kong ayusin ang problemang ito"sagot ko.
Masyadong malaking abala na ako at pasanin mila magmula ng bago ako ikasal kay Zac, na inako nina Mommy at Ate ang ilang parte ng kasal bilang regalo,ayaw ko ng mangunsume pa silang muli sa problemang kinahaharap ko.
"Okay then, it's up to you... magsabi ka na lang kapag kailangan mo" aniyang tinanguhan ko.
"U-uhm... speaking of Zac" aniyang nilingon ko.
"I heard hindi pa sila kasal ni Nina" aniyang muli.
Kumibit balikat lang ako.
"It's none of my business anymore... problema na nila yun" sagot ko. I'm not affected anymore.
"Uhm, kamusta yung kina Ethan nung nakaraang linggo?" tanong nitong muli.
"Okay naman po, ganun naman sila lagi akong welcome sa kanila" sagot ko.
Tumango ito.
"Ikaw, okay ka na ba?" aniyang nilingon kong muli.
Tumango akong ngumiti.
"I'm good, I love Ethan, sometimes I can still feel his presence... may mga gabing napapanaginipan ko pa rin siya, may mga sandaling pakiramdam ko nasa tabi ko lang siya" sagot kong ramdam ang pananabik sa kanya.
"I still miss him though... but I have to face the reality" sagot kong napangiti si Ate.
"I can't believe hearing this from you... you've change a lot, nagmamature ka na talaga... that's better in due time, magiging ina ka na rin" aniyang lumapit sa gawi kong humimas sa tiyan ko.
"I know, I love Ethan, he will always be in my heart... a big space in my heart at sa palagay ko walang makakapalit sa pwesto niya sa parteng iyon" sagot ko ng marinig namin ang ingay ng pinto. Si Kuya Dion at Caleb.
"Hi Love" ani ni Kuya Dion na humalik sa asawa at ngumiting tumango sa gawi ko.
Bumati akong napatingin kay Caleb. Tumango lang itong seryosong bumati sa akin at kay Ate.
"Oh, akala ko ba mamya pa kayo pupunta dito?" tanong ni Ate.
"Eh , kailangan na kasi ni Caleb, yung blueprint ng condo" sagot ni Kuya Dion. Napatingin ako kay kay Caleb at kay Kuya Dion, wala akong ideya na mag kasama sila sa isang proyekto. Inihinyero din si Kuya Dion ngunit ibang kumpanya.
"May collaboration ang team ko sa kumpanya ni Caleb, joint project kumbaga" paliwang ni Kuya Dion sa akin ng tumingin ako sa kanya.
"Hindi ko ba nabanggit sayo?" tanong ni Ateng inilingan ko.
Napatingin ako kay Caleb na nakakunot noo pa ring nakatingin lang sa akin. ANong problema nito? Mukha na naman siyang pasan ang buong mundo!
"Ikaw na ang bahala Love dito kay Caleb, papasok na ako" ani ni Ate kay Kuya.
"Okay" ani Kuya na paakyat sa sa study room.
"Sasabay na ako Ate" ani kong nagayos na rin ng gamit.
"Paintay sandali, itsetsek ko lang ang pamangkin mo" ani ni Ate na tinanguhan ko.
"Maupo ka muna" aya ko kay Caleb.
Nanatili itong nakatayo.
"Uuwi ka na ba?" tanong nito.
"Hindi dumaan lang ako dito, papunta ako sa Mall" sagot ko.
"Sa akin ka na sumabay" aniyang nakapamulsa pa rin.
"Ay hindi na... ihahatid ako ni Ate Serena" sagot ko, ayokong makaabala.
"I insist Sophie, sa akin ka na sumabay, doon din naman ang punta ko" aniyang kinunotan ko ng noo.
"Doon din ang way mo? Eh hindi ko pa nga sinasabi kung saang Mall" tawa kong sagot. Kumunot lalo ang noo nito.
Napatigil ako.
"Sorry" sagot kong napangiti.
"Saang Mall ka ba pupunta?" seryosong tanong nitong muli.
"Sa MOA ako pupunta" sagot ko.
"Then doon din ang way ko" sagot nito.
"Sigurado ka? Medyo malayo iyon Caleb?" tanong ko ng pababa si Ate Serena.
"Anong malayo?" sabad ni Ate.
"MOA ate" sagot ko.
"I can drop her to MOA-" sabad ni Caleb na inayunan agad ni Ate Serena.
"Naku mabuti pa nga Caleb, yun ay kung wala ka naman gagawin... hindi ba makakaabala si Sophie sayo?" tanong ni Ate Serena.
Umiling ito.
"Ate..."
"Mabuti pa nga Sophie, sa kanya ka na sumabay baka malate ako sa duty ko, traffic na ngayon, kesa naman mag taxi ka mula sa ospital na pinapasukan ko" ani ni Ate na kinuha ang ilang gamit na palabas na.
Wala akong nagawa kundi tumango at sumunod.
"Wait for me here" aniya ng lumapit si Kuya Dion na may ipinakita sa computer niyang mga designs at blueprint sa isang isang mesa. Panay lang ang tango ni Caleb habang nagpapaliwanag si Kuya Dion.
Napasandal ako sa sofa na sinulyapan ko ang telepono ko. Wala ngang ni isang reply si Zac.
"Let's go?" tanong ni Caleb na lumapit sa gawi ko. Nagpaalam na rin kami kay Kuya Dion ng sumabay siya palabas.
Iginiya niya ako sa pinto.
"Sigurado ka bang hindi ako out of way?" tanong ko.
Umiling ito.
"Anong gagawin mo sa Mall?" tanong nito.
"May titingnan lang akong gamit pangbata" sagot ko.
"Alone? Bakit hindi ka nagpasama kay Ate Serena? O kay Eliza?" tanong nitong muli habang nagmamaneho.
"May emergency on call si Ate, dapat siya ang kasama ko kaya nagpahatid ako kay Daddy sa bahay nila, si Kuya Sam nasa flight pa niya sa isang linggo pa ang balik" sagot ko.
"Alam kong may pasok si Eliza, saka nakita ko sa social status ni Rico na nasa Cebu siya" dagdag ko pang muli.
"Ako,hindi ba ako counted sa pwede mong tawagan? bakit di mo ako tinawagan?" aniyang napasulyap sa gawi kong salubong ang kilay pa rin.
"Alam ko kung gaano ka kabusy Caleb, ayaw kong mang abala para lang mamasyal" sagot ko.
"I'll find time Sophie, just call me... anytime" aniyang napasulyap sa gawi kong bumalik sa pagmamaneho.
***