Just Happened 4

1599 Words
*** "A- anong ginagawa mo?" tanong ko ng nagpatay ito ng makina at nagpark ng sasakyan sa halip na ibaba ako sa entrance ng Mall. Salubong muli ang kilay nito. "I'll go with you" aniya. "Caleb..." ani kong pipigilan sana ngunit nauna na itong lumabas at umikot sa gawi ko. "Caleb, you don't have to do this" ani kong pigil dito paglabas ng sasakyan niya. "I'll go with you Sophie, sasamahan lang kita" aniyang seryosong muli. "Kaya ko na okay? Magpapasundo ako kay Daddy pauwi. Mall lang ito Caleb, hindi naman ako maaano dito, magtatagal ako dito, magiikot ikot. Alam kong abala kang tao" paliwanag ko. "I'm not busy Sophie, enough with the arguments, let's go" aniyang humawak ng marahan sa braso kong papasok sa Mall. Napabuntong hininga akong napasunod. Hindi ako kumportableng kasama siya. Kahit madalas ko siyang nakasama nuon sa pagbabantay kay Ethan sa ospital ay hindi ko rin naman madalas siyang nakakausap, at kung mag usap man kami ay tungkol kay Ethan, mas higit pang kumportable ako kay Rico na mapagbiro. Hindi pa naman masyadong crowded ang mall dahil sa maaga pa at hindi weekend. "Anong shop ang pupuntahan mo?" aniyang tanong ng paakyat kami sa escalator. Ramdam ko ang marahan nitong pagaalalay sa likuran ko. Napatingin ako sa gawi niyang napalingon sa gawi ko. "Inaalalayan lang kita" sagot nito. Pumasok kami sa isang baby shop. Tumingin ako ng ilang gamit pambata. Napahawak ako sa tiyan ko ng ramdam ko ang paggalaw nito. Tiningnan ko ang ilang presyo ng crib doon at mga matresses. Wala pa rin akong ideya sa kung anong gender ng anak namin ni Ethan, kaya hindi ko rin mapagdesisyunan ang mga kulay na bibilhin ko. "This is good" kuha ni Caleb sa atensyon kong itinuturo ang isang crib sa gitna. "Masyadong mahal yan" sagot kong lumapit dito, nakita ko na yun kanina, hindi praktikal bilhin. "I'll buy it" aniyang nagtawag ng tindera. "Caleb..." ani kong napahawak sa braso niya para pigilan. "Masyado pang maaga" mahina kong sagot. "Saka hindi ko pa alam ang gender ng baby, yung kulay" ani ko pang muli. Napatingin lang itong tumango. "Masyadong excited si Sir" puna ng tindera. Napangiti lang ako. "May iba't ibang kulay po yan Ma'am, pwede ho kayong magreserve na ngayon" suhestiyon pa niyang muli. "I think that's a great idea, magpapareserve na ako" sagot ni Caleb. "Caleb..." "Miss, saglit lang ha" ani kong hila dito palabas. "Ano ka ba? limang buwan pa lang ang baby ko. Ang bibilhin ko lang ngayon ay yung mga basic muna" paliwanag ko. "Pwede bang wag mo akong pangunahan?" pakiusap kong muli na tumango lang itong nakakunot noo. "Sorry" aniya. "Okay na" ani kong pumasok muli sa shop. Nakasunod lang ito habang namimili ako ng ilang lampin, at pang newborn na mga puting damit. "I'll pay it" aniyang naglabas ng card ng nasa counter na kami. "Caleb" bulong ko. "Don't argue Sophie" aniyang muli na nagbayad at kinuha ang shopping bag. "Kelan mo malalaman ang gender?" tanong nito ng palabas kami ng shop. "Sa next check up ko" sagot ko. "When is that?" tanong nitong muli. "Next Saturday" sagot ko. Napatango itong nagtitipa sa telepono niya. "Sigurado ka bang hindi ka busy ngayon?" tanong kong bumaling dito. "Yes, I'm all yours for today" sagot nitong nakangiti. Napailing ako, bibihira siyang ngumiti. Pumasok akong muli sa isang shop. Tumingin ako ng ilang wallpaper para sa magiging kwarto ng anak ko, sa kwarto ko sa bahay. "Maganda ba ito?" tanong ko sa isang wallpaper doon na may animal designs. "Neutral color naman yan,okay lang" sagot nito. "Kunsabagay" ani kong kumuha ng ilang pares. "U-uhm, anong gusto mo boy or girl?" tanong nitong tumabi sa akin. "Kahit ano, It doesn't matter basta healthy lang" sagot ko. "Ako ang magdedecorate ng room ng baby" aniya. "Kaya ko na yun Caleb" sagot kong natatawa dito. "Nagiinterior din ako Sophie" aniyang muli. "Hindi ko na kailangan ng interior designer Caleb" sagot ko. "Saka, andyan naman si kuya or si Kuya Dion marunong din yun sa interior ng bahay" ani kong muli. "Mas magaling ako kay Dion" sagot nito. "It's for free Sophie, wala akong charge ng PF" aniyang giit. Hindi na lamang ako umimik na umiling. Pagdating sa counter ay siya muli ang nagbayad. Pumasok muli kami sa isang shop. "Hintayin mo na lang ako dito" ani ko. "Sa maternity section ako pupunta" ani kong tumango itong sumunod sa akin ngunit naupo na lang sa isang bangko. Namili ako ng ilang damit pang buntis, at pampasok ko na rin, medyo tumataba na ako at kailangan kong maging kumportable sa suot ko. Tanaw ko si Caleb na papunta sa gawi kong umupong muli sa mas malapit na bangko. "Caleb" ani kong kuha sa atensyon niya. "Hintayin mo na lang ako dito" giit ko para hindi na niya ako sundan pa. Mamimili ako ng ilang pang personal na gamit, dahil kahit ang undies ko ay medyo sumisikip na rin. Tumango naman ito. Patapos na ako halos ng pamimili ng may humagip sa paningin kong papunta sa akin. "Zac" mahinang sabi ko. Nakatitig ito sa akin na papalapit. Nakatingin siya sa umbok ng tiyan ko. "Sophie..." aniyang halos bulong. Ngumiti ako. "Kamusta?" tanong ko. "Nakita kita, akala ko nagkamali lang ako" aniyang napatingin muli sa umbok ng tiyan ko. Silay ko ang pagkalito nito, at parang may bahid ng lungkot. "Tinext kita, hindi kita makontak" sagot ko. "Y-yung bahay Zac, kailangan ko ng pirma mo" ani ko. Hindi ito umimik na nakapamulsa. "Kailangan nating isettle yun Zac, mas maigi yata kung ibenta na natin" ani ko pang muli. Hindi ito umimik na nakatingin paminsan minsan sa tiyan ko. "You're pregnant" aniya. "Huh? Oo 5 months na" sagot kong napahawak sa tiyan ko. "Yun din yung time na naghiwalay tayo" aniyang muli. Tumango ako. "Parang ambilis naman yata" aniyang ramdam ko ang hinanakit sa boses nito. Napakunot noo ako sa sinambit nito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ng may umakbay sa balikat ko. "What took you so long? Kanina pa kita hinahanap" Napaangat ako ng tingin. "Siya ba ang ama?" tanong ni Zac. "Ha?" "Caleb" pakilala ni Caleb kay Zac na naglahad ng kamay. Inabot ni Zac na nakatingin sa akin. "Zac" ani ni Zac. "Let's go" ani ni Caleb na kinuha ang hawak ko. Humawak ito ng marahan sa likuran ko. "Mauna na kami Pare" ani ni Caleb na giya sa akin sa counter. Napatango ako. "U-uhm, Zac pwede bang magdesisyon ka na doon sa bahay" pahabol kong nakatingin lang ito sa amin. "Let's go" Hinabol ko ng tingin si Zac, nanatili siya sa pwesto niyang nakatingin sa gawi namin. *** Lagpas tanghali na, pumasok kami sa isang restaurant. "Pasta lang ako saka salad" ani ko sa kanya habang siya naman ay umorder ng steak. "Who's that?" aniyang tanong. "Si Zac?" Tumango ito. "Ex ko" sagot ko. Napatango ito. "Actually, ex fiancé ko" sagot kong muli. "Siya ang dahilan kaya napunta ako ng Macau. Doon ko nakilala si Ethan" sagot ko. "S-so, hindi natuloy ang wedding ninyo dahil kay Kuya?" tanong nitong muli. "Hindi, hindi natuloy ang kasal namin dahil hindi niya ako sinipot" sagot ko. Napatawa ito ng mahina. "Stupid bastard" aniya pang bulong. Napangiti ako ng tipid. "Hindi niya ako sinipot at ipinagpalit sa kaibigan ko" dagdag ko pang muli. "Ayun, napunta ako ng Macau at doon ko nakilala si Ethan, maigi na lamang at nangyari yun" sagot kong humaplos sa tiyan ko. Hindi ito umimik na napatingin sa akin. "Anong kailangan niya, bakit siya lumapit sayo?" tanong nitong muli. "Wala naman, nangangamusta lang siguro, nakita niya ako sa mula sa labas" sagot ko. "You two seem arguing kanina" aniya pang muli. "He's eyeing on you at mukhang disappointed sa tiyan mo" dagdag pa nito. "Hindi, may mga sinesettle lang kaming problema" paliwanag ko. "Ano yun?" aniyang tanong muli. "Wala Caleb, personal na yun" sagot ko. "Yun ba yung sinasabi mong bahay?" aniyang muli. "Nakikipagbalikan ba siya sayo? Hindi ba niya alam yung nangyari sa inyo ni Kuya? May feeling ka pa rin ba sa kanya?" sunod sunod na tanong nito. "Caleb..." ani kong nagtitimpi dito. "Hindi ko na siya gusto okay? Hindi siya nakikipagbalikan, at palagay ko hindi rin niya alam yung kay Ethan, pero alam niyang meron ng magmamay ari sa puso ko, at alam niyang hindi na siya yun" paliwanag ko. "Meron kaming biniling property na kailangang paghatian, yun sana ang titirhan namin pagkatapos ng kasal" sagot ko. "The settle with him fast ng hindi na siya lumalapit sayo" aniyang nakakunot noo. "Ano bang problema? Bakit ka ba masyadong aligaga at apektado? Hindi siya lumalapit sa akin, I tried reaching him this past days kaso hindi ko siya makontak, nagkataon alng na nakita niya ko dito sa Mall" paliwanag ko. "Do you need help?, may kilala akong abogado or realtor" aniyang inilingan ko. "May agent na ako, kailangan ko na lang ng pirma niya" sagot ko. "I think he still like you, and sa mukha niya kanina, he seems disappointed na nakitang buntis ka" aniyang komento muli. Hindi ko na sinagot, sa huling paguusap naming ni Zac, sinabi nitong malaki ang pagsisisi niyang iniwan niya ako. "Hindi ko na siya gusto,may nagmamay ari na sa puso ko" sagot ko. Hindi ito umimik na tumungo. Humawak ako sa kamay nito. "I know you're worried, hindi ko ipagpapalit si Ethan. I love your brother so much Caleb, hindi ang isang Zac ang pwedeng pumalit na umokupa sa puso ko" sagot kong napaangat ito ng tingin. Ngumiti ito ng tipid. "I'im h-happy to hear that" sagot nitong napabuntong hininga at tipid na ngumiti ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD