***
"Take this" aniyang abot sa isang paper bag ng huminto sa tapat ng gate namin.
"Ano ito?" tanong kong binuksan iyon. Mga prenatal at motherhood na books.
"Makakatulong sayo yan"
"Salamat " sagot kong tinanggap iyon.
Halos hapon na, pagkatapos naming kumain ay sa dumaan kami saglit sa bookstore.
Bumaba itong kinuha ang ilang pinamili kong nasa backseat ng sasakyan niya.
"Caleb" bati ni Daddy ng pinagbuksan ako ng pinto.
"Good afternoon po Tito" bati ni Caleb pabalik.
"Inihatid ko lang po si Sophie" aniya ng iginiya siya ni Daddy sa loob ng bahay.
"Oh, akala ko ba ate mo ang kasama mo bunso?" baling ni Daddy sa akin.
"Na oncall si Ate Dad" sagot ko.
"Kaya inistorbo mo si caleb?" aning tanong muli ni Daddy.
"Hindi po Tito, nagkita po kasi kami ni Sophie sa bahay nina Dion" sagot ni caleb bago pa ako nakasagot kay daddy.
"Hindi ko siya pinilit Dad" dagdag ko.
"Siya, magmeryenda ka muna" aya ni Daddy sa kanyang nagpahanda sa kasambahay ng maiinom nila.
Umakyat akong nagbihis. Nagsuot ako ng bestidang pambuntis. Medyo maluwag iyon ng kaunti. Napatingin ako sa salamin, halatang halata na ang pagkakaumbok ng tiyan ko. Naalala ko ang reaksyon ni Zac kanina, wala akong ideya sa kung anong nangyari sa kanila ni Nina.
Naghilamos akong naglinis ng mukha at saka bumaba.
Nadatnan ko pa rin si Caleb at Daddy na naguusap sa sala. Naandon din si Mommy sa tabi ni Daddy. Napangiti ako ng umangat ng tingin si Caleb sa akin marahil ng marinig ang yabag ng paa kong pababa ng hagdan.
"Sophie" ani ni Mommy na sumalubong sa akin.
"Sabi ko na sayo diba, wag mo ng gagamitin itong tsinelas mong ito, at madulas iyan sa sahig" ani ni mommy.
"Kumportbale ako dito 'My" sagot ko sa tsinelas kong Disney design, malambot iyon sa paa.
"Siya, magmeryenda ka na dito" ani ni Mommy.
"Busog pa po ako" sagot kong umupo sa tabi nila. Napatingin ako kay Caleb na nakatitig lang.
"U-uhm..." ani ni Daddy na kumuha ng atensyon ko.
"Nakabili ka na ba ng mga gusto mong gamit para sa apo ko?" baling ni Daddy.
"May mga nakita na po ako Dad, titingnan ko na lang yung kulay after ng check up ko" sagot ko.
"Babalikan ko po uli yun next week pag nalaman ko na ang gender ni baby" sagot kong napahawak sa tiyan ko.
Tumango si Daddy.
Napalingon ako sa gawi ni Caleb napatingin ako sa orasan naming na nakakabit sa dingding. Halos naubos ang buong araw niya, wala pa ba siyang balak umuwi?
"U-uhm, Caleb... wala ka na bang kailangang asikasuhin sa opisina mo?" tanong kong kumunot ang noo nitong umiling.
"Wala" aniyang itinuloy ang pagsimsim ng kape.
"Eh, kasi naubos ko ang oras mo, baka kailangan mo ng magpahinga rin?" ani kong muling sumabad si mommy.
"Sophia!"
"Huh? Ah eh, sorry... nagaalala lang naman po ako naiwan niyang trabaho" ani kong napailing lang si Daddy.
"It's okay Tita, pauwi na rin naman po ako talaga" aniyang tumayo na.
"Sorry, hindi naman kita minamadaling pauwiin kaya lamang nga e-" ani ko ng sumabad agad ito.
"It's okay, I understand, ikaw din you need to rest panay ang lakad mo kanina" sagot nitong nagpaalam sa mga magulang ko.
"Sophie, ihatid mo na sa labas si Caleb" utos ni Mommy na tinanguhan ko.
*
"Pasensiya ka na kanina" ani kong medyo malayo kami kina Mommy.
Ngumiti ito.
"Magpahinga ka na" aniya.
"And thank you pala sa mga pinamili mo para kay Baby" sagot ko pang muli.
"I don't mind Sophie, hindi mo pa siya ipinapanganak... I know in my heart that I'll gonna love him or her" sagot nito.
"Salamat Caleb" anikong yumakap dito. Yumakap ito pabalik... ng medyo mahigpit at saka kumalas.
"Uh... wait" aniyang bumalik sa kinatatayuan ko.
"Pwede bang making ka sa Mommy mo? She's right, the slippers you're wearing is not safe, change muna into rubber or something na hindi madulas sa sahig" aniyang muli bago pumasok sa sasakyan niya.
***
"Ma'am Sophie may naghahanap po sa inyo sa labas" ani ni Lirma na assistant teacher ko.
Lumabas akong tumungo sa visitor's area.
"Zac..."
"Sophie" aniyang may ngiti.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"I just wanted to see you" sagot nito.
"What?"
"No. I mean, gusto sana kitang makausap, pwede ka bang ayaing mag lunch?" tanong nitong muli.
"Zac... alam ba ni Nina na naandito ka?" tanong ko.
Napatungo ito umiling.
"Zac..."
"We broke up Sophie..." aniyang halos bulong.
"Zac... I don't think it's right-" ani kong sumabad agad ito, dahil balak kong ang agent na lamang ang makikipagkita sa kanya tungkol sa bahay at lupa.
"It's just lunch Sophie... and besides pag uusapan natin yung sa property natin" aniyang muli. Pakiramdam ko ipinagdiinan nito ang salitang natin.
Napatango na lamang ako.
Lunch break na rin ng mga bata, kaya nagpaalam na rin ako sa kasama kong manananghalian.
"Sigurado ka ba diyan? nagtataka lang ako kung bakit siya humahabol sayo ngayon eh, siya ang nang iwan nuon sayo" ani ni Lirma.
"May paguusapan lang kami Lirms, yung nabili naming property" sagot ko.
"O siya, take your time ako na ang bahala dito, nap time na rin naman na ng mga chikiting mamaya" ani ni Lirma. Siya ang pinakamalapit kong kaibigan sa nursery school.
Iginiya ako nito sa sasakyan niyang papunta sa isang restoran. Yun ang paborito naming restoran nuon.
"Zac..."
"Namiss ko ito, pagigyan mo na ako" aniyang wala akong nagawab kundi sumunod sa loob.
Umorder siya ng madalas niyang inoorder para sa aming dalawa.
"May gusto ka pa ba?" tanong nitong inilingan ko.
"Kamusta ka na?" tnaong nito.
"Okay lang ako" sagot ko, gusto ko na lang matapos na ang pananghalian na ito.
"Zac... yung tungkol doon sa nabili natin" ani ko ng sumabad agad ito.
"Kumain muna tayo" anyang bumuntong hininga.
"Zac..."
"Please Sophie... pwede bang mamya na lang?" pakiusap nitong muli.
"Kamusta na kayo ni Nina?" tanong ko.
Napatungo ito.
"I regret everything Sophie...I made the wrong decision, pinagsisihan ko na ang lahat" aniya.
"Zac, tapos na iyon" sagot ko.
"Hindi na maibabalik ang dati" dagdag ko pa.
"It should have been me, ako dapat ang ama ng dinadala mo" aniyang may lungkot sa mata.
"Zac..."
Dumating ang inorder niyang pagkain namin.
Tahimik itong naglalagay ng pagkain sa plato ko katulad ng nakagawian niya nuon. Kung sa ibang pagkakataon ay mukha sana kami ng halos perpektong pamilya, ang mister na pinagsisilbihan ang buntis na asawa, ngunit hindi ganoon.
"Zac... stop it please" ani kong kinuha ang plato sa kanya.Hindi ako kumportable.
Napahinga ito ng malalim.
"I'm sorry" sagot nitong suko.
"Let's stop this Zac, tapos na iyon hindi na maibabalik ang dati, wala ng tayo" sagot ko.
Tumango ito.
Kumain ako ng tahimik, wala din naman akong ganang kumain na ganito ang sitwasyon namin.
"I'm just hoping..." aniyang bulong.
Napakunot noo ako. Hoping for what?
"Parang ang bilis naman yata ng sainyo ng ama ng dinadala mo" sagot nito. Naintindihan ko ang pinupunto nitong nabuntis ako agad, pagkatapos ng paghihiwalay namin.
"I'm sorry pero labas ka na doon, gusto ko lang masettle na natin ang binili nating property. I need you signature, yun ang pinakamaigi doon, ibenta natin" ani ko.
"Y-yung ama ng dinadala mo, mahal mo ba siya?" tanong nitong muli na parang hindi narinig ang sinasabi ko.
"Zac.."
"Answer me Love, mahal mo ba siya?"pagpipilit nitong tanong.
"Yes, I love him" matigas kong sagot.
Napabuntong hininga ito.
"Ikaw, mahal ka ba niya? Kaya ka ba niyang alagaan? If not, Sophie I can father your child, I still love you, Nagkamali lang ako, pero itatama ko" sagot nito.
"What? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" ani kong nagpunas ng bibig. Hindi ko gusto ang pupuntahan ng usapan namin.
"Yes, I still love you... taon ang pinagsamahan natin Sophie, I don't think mawawala na lang sayo yung ng ganon kadali, I want you back, come back to me Love, I can take care of you... I will take care of you, you and your baby" aniyang pakiusap na humawak sa kamay ko. Binawi ko iyon.
"Zac sto-" ani ko ng maramdaman ko ang pag akbay sa balikat ko. Si Caleb.
Napatayo akong naramdaman ko ang paghawak ni Caleb sa baywang ko.
"I'm sorry Mr. Ramirez, I can take care of my child, hindi ka niya kailangan neither my wife, so back off" kalmadong ani ni Caleb na napaangat ako ng tingin. Kalmado lang ito ngunit ramdam ko ang pigil nitong galit.
"Stop harassing my wife or else I'll sue you, keep your distance dahil kung hindi mapipilitan akong kumuha ng restraining order against you!" aniyang iginiya akong palabas ng restaurant.
***