Just Happened 6

1326 Words
*** "Caleb" Salubong ang kilay nitong iginiya ako palabas ng restaurant at patungo sa sasakyan nito. Humawak ako sa braso niya para mapahinto. "Get in Sophie" aniyang kalmado ngunit may bahid ng pagtitimpi ito. "Caleb..." "I said get in" aniyang muling humawak sa braso kong iginiya ako sa loob ng sasakyan niya. Sumunod akong umupo sa tabi ng driver's seat. Ikinabit nito ang seatbelt ko, pagkuwa'y umikot itong papaunta sa driver's seat. "Caleb..." kuha ko sa atensyon nito ng nagbuhay ng makina. Hindi ito umimik at nagpatuloy sa pagmaneho. "Caleb!" ani kong tumaas ang boses dahil sa hindi nito pagkibo. Lumingon itong salubong pa rin ang kilay, ramdam ko ang inis nito sa higpit ng hawak niya sa manibela. Huminto ito sa isang service road. "Anong problema mo?!" ani kong pigil sa inis dito. Mukha akong bata na sumusunod lang sa kanya. "Why are you with him?" seryosong tanong nito. "May pinagusapan lang kami" sagot ko. Umiling itong natawa ng mahina. "Usapan? Hindi siya mukhang simpleng meeting Sophie, initimate date ang tingin ko doon" aniyang napaatras ako sa upuan ko. "Intimate date?" "You two seem cozy with each other, mukha kayong perfect couple na pinagsisilbihan niya, at nakahawak pa siya sa kamay mo" aniyang may halong pambibintang. Napakunot noo ako at napailing. "Wag mo akong pagbintangan sa bagay na wala kang alam" sagot napairap dito. How dare him na akusahan sa bagay na wala naman siyang alam sa nangyayari! "Hindi iyon mukhang bussiness meeting Sophie, I was there the whole time na naguusap kayo" akusa nitong muli. Napailing akong muli. "Are you two getting back together? Niloko ka niya diba? gusto mo ba uli siya? Alam ba niya ang tungkol kay Kuya? Na kung di pa ako dumating doon, pati ang anak mo gusto niyang angkinin, at hinahayaan mo yun di ba? Why, do you like him now?-" aniyang hinarap kong di ko napigilang sampalin sa kabilang pisngi niya. Hindi ko kayang sikmurain ang inaakusa nito sa akin. "How dare you na akusahan ako ng ganyan!" ani kong di napigilan. Napahawak ito sa pisngi niya. Napahinga ako ng malalim. "Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag sayo, pero sasabihin ko ito mawala ang agam agam at malisyoso mong pagiisip! It's true sinundo ako ni Zac sa pinapasukan ko, dahil gusto ko ng matapos ang usapan namin tungkol doon sa nabili namin, wala akong balak makipagusap sa kanya pero naandon na siya, doon kami kumain sa restaurant na iyon dahil yun ang madalas naming puntahin noon, but not rekindling the past Caleb! To be honest, sa palagay ko nasabi ko na ito sayo nuon... yes Caleb, gusto niya akong balikan, pero tumanggi ako, wala ka doon sa mesa namin para marinig mo ang pagtatangggi ko sa pagsisilbi niya" ani kong di ko napigilan ang pagiinit ng mata ko. "Hindi ako ganun katanga Caleb para balikan pa si Zac, and don't you dare accuse me na walang basehan! And for the record, kahit sayo pa kami ipinagbilin ni Ethan, wala kang karapatang akusahan o pagsalitaan ako ng masama!" ani kong di napigilang nagkalas ng seatbelt at lumabas ng sasakyan niya. Nagmadali akong tumungo sa kabilang direksyon at naghanap ng masasakyan ko pabalik ng eskwelahan. "Sophie!" rinig kong sigaw ni Caleb, alam kong papunta siya sa direksyon ko. Naglakad ako ng mas mabilis pa. "Sophie!" aniyang sigaw ng mamakita ako ng taxi at pumara, nagmadali akong pumasok sa loob, hindi ko na siya nilingon pa. Ramdam ko ang paghampas nito sa sasakyan at pilit na binubuksan ang pinto ko. "Tara na manong, pakibilisan na lang po" ani ko sa drayber. Hindi ko na napigilang mapahikbi. "Okay lang kayo ma'am?" ani ng drayber sa tahimik kong pag iyak. Tumango akong napatingin sa labas. * "Nandyan si Caleb sa baba" ani ni Mommy na pumasok sa kwarto ko. "Pakisabi na lang po, nagpapahinga ako 'My" ani kong bumalik sa gawa ko para sa klase ko. "Ano bang nangyari anak? e halos araw araw na siya dito" "Nagkasagutan po kami, misuderstanding lang po" sagot ko. "Settle with him, hindi yung nagtatago ka humingi na siya ng dispensa sa Daddy mo, gusto ka niyang makausap" aning muli ni Mommy na inilingan ko. "... and Sophie anak, i don't think it is right na nakikipagkita ka pa kay Zac, tama na iyong isang beses na kayong nag usap, sinaktan ka niya at iniwan nuon, wag mong kalimutan iyon" ani ni Mommy bago lumabas ng kwarto ko. Napabuntong hininga akong napasandal sa study table ko. Halos isang linggo na ang nakalipas magmula ng insidenteng iyon,hindi ko pa rin pinakihaharapan si Caleb, madalas ay nagpapadala siya ng bulaklak para sa paghingi ng tawad, madalas rin ay pumupunta siya dito ngunit hindi ko binababaan, masama ang loob ko sa kanya. Ilang araw na rin siyang pumupunta sa pinapasukan ko ngunit madalas rin ay gumagawa ako ng alibi para hindi siya makita. Napahawak ako sa tiyan ko, hindi ko alam kung nagoover react lang ba ako. Napatingin ako sa telepono kong naandon ang ilang messages ni Caleb at missed calls, ayoko siyang makausap o makita. Binura ko iyo isa isa ng tumunog ang telepono ko. Si Eliza. Wala akong ideya kung may alam ba siya o sina Tita Neri sa pagaaway namin ng kapatid niya. "Ate!" magiliw na bati nito. "Eliza" "Ate, wag mo daw kalimutan yung birthday ko sa susunod na araw" aniya. "HUh? oo nga pala" sagot ko. "Don't tell me nakalimutan mo" aniyang muli. "Hindi naman nasa reminders ko iyon" sagot kong naisip na wala pa akong nabibiling regalo dito. "Punta ka ha, susunduin kita, simpleng get together lang naman iyon, family and close friends ko lang , masarap doon ang hangin Ate, marerelax ka and yung baby" aniyang naisip kong tumanggi na lang. Umiiwas ako sa pwede naming pagkakitaan ni Caleb. "Sa resthouse po iyon sa Batangas, si Kuya Rico nasa Cebu pa eh, hahabol na lang daw and for sure si Kuya Caleb hindi makakapunta iyon, busy yon sa trabaho sabi niya, pero mas maigi ngang wala sina KUya kasi KJ ang mga iyon pag naandon mga kaibigan ko" tawa nitong umayon na lang ako, tutal naman ay wala si Caleb doon. "SIge, sasama ako" sagot ko. "Yey! mageenjoy ka doon promise, dala ka ng bikini mo!" tawa nito. Pakiramdam ko walang ideya si Eliza na nagkatampuhan kami ng kuya niya. "Anlaki na ng tiyan ko Eliza para magbikini pa, eh mukha na akong nakalunok ng pakwan dito" sagot kong humahagikgik ito sa tawa. *** "Pinabibigay" abot ni Lirma sa isang paper bag at isang bouquet ng bulaklak muli. Galing iyon kay Caleb. Halos isang linggo na rin niyang ginagawa ito sa bahay at dito sa nursery school na pinapasukan ko. "Ang sweet niya friend, ang tiyagang sumuyo sayo... kung di ko lang alam na almost brother in law mo na siya, palagay ko may gusto siya sayo" aniyang nakapanaglumbaba sa mesa ko. "Tigilan mo ako Lirma" ani kong inabot sa kanya ang laman ng paper bag. Pagkain at ilang chocolates. "Sus, mukhang nanliligaw, may chocolates pang kasama" aniyang tawa. "Sayo na yan, bawal sa akin ang matamis" sagot ko. Napatingin ako sa card na kasama nuon. "I'm sorry... I didn't mean to make you mad,I am truly sorry for my action and words.I admit i was out of line, i promise it won't happen again, forgive me please - C" Napailing akong ibinasura iyon. "Patawarin mo na..." ani ni Lirma habang kumakain. "Haysst, ang sarap niya sigurong maging jowa no? napakapossesive, protective... yung tipong nababasa mo sa romance novels" anyang napangalumbabang nakangiti. "Masungit iyon, bato at mukhang laging pinagsakluban ng langit at lupa" sagot kong nagayos ng gamit ko. "Gwapo naman,saka ansarap sumuyo, parang nanliligaw lang at sumusuyo ng asawang buntis" tawa nitong ikinanunot ng noo kong napatingin dito. "Yung tipong lover's quarrel lang" dagdag nitong nakangiti pa rin. "Kilabutan ka  nga Lirma, kapatid siya ni Ethan pwede ba? saka wala akong balak palitan siEthan" ani kong yamot na tumayo    ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD