*** "Anong ginagawa niya dito?" irap na tanong ni Kuya Sam habang nakatingin kami sa gawi ni Zac at ang mga magulang nito. "Kuya..." "He had the guts para magpakita dito?" aniyang muli na nakahalukipkip. "Kuya stop it... nakikiramay sila" saway ni Ate serena. Hindi naimik si Kuya Sam. "Go... kung gusto mo silang pakiharapan, ikaw ang bahala...pero hindi ako haharap sa Zac na yun, baka kung anong magawa ko" ani ni Kuya na pumasok sa pantry ng Memorial Chapel. Napahinga ako ng malalim. Pangalawang beses ng pumunta ni Zac sa lamay nina Mommy. Ayaw ko man siyang pakiharapan ay wala akong magawa, ayokong magmukhang bastos sa mga magulang nito. "Pakiharapan mo na, pero wag siyang mageeskandalo rito" ani ni Ate na nilagpasan ako. Kita ko sa mukha ni Zac ang pagaalala at pakikisimpatiya.

