*** "You rest, wag ka ng pumayag sa mga kalokohan ni Rico" bulong nito. Umupo ito sa tabi kong pansin na wala na rin si Giselle sa mesa namin. "It's getting late, magpahinga ka na... mauna ka ng umakyat sa itaas" aniyang tingin sa relo niya. Papunta na rin sa gawi namin si Lucy at Rico. "Where's Giselle?" tanong ni Rico. "Pumasok yata sa loob" sagot kong umiwas ng tingin kay Lucy at Caleb pa rin. "Hindi kita naisayaw ng maayos Sophie" ani ni Rico na tumabi na umupo sa kabilang gilid ko. "She's tired Rico ,leave her alone" sabad ni Caleb. "Sorry, gusto mo na bang magpahinga?" tanong muli ni Ricong tumango na lamang ako at napatayo. "Excuse me" paalam ko. "Tara na, papasok din ako sa loob" sabad ni Caleb. "Caleb..." kuha ni Lucy sa atensyon niya. "I'll go with Rico Caleb, wag mo

