Chapter 5
Kakai's Pov
HINILA ako ni sir gwapo papunta sa kotse niyang mamahalin kaya nahiya ako baka kumalat sa loob ng kotse niya ang baho ko ba. Kauwaw lang gyud ko! (Nakakahiya talaga ako!)
Pero wala man ako magawa lalo na ng pinagbuksan ako ni sir gwapo. Wa pa gyud lami batasan kay tinulak niya ako sa loob ng kotse. (Ang pangit talaga ng ugali dahil tinulak niya ako sa loob ng kotse.)
Tumama pa tuloy ang mukha ko sa upaun. Bati pa ta'g nwng, itukmod pa gyud. (Pangit na nga mukha natin, tinulak pa talaga.)
Pumasok naman ang lalaki sa loob ng sasakyan kaya nahiya talaga ako. Yung amoy na ko ba.. baho na talaga ako. (Yung amoy ko talaga.. mabaho na talaga ako.) Ilang araw na kasi ako walang ligo. Sabi ko naman kasi do'n sa babae na nagbabantay ng banyo na kung pwede ay pagamiti niya ako para maligo. Kaso ayaw man niya pumayag uy!
Nahihiya akong tignan ang lalaking gwapo habang ang akong duha ka binti ay pinagdikit ko para hindi niya ako maamoy.
"What's wrong?" Tanong niya kaya tumingin ako sa lalaki. Ayan na naman kasi siya sa english-english niya. Sa tagalog nga nahirapan na ako sa kalisod.
"Ano kasi.. nauwaw po ako sa'yo, sir. Este.. nahihiya po ako kasi.. mabaho na po ako tapos pinasakay mo ako dito sa loob ng sasakyan mo. Nakakahiya po baka madumihan ko ang sasakyan mo." Panghihingi ko ng pasensya sa lalaki.
"Bakit nandito ka parin sa terminal na 'to?" Tanong ng lalaking gwapo.
Palipat-lipat naman ako ng tingin sa kanya at sa mga binti ko. "Kasi po.. hindi ko na po nakita ang kaibigan ko. Wala na po siya dito. Pero hindi po ako umalis dahil wala naman po akong pupuntahan dito po eh. Wala po akong kilala." Sabi ko na binagalan ko pa talaga ang pagsasalita ko at baka magkamali ako sa pag sagot.
"Wala kang kilala pero bakit muntik ka ng sumama sa dalawang lalaki kanina?" Tanong niya sa 'kin kaya napakamot na naman ako sa likod ng ulo ko.
"Eh kasi po.. bisaya po siya. Sabi niya po kasi tutulungan daw po niya ako. Sabi po niya marami daw po pagkain sa bahay niya kaya sasama po sana ako dahil gutom ko na po kasi ako. Pila na po ako ka adlaw kasi walang masyadong kain-kain ng maayos." (Ilang araw na po kasi akong walang kain ng maayos.) Sabi ko kay sir gwapo. Wala naman ako mapapalala kung magsisinungaling ako.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ng lalaki at hinilot niya ang noo niya. Ang gwapo niya lalo kapag ginagawa niya yun. G atay na gyud!
"Bakit ko ba ginagawa 'to? Kasalanan mo talaga 'to Pierce." Dinig kong sabi ng gwapong lalaki pero alam ko naman na hindi ako ang kinakusap niya. Hindi nalang talaga ako nasagot baka mauwawan (mapahiya) pa ako.
"Anyway, ayaw sana kitang tulungan kung hindi lang sana sa kapatid ko. Kaya makinig ka sa sasabihin ko at wag kang ta-tanga." Sabi ng lalaki sa 'kin. Ayan na naman siya.. nagminaldito na pud.
"Tutulungan kita. Bibigyan kita ng matutuluyan, pagkain pati na din damit." Sabi ng lalaki kaya agad nanlaki ang mata ko.
"Talaga, sir gwapo? Tutulungan mo talaga ako? Hala, sir.. thank you kaayo ba.." maiiyak-iyak kong sabi.
"Hindi pa ako tapos magsalita. Kaya pwede tumahimik ka muna at patapusin mo ako." Sabi ng lalaki kaya napangiwi ako dahil nagagalit na naman siya.
Ngumisi ako at itinikom ko nalang talaga ang bibig ko para hindi magalit sa 'kin si sir pogi.
"Kukunin kitang maid. Hindi naman pwedeng libre ang pagtira mo sa bahay ko. Ayaw ko sanang gawin 'to dahil kaya ko naman ang walang kasambahay. Pero simula ngayon ay magiging maid kita. Kapalit no'n ang pagpapatira ko sa'yo sa aking bahay. Sabihin mo lang sa 'kin kung ayaw mo sa alok ko ay lumabas ka na sa kotse ko ng makaalis na ako." Sabi niya. Okay na sana eh, may halo pa talagang pagbabanta.
"Ay, payag po ako, sir uy! Ayaw ko na po matulog sa kalsada po. Kahit alilain mo po ako, okay lang po sa 'kin. Kung gusto mo, sir.. pati ikaw linisan ko, sir." Sabi ko sa kanya kaya pinukol niya ako ng masamang tingin.
"May isa akong kondisyon, woman. Para payagan kitang maging maid at tumira sa bahay ko ay bawal na bawal kang mag bisaya kapag kausap mo ako. Kaya kailangan mong matuto mag tagalog. Hindi ako ang mag a-adjust. Nagkakaintindihan ba tayo?!" Tanong niya sa 'kin kaya agad akong tumango.
"Sus.. yun lang naman pala, bossing gwapo. Madali lang yan sa 'kin. Pero baka pwede po humirit, bossing.. hindi naman ako masyado magaling mag tagalog kaya baka pwede po.. magka balintong-balintong ang tagalog ko. Pasensya ka na, bossing.. pero pangako ko man sayo na kuan.. kanang matuto talaga ako mag tagalog para hindi ako matanggal. Salamat po kaayo, bossing.." sabi ko at pilit na inaayos ang pag t-tagalog ko.
Kailangan ko talaga matuto uy! Ayaw ko na mubalik sa pagtulog sa terminal. Tapos wala pa akong ligo, at wala din ako kinakain. Kaya mas mabuti na talaga 'to. Pasalamat talaga ako dahil binalikan ako ni bossing gwapo.
Hindi talaga ako makapaniwala na may tutuluyan na talaga ako. Akala ko hanggang sa terminal o kalsada na lang talaga ako matutulog. Nakakatakot pa naman dito sa labas.
Tumahimik na si bossing gwapo at agad na g pa andar ang kotse og pinatakbo ng mabilis.
Napahawak pa ako sa gilid ng pinto ng sasakyan sa gulat ko. Way batasan talaga 'tong bossing ko.
"Dahan-dahan naman, bossing uy! dumikit na ang mukha ko sa salamin ng kotse mo." Reklamo ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi ko na tumama.
"Tumahimik ka! Gusto ko ng kapayapaan." Sagot ng boss ko kaya napakamot ako sa ulo ko.
"Gusto mo ng kapayapaan, bossing gwapo? May alam ako ba kung saan meron. Payapa talaga do'n, bossing. Hindia talaga magsisisi." Sabi ko sa kanya ay hindi pinansin ang sinabi nya na tumahimik ako.
"Saan?" Seryoso naman niyang tanong.
"Sa simenteryo, bossing. Mingaw kaayo didto este.. tahimik talaga do'n. Kapayapaan talaga po." Sabi ko sa kanya ngunit napangiwi ako dahil halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.
Napamot na naman talaga ako sa likod ng ulo ko dahil nagalit na naman siya
sa 'kin. Wala naman sana akong sinasabing masama. Siya nga 'tong nagsabi ng kapayapan tapos magagalit.
Tahimik nalang ako at baka palabasin niya ako sa loob ng sasakyan niya. Kawawa naman ako at baka matulog na naman ako sa kalsada nito kapag nagalit na naman siya sa 'kin. Dapat maging mabait ako at masunurin talaga sa bago kong bossing. Sana lang maging bootan (mabait) siya sa 'kin uy!
Yun nalang talaga pinagdarasal ko. Minalas na nga ako sa pag punta ko dito sa Manila, sana naman maswertehan ako sa bossing ko uy! Hindi ko nga alam kung nasa'n na ang kaibigan ko eh. Paano kaya kung bumalik yun sa terminal ba tapos hanapin niya ako.
Pero ilang araw naman din kasi ako do'n uy.. wala mang Gemma na bumalik kahit anino niya. Hinintay ko talaga siya. Lupig pa nako'y uyab niya, naghuwat na balikan. (Talo ko pa ang nobya niya, naghihintay na babalikan.)
Hindi ko man talaga siya nakita. Hindi naman kasi pwede na hindi ako umalis do'n sa terminal. Maraming masasamang tao do'n talaga kaya dapat lang na umalis ako.
Kanina.. naisalba yata ako ni bossing gwapo. Tanga talaga ako.. nagtitiwala agad. Pero ang tanong.. si bossing gwapo din ba mapagkakatiwalaan kaya? Hindi ko pa naman siya kilala. Kaya hindi ko din masasabi na hindi siya masamang tao.
Ngunit naalala ko na tutulungan niya ako at patutuluyin niya ako sa bahay niya. Pero g problema ko (pinoproblema ko) ay paano ako magkakapera nito. Hindi naman kasi sinabi ni bossing pogi kung may sahod ba ako wala. Pero kung wala man ay ayos lang dahil niligtas naman niya ako sa pagiging palaboy. Malapit na talaga ako maging palaboy at mag guyod-guyod ng lata.