Chapter 4

1536 Words
Chapter 4 Kakai's Pov PILA na ko ka adlaw diri sa terminal pero hindi parin ako umaalis dahil iniisip ko na baka balikan ako ni Gemma dito. (Ilang araw na ako dito sa terminal) Hindi talaga ako nakikipag usap lalo na kapag lalaki. Natatakot na naman kasi ako na baka may masama na naman silang balak sa 'kin. Hindi na nga ako nagpapahalata na bisaya ako ay bagong dayo. Kaya kahit mali-mali ang tagalog ko ay hala bira lamang gyud ko. Pamahala na gyud ni. Mabuti nga at nay naawa pa sa 'kin na matanda dito. Nakausap ko nga siya kahapon. Naawa sa 'kin pero hindi man daw niya ako matulungan dahil mahirap lang din daw siya. Binigyan lang niya ako ng 100 pesos para pambili ko daw ng pagkain ngayon. Sabi pa niya sa 'kin mag-ingat daw ako dito lalo na sa mga lalaki. Pero kahit daw mga babae ay mag ingat parin daw ako at wag magtiwala daw. Pasalamat kaayo ko niya kaya binigyan niya ako ng 100 pesos. Kaya nakakain ako kahit tinapay man lang. Hindi man kasi ako talaga ako aalis dito kasi baka bumalik si Gemma dito. Kailangan magkita talaga kami ng kaibigan ko. Gusto na ko magkita me. Gakson ko talaga ang kaibigan ko.(Gusto ko ng magkita kami. Yayakapin ko talaga ang kaibigan ko.) Nakaupo lang ako sa gilid ng terminal at nakatingin sa mga taong dumadaan. Sinabi ko sa sarili ko na lang ba na hindi na muna ako magbisaya para hindi nila ako mailhan na hindi marunong. Naubos ko na naman ang pan na binili ko kanina. Nipalit din ako ng tubig at tinipid-tipid ko talaga ang pag inom ko para lang hindi maubos agad. Pati talaga pag inom ko ng tubig dinaginot pa. Paeta nalamang gyud! Lisoda kaayo sa ako kahimtang. Pero laban lang gyud bisag wa ta'y kontra ani. Mura na ko'g sundalo aning kahimtanga. (Ang hirap ng sitwasyon ko. Pero laban lang talaga kahit walang kalaban. Para na akong sundalo nito.) Nakatulala lang ako hanggang sa may lumapit sa 'kin na dalawang lalaki. Yung mukha nila klaro na kaayong mga manyak ba. Ang isa naa pa'y sip-on. Yawa pud ani uy.. bati pa ta'g nwng, ang mudool pud na ko kay bati'g nwng. Hastang ka malas na lamang. (Nakatulala ako hanggang sa may lumapit sa 'kin na dalawang lalaki. Yung mga mukha halatang mga manyak. Yung isa pa may sipon. Yawa talaga nito.. pangit na nga ako, pangit din ang lumalapit sa 'kin. Napaka malas naman talaga.) "Hi, neng! Nong isang araw pa kita napansin dito na nasa terminal. Pero hindi ka naman umaalis dito. May hinihintay ka ba?" Tanong sa 'kin ng lalaki na pinakinggan ko pa talaga ng mabuti at baka magkamali pa ako ng sagot. "Ahm.. kanang kuan man gud, kuya.. hinihintay ko ang kaibigan ko ba. Babalik kasi yun." Sabi ko at pinipilit talaga mag tagalog para lang hindi ako mahalata na bisaya ako. Baka mahalata kasi nila na bagong salta lang ako. "Ganun ba. Eh.. parang matagal ka na yata nandito eh. Gusto mo sama ka nalang sa'min. Mag e-enjoy ka do'n." Sabi ng lalaking may sipon pa sa pisngi. "Oo nga. May pagkain do'n. May tutulugan na maayos. Yun nga lang may katabi kang matulog." Sabi ng lalaki na medyo may edad. Tigwang naman unta. (Matanda naman sana.) "Wag nalang mga, kuya. Okay lang naman ako dito." Sagot ko saka ako umiwas ng tingin. "Sa pananalita mo mukhang bagong salta ka sa Manila. Bisaya ka no? Bisaya din kasi ako," sabi ng matanda kaya nanlaki ang mata ko at para bang na bigyan ako ng pag-asa ba na may bisaya ako na nakilala. "Talaga, kuya? Bisaya ka din pala.. hala diyos ko.. maayo nalang naa ko'y nakaila." (mabuti nalang at may nakilala ako.) "Oo. Kaya sama ka na sa'min. Do'n ka nalang sa bahay ko. Mas maganda pa do'n. Wala ka na yatang ligo kaya sumama ka na sa'min para makaligo ka at makakain ng maayos. Maraming pagkain do'n kaya sigurado akong mabubusog ka." Sabi ng matandang lalaki na nakangisi pa sa harapan ko. "S-Sige, kuya. Kuyog ko!" (Sama ako!) Pagpayag ko dahil ilang araw na talaga akong walang ligo. Katol na akong bilat ba. (Makati na ang p********e ko ba.) "Ayon.. halika na! Mag e-enjoy pa gyud ka didto. Di na gyud ka magutom." Sabi ng matandang lalaki sa 'kin kaya tango ako ng tango. (Mag e-enjoy ka pa do'n. Hindi ka na din magugutom.) Hindi na talaga ako nag isip na masamang tao ba sila kasi bisaya din naman si kuya. Hindi naman yata siya masamang tao. Mababait kaya mga bisaya. Hinawakan pa ng matanda ang braso ko na para bang walang tiwala na sasama ako sa kanila. Malapit na sana kami sa gilid ng kalsada kaya yung mata ko pa singkit-singkit kasi nasisilaw ako sa sobrang init. Naa pa'y opaw sa unahan na ko ni samot og kahayag. (Meron pang kalbo sa unahan ko kaya mas lalong lumiwanag.) Pero nagulat ako na kalit ni tigil og lakad ang dalawang lalaki na kasama ko. Yumuko kasi ako dahil masakit sa mata talaga ang init. Pero dahil huminto ang dalawang lalaki na kasama ko ay napa angat ang tingin ko para malaman ko kung bakit sila huminto. Nang maangat ko ang mukha ko ay nanlaki ang mata ko ng makita ko ang taong nasa harapan ko. Hindi ko alam kung namamalikta lang ba ako o naboang lang dahil ilang araw na akong walang kain na maayos. Pero nakikita ko talaga ang gwapo na lalaki nong isang araw. Siya yung gwapo na naghatid sa 'kin sa termibal ba. Hindi ako pwede talaga magkamali. "Kuya.." tawag ko pa sa matandang lalaki na kasama ko. "O, ano yun?" Tanong naman niya sa 'kin. "Nakikita mo ba yung gwapo na maldito og nwng na lalaki na nasa atubangan na to?" (Nakikita mo ba yung gwapo na maldito ang mukha na lalaki na nasa harapan natin?) Tanong ko sa matanda baka kasi namalikmata lang pala ako. "Oo. Nakikita ko. Kilala mo?" Tanong din sa 'kin ng matanda. "Hindi, kuya eh. Pero makakurog og bilat tawhana! Gwapo kaayo!" (Hindi, kuya eh. Pero nakakanginig ng p********e. Ang gwapo!) Sabi ko habang nakatitig sa lalaki na gwapo. Sinigawan pa naman niya ako nong huli kaya natakot talaga ako sa kanya. Nagulat ako ng biglang naglakad ang gwapong lalaki sa'min at agad na hinawakan ang braso ko sa kabila hinila. Kung makahila nama siya.. akala mo'y brief lang na naghahanap sa lagayan ng damitan niya para isuot. Sana all brief. "Aray naman, sir gwapo!" Reklamo ko kaso hinila nya ako palapit sa kanya. Hindi man din siya tumingog (nagsalita) kaya hindi na ako nagsalita pa. "Hoy! Bakit mo naman hinila ang kasama naming babae?!" Galit na sigaw ng lalaking may sipon sa pisngi. "Back off." Sabi ng gwapong lalaki sa dalawang lalaki. "Wag mo kaming english-englishin diyan.. wag kang mangialam dito!" Saad ng lalaking may sipon. Hindi pa talaga nakuntento si sir gwapo ay hinila niya ako sa likod niya na para bang tinatago ako. Hala.. wa na gyud. G bati na ko'g kilig diri. (Nakaramdam na talaga ako ng kilig.) "Alam kong may plano kayo sa babae. Alam niyong dayo at walang alam kaya niyo nilapitan. Gusto niyo bang tumawag ako ng pulis para damputin kayong dalawa?!" Saad ng gwapong lalaki kaya nasindak ang dalawang lalaki at nagmamadaling umalis sa harap namin. Nataranta pa ako dahil iniwan nila ako dito. Nagugutom pa naman ako. "Hoy, mga animales! Biniyaan niyo man ako." (Iniwan niyo naman ako.) Sigaw ko pa habang nakatingin sa matandang lalaki na paika-ika na naglalakad. Narinig ko naman na bumuntong hininga si gwapo sabay lumingon sa 'kin kaya ngumisi ako na para bang walang ginawa. Malay ko ba kung maya kasalanan ako. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya kanina na tatawag ng pulis. Agoy, ginoo ko! ipadakop man yata ako. (Diyos ko! Ipapahuli yata niya ako.) Naalala ko nga pala ang drama-drama ko na nasagasaan. Hala! baka dahil do'n magtatawag siya ng pulis. "Hala, sir gwapo.. pasaylo-a este.. patawarin mo ako Hindi mo talaga ako sinagasaan, sir uy! Pasensya na kaayo." Sabi ko at baka salaking maawa pa sa 'kin. "Anong pinagsasabi mo?" Galit niyang tanong. Nanghingi na nga ng pasensya, galit parin. "Yung kuan, sir ba.. yung nag ilad-ilad ko na naligsan. Agoy paeta ani.." sabi ko kasi kailangan ko pala magtagalog. "Yung ano sir.. yung nagkunwari ako na nasagasaan. Pasensya na kaayo, sir. Wag mo sana ako ipahuli sa pulis. Pero kung may free higaan at pagkain man ako do'n.. aww ipahuli mo nalang ako, sir. G kapoy na ko sa akong kinabuhi, sir ba! ay este napapagod na ako sa buhay ko." Sabi ko sa kanya dahil magpapahuli nalang ako sa pulis kahit wala akong kasalanan. "Idiot," sabi ng lalaki pero hindi ko masyadong narinig. "Ano po, sir gwapo? Kijod? Agoy.. ka sayo ba na 'to mag kijod, sir uy! wa pa ni hugas." (Ano po, sir gwapo? kijod? Agoy.. ang aga naman natin mag kijod, sir uy! Wala pa 'tong hugas.) Kumunot naman ang noo ng lalaki na halatang hindi naintindihan ang sinasabi ko. Siya nga 'tong nagsabi ng kijod tapos siya pa may gana na kunot-kunot ang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD