Chapter 3
Kakai’s Pov
DAKO KAAYO ko og ngisi dahil pinasakay ako ni bossing pogi. Wala kasi siya magawa dahil nag drama na talaga ako na masakit ang paa ko. Hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko para hindi niya ako ibaba sa gilid ng kalsada. Ayaw ko na matulog sa kalsada dahil natatakot na talaga ako. Kaya idaan ko nalang sa drama si sir gwapo. Maayo gani kay effective. Sana nga maniwala siya sa 'kin na masakit talaga ang paa ko. Maawa naman sana sa 'kin dahi g kapoy ba talaga ako.
Tahimik lang talaga ako habang nakaupo dito sa loob ng kotse niya. May kausap ang lalaki at hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. English kasi ginagamit niya kaya hindi ko alam talaga. Nakikinig ang dalawa kong tenga pero ang mata ko ay nasa labas ng bintana. Hindi ko man din maintindihan kaya kahit lakasan pa niya ang boses niya ay hindi ko parin talaga alam yun.
Konti lang ang alam ko sa english. Kanang mga what, who, where, when, yes, no, maybe. Yun lang kasi yung naaalala ko sa elemantary. Tapos hindi pa ako nakikinig sa teacher ko kaya wala talaga akong alam. Sa dami ba naman ng problema ko sa buhay ay talagang hindi ako makapag aral ng maayos. Kaya heto ako ngayon.. pati tagalog ay nahihirapan ako sa kalisod. Paet ning wa ta'y nasabtan. (Ang paet ng ganito na walang alam.)
Napalingon ako sa gawi ng lalaki at tinitigan ko siya ng mabuti. Sa itsura pa lang gyud niya og sa balat ay halata na.
Klaro kaayo na dato ang lalaking ‘to. Mamahalin kaayo og sakyanan kaya makasulti talaga ako na mayaman. (Halatang mayaman talaga ang lalaking ‘to. Sobrang mamahalin ng sasakyan kaya nasabi ko na mayaman talaga siya.)
Tumikhim ako para mawala ang plema sa lalamunan ko uy! Kauwaw baya kung may ganun ba. Basin tawanan niya ako ni sir gwapo. (Tumikhim ako para mawala ang plema sa lalamunan ko uy! Nakakahiya kung may ganun. Baka tawanan ako ni sir gwapo.)
“Saan ba kita ibababa?” Tanong ni sir gwapo habang naka straight lang talaga siya. Tapos na yata siya makipag usap kasi binaba na niya ang cellphone niya. Hindi talaga tumingin sa ‘kin si sir gwapo. Mag pitok-pitok unta ko para gwapa ba. (Mag beautiful eyes sana ako para maganda ba.)
“Sa puso mo nalang, sir gwapo uy! Pwede rapud og sa itlog.” Sabi ko saka tumawa. Pwede lang naman niya ako ihatid sa itlog niya ba.
“Itlog?” Tanong niya habang palipat-lipat ng tingin sa ‘kin at sa atubangan. (sa harap.)
“Wa, sir gwapo uy! Joke ra ‘to. Pero, sir.. Pwede ba ako humingi sa’yo ng tulong. Mukha ka naman mayaman at hindi mo ak-”
“So, you need money, huh!” Sabi niya na hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko ba. Masyado kaayo ni sir pogi uy! Pataka lang! money kay kwarta man kaya akala yata niya manghingi ako ng money.
“Hindi naman sa ganun, sir. Kanang kuan lang ba.. Nasasaag kasi ako.” (Naliligaw kasi ako.) Pagsasabi ko ng totoo. Pakapalan na gyud ni og nwng. Kailangan jud naku og tabang. Naunsa na ni ron! (Pagsasabi ko ng totoo. Pakapalan na talaga ‘to ng mukha. Kailangan ko talaga ng tulong.)
“Anong nasaag? Pwede bang ayusin mo ang pananalita mo! Nag adjust na ako sa’yo kaya wag mong ubusin ang pasensya ko kundi itutulak kita palabas.” Sabi niya na halatang galit siya. Ka lain og batasan ani niya uy! (Ang pangit ng ugali niya uy!) Gwapo pa naman sana.
“Kanang kuan, sir ba.. Yawa ani uy unsa may tagalog sa nasaag.” Bulong ko pang sabi habang nagkakamot sa ulo ko. Naninimaho na twn ko’g pan-os ani. (“Yung ano po, sir ba… yawa naman ‘to ano bang tagalog ng naliligaw.)
Inisip ko na muna kung anong tagalog no’n at baka matiris na ako ni sir gwapo. Nasa dulo ng dila ko pero nakalimutan ko lang talaga ba. Hanggang sa naalala ko na kung ano yun. “Kanang kuan, sir ba.. Naliligaw ako, sir. Baka pwede mo akong ihatid sa terminal ng bus, sir. Mamalihog na gyud ni, sir. Hindi ko talaga alam kasi papunta do’n. Ang totoo po niyan ay galing po ako probinsya.” Sabi ko na dinahan-dahan pa talaga ang pagsasalita dahil baka magkamali ako ng tagalog. Naiirita pa naman yata sa ‘kin si sir gwapo kaya kailangan ko mag-ingat kay basin pana-ugon ko sa kotse (Pababain ako sa kotse). “Kasama ko po yung.. Kaibigan ko, sir. Pero boang kasi ako, sir.. lumabas ako ng terminal ng bus para bumili ng pan… este tinapay po pala. Eh hindi ko naman po alam na malayo na po pala napuntahan ko, sir. Tapos pabalik na po sana ako ba… may lumapit pa sa ‘kin na lalaki. Akala ko may gusto sa ‘kin, sir. Yun pala kawatan.. Ay yung kuan sir ba.. Kanang unsa ra gali na uy.. kanang kinuha yung bag ko sir ba. Tapos hinabol ko pa talaga, sir. Eh kahit 300 lang laman no’n pera parin kasi yun. Kaya habol ko… hindi ko alam na palayo na pala ako ng takbo, sir. Hindi ko na mahanap ang terminal. Kahapon pa po ako sa kalsada, sir. Unta malooy ka na ko, sir ba..” mahaba kong sabi sa lalaking gwapo habang naiiyak na ako sa kahadlok sa pinagdaanan ko.
Hindi man nagsasalita ang lalaki kaya akala ko hindi siya nakikinig. Baka wala siyang pakialam sa ‘kin. Sino ba naman kasi ako para pansinin. Nanimaho na gani ni ako bilat kay way kaligo. Yawa gyud ni.
Napanguso nalang talaga ako dahil hindi talaga siya tumingog. Pero yung takbo ng sasakyan namin sobrang bilis. Nagulat nalang ako ng biglang huminto ang sasakyan na minamaneho ng gwapong lalaki. Napalingon ako sa kanya at natakot dahil ang seryoso na naman ng mukha niya. Bakit man siya ganyan uy? Kailangan talaga maldito palagi ang mukha niya. Hindi ba siya marunong ngumiti?
“Ito ang terminal ng bus. Get out of my car now!” Sabi niya kaya nagulat pa ako dahil malakas ang boses niya.
“Ayaw pag syagit, sir gwapo uy! Di man ko bungol.” (Wag kang sumigaw, sir gwapo uy! Hindi naman ako bingi.) Sabi ko sa kanya kaya napakamot siya sa gilid ng noo niya. “Ano nga ulit yung sinabi mo, sir? Car lang kasi ang narinig ko..” sabi ko saka tumawa ng pilit.
Napabuga naman siya ng hangin saka lumingon sa ‘kin. Kitang-kita ko sa mukha niya na galit na talaga siya sa ‘kin. “Ang sabi ko.. lumabas ka na ng kotse ko.” Sabi niya na halatang gusto na ko niya tuk-on.
Dali-dali naman akong lumabas ng kotse niya. Nagkaboang pa twn ko’g abri sa pintuan ng sasakyan sa sobrang taranta ko. Nakalabas naman ako ng sasakyan ng supladong lalaki. Nagulat pa ako ng patakbuhin ng mabilis ng lalaki ang sasakyan. Sayang ang taong yun.. mayaman at gwapo sana, pero pangit ang ugali man.
Ni ginhawa nalang ako ng malalim at naglakad nalang ako papasok ng terminal. Bahala na ang lalaking yun. Ang mahalaga ay nakabalik na ako sa terminal. Magkita na talaga kami ni Gemma.
Naglakad-lakad ako paapasok at halos magtaka ako dahil wala si Gemma. Hindi ko siya mahanap kahit saan. Umikot pa ako sa mga upuan at baka natutulog lang si Gemma ba. “Gemma! Mega! Dito na ako!!” Sigaw ko pa habang nagbaktas-baktas. Pero hindi ko talaga nakita si Gemma. Kahilakon (Naiiyak) na talaga ako dahil wala na dito ang kaibigan ko.
“Asa naman ka, mega uy! Akala ko pa naman nandito ka pa sa terminal.” Sabi ko sa mahinang boses at umiiyak. Akala ko kapag nakabalik ako sa terminal ay makikiita ko na si Gemma. Pero wala pala.
Asa na kaha ako amega? G sundo ba kaha siya sa babaeng kumuha sa’min. Wala din naman akong cellphone. Kung naa ma wa gihapon gamit kasi hindi ko alam ang number ng cellphone ni Gemma. (Asa na kaha ni ako amega? Sinundo kaya siya sa babaeng kumuha sa’min. Wala din naman akong cellphone. Kung meron din naman ay wala paring silbi dahil hindi ko alam ang cellphone number ni Gemma.)
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon. Mababaliw na yata ako sa pag-iisip ng paraan para mahanap ko ang kaibigan kong si Gemma the explorer. Ka labad sa ulo na lamang.
Kahit anong isip ko talaga ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ko kaya mahahanapa ang kaibigan ko. Ka dako aning Manila. (Ang laki nitong Manila) Hindi parin talaga natin alam dahil problemado na talaga ako. Hindi naman ako pwedeng hindi siya hintayin dito kahit anong mangyari. Hindi talaga ako aalis dahil naniniwala talaga ako na magkikita na talaga kami ni Gemma ulit ba. Sana lang ay nasa maayos din siya na kalagayan.