Chapter 22 Kakai’s Pov NAKATITIG lang talaga ako sa cellphone na hawak ko at hindi ko na alam kung paano ko kakalikutin ‘to uy! Ako’y nalilito na talaga uy! Na animal jud ani.. hindi talaga ako marunong. Akala ko pa naman madali lang ‘to. Hindi pala uy! Sabi pa sa ‘kin ni bossing Thanatos pag-aralan ko ang pasikot-sikot pero paano ko man ‘to aaralin eh hindi ko alam paano ‘tong f*******: na ‘to. Ang bobo ko talaga uy! Kanina pa ako dito nakatambay sa harap ng bahay ni bossing. Nakaupo na naman ako sa hagdan at panay ang kalikot ko sa cellphone na binigay ni bossing Thanatos sa ‘kin kanina. Tuwang-tuwa pa naman ako kanina tapos hindi pala ako matuto. Nangangain pala ‘to ng tanga. Napabuga nalang talaga ako ng hangin dahil pasuko na talaga ako dito sa cellphone ni bossing. Ang ganda-

