Chapter 21 Kakai’s Pov LUMIPAS ANG dalawang buwan bilang katulong ko dito sa bahay ni bossing Thanatos. Nakakatuwa kasi may sahod pala talaga ako. Akala ko joke-joke lang ang pag tra-trabaho ko sa bahay niya. Pinatuloy na kasi ako ni bossing sa bahay niya at niligtas sa pagtulog sa terminal o kalsada man. Do’n pa lang ay malaking bagay na yun para sa ‘kin. Lalo na’t may damit at may pagkain din ako. Ulam kong kinakain ay masarap kaya minsan naghahanap na ako ng tuyo kay basin ma-highblood na ako kaka-kain ng karne ba. Kaya hindi ko talaga inakala na may sahod ako uy. Yung presyo naman kasi ng mga damit na pinamili niya sa ‘kin ay ang mamahal kaya naisip ko na baka hindi ako sahuran ni bossing dahil ikakaltas ang nagastos niya sa ‘kin. Nagkamali pala ako dahil nagulat nalang ako ng a

