[ASHLEIGH’S P.O.V.] Mabilis kong inutusan ang security team sa Elysian Island’s Administrative Government para ipakalat sa Alston University ang video na ipinadala ko. Na-trimmed ko na ang video na naroon at hindi ko na ipinakita pa ang pagtakbo ko para makatakas mula sa kanila. Sinabihan ko sila na i-hack ang security system ng Alston, para mailagay sa bawat devices ng mga estudyante ang video ng labanan namin sa garden. Nagpa-late talaga ako na pumasok para marami na agad ang mga estudyante na madadatnan ko sa Alston. Nararamdaman ko na agad na marami akong atensyon na makukuha sa oras na pumasok na ako roon. Ayos na ako at hinihintay ko na lang ang signal mula sa security team kung naipakalat na ba nila ang video o hindi pa. Pero nang natanggap ko na ang mensahe ay napangiti ako. Su

