bc

A Father's Love

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
fated
goodgirl
drama
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Gumuho ang mundo ni Luke nang malamang malala na ang sakit niya sa baga. Tinanginan na siya ng doktor na ilang buwan na lang ang nalalabi sa buhay niya. Hindi maiwasang maiyak ni Luke dahil maiiwan niyang mag-isa ang limang taong gulang niyang anak. Namatay ang asawa niya nang ipanganak ang kanilang anak. Naging single Daddy si Luke sa nag-iisang anak na babae. Hindi na siya naghanap ng babae at tinuon na lang ang atensyon sa anak. Sa nalalabi niyang mga buwan sa mundo ay nagpasya si Luke na humanap ng tamang pamilya na aampon sa minamahal na anak. Ngunit sa bawat taong nahahanap niya ay may mali siyang nakikita sa mga ito. Ilang buwan na lang ang nalalabi sa kanyang buhay at ayaw niyang maiwan ang anak na walang mag-aalaga. Makakahanap pa ba siya ng pamilyang aaruga at mamahalin ang kanyang anak?

chap-preview
Free preview
Episode 1
LUKE “I am so sorry, Luke, pero ilang buwan na lang ang nalalabi sa buhay mo. Kumalat na sa buong baga mo ang cancer at hindi na natin ito magagamot. Kung maaga lang nating nalaman ang sakit mo, baka sakaling makuha pa sa therapy,” sabi ng doktor sa akin. Nanghihinang napasandal ako sa sandalan ng upuan. Hindi ko matanggap ang sinabi ng doktor. Paano na ang anak ko? Maiiwan ko siya nang mag-isa. “Dok, baka nagkakamali kayo sa findings. Baka naman po may solusyon pa. Handa naman po akong magbayad. Pakiusap po, Dok. Sabihin niyong nagbibiro lang kayo.” Pakiusap ko sa doktor. Malungkot na tiningnan ako ng doktor. “I am so sorry, Luke. Wala na tayong magagawa sa sakit mo.” Hindi ko namalayang wala na pala ang doktor dahil sa pagkatulala. Naramdaman ko ang mainit na likidong pumatak sa pisngi ko. Napakuyom ako ng kamao. Bakit ako pa ang nagkaroon ng sakit? Wala akong bisyo. Maalaga ako sa katawan. Pero bakit ako, Diyos ko? Hindi ko maiwasang maghinanakit sa Diyos dahil sa ginawa niya sa akin. Iiwan ko ang anak ko nang mag-isa. Saan ang hustisya doon? Ang kaawa-awa kong anak. Pareho na kaming ulila ng namayapa kong asawa at pareho kaming nag-iisa lang na anak. Ayoko namang ipagkatiwala sa kamag-anak ko ang anak ko dahil hindi ko naman sila ganoon kilala para ipagkatiwala ang anak ko sa kanila. Habang nagmamaneho ay wala ako sa sarili ko. Iniisip ko pa rin ang sinabi ng doktor. Kung magpa-second opinion kaya ako? No. Baka pareho lang ang magiging resulta. Mas lalo lang akong masasaktan para sa sarili ko. Bakit ganoon? Naging mabuti naman ako, pero binigyan ako ng Diyos ng ganitong kalalang na pagsubok? Paano na ang anak ko kapag wala na ako? Naluha na naman ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ng puso ko. Hindi ko maiwasang maghinanakit sa Diyos. Sa lahat ng tao, bakit ako pa ang binigyan niya ng ganitong sakit? “Papa, bakit ka umiiyak?” Tanong ng limang taong gulang kong anak na si Precious. Nakauwi na ako sa bahay at hindi ko mapigilang maiyak. Pinahid ko agad ang luha ko at lumuhod sa harap ng anak ko. Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok at saka ngumiti. “Napuwing lang ako, anak. Hindi naman umiyak ang Papa,” sabi ko. Ayokong magsinungaling, pero kailangan kong gawin ito para sa anak ko. Ayoko siyang nakikitang malungkot at nasasaktan. “Gusto mo, Papa, hipan ko ang iyong mata. Para mawala ang puwing sa mata mo.” Inosenteng sabi ng anak ko. Pinigilan ko ang emosyon kong mapaiyak. Nagtagis ang bagang ko. Pinilit kong ngumiti sa harap ng anak ko kahit sobrang durog na durog ang puso ko. “Sige nga, anak?” sabi ko. Tumango ang anak ko. Sinimulan niyang hipan ang isa kong mata. Kumurap-kurap ako at saka napangiti nang malawak. “Nawala na ang puwing.” Masayang sabi ko. “Ang galing naman ng baby ko.” Dagdag na, sabi ko. Pumalakpak ang anak ko sa tuwa at tumalon. “Yehey!” anito sa tuwa. “Halika ka na, anak. Kumain na tayo.” Paanyaya ko sa anak ko. “Nagluto po si Yaya Melai ng sinigang na baboy,” sabi ng anak ko. Magmula nang mamatay ang asawa ko dahil sa panganganak, kumuha na ako ng yaya para mag-alaga sa anak ko. Hindi ko rin kasi maasikasong maalagaan siya ng bente kwatro oras. Kailangan kong kumayod para sa kinabukasan ng anak ko. Hindi titigil ang mundo sa pagkawala ng asawa ko. Isinantabi ko ang sakit na naramdaman ko nang mawala siya. Ako na lang ang maaasahan ng anak ko. Hangga’t kaya ko pa ay hindi ko iiwan ang anak ko. Mahal na mahal ko siya. Ang anak ko na lang ang mayroon ako. Hinaplos ko ang ibabaw ng ulo ng anak ko at hinagkan iyon. Tumingala ang anak ko at nginitian niya ako. Isang ngiti rin ang ginawa ko. Napakagat-labi ako upang pigilan ang namumuong luha sa gilid ng mata ko. Hinagkan ko ang ibabaw ng ulo niya. Mahal na mahal ko ang anak ko. Siya na lang ang mayroon ako. Pumasok ako sa opisina na wala sa sarili. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naawa ako sa anak ko kung sakaling iwan ko siya. Wala akong kamag-anak dahil ulila na ako at wala akong kapatid dahil nag-iisa lang akong anak. Magmula nang mapadpad ang magulang ko sa Maynila, namulat akong walang nakilalang kamag-anak. Madalas kong tinatanong sila Nanay at Tatay noon, ngunit palagi nilang sinasabi na patay na raw ang mga lola at lolo ko at nasa malayong lugar ang ibang kamag-anak namin. Lumaki ako; kapitbahay lang ang kakilala ko at mga kaklase sa eskwelahan. Nasanay na rin ako sa ganoong senaryo ng buhay ko. Hanggang sa nagkaroon ako ng sariling pamilya. Sobrang tuwa ko nang dumating sa buhay namin ang anak ko. Ngunit isang trahedya ang nangyari nang mamatay ang asawa ko dahil sa aksidente. Sobrang devastated ako noon dahil ang liit pa ng anak namin. Sinikap kong buhayin ang anak ko nang mag-isa. Kumuha ako ng katulong para mag-alaga sa anak ko habang ako ay nagtatrabaho. “Kumusta ang pagpapatingin mo sa doktor?” tanong ng kaibigan ko sa opisina. Malungkot ko siyang tiningnan. “Hindi maganda ang resulta,” malungkot na sabi ko. Malalim akong nagbuntong-hininga. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin ang pagsubok na binigay sa akin ng Diyos. Wala nang katapusan ang binibigay niyang parusa. Napapatanong na nga lang ako. Masama ba akong tao? May nagawa ba akong mali kaya pinarurusahan niya ako? Alam ko sa sarili ko na naging mabuti ako. Ni wala akong naging kaaway at wala akong naging bisyo. Hindi ko niloko ang asawa ko at naging mabuti akong asawa. Sa totoo lang, naiisip ko ang unfairness ng Diyos. Ang ibang taong gumagawa ng kasalanan ay siyang nagiging masaya at ang mga taong gumagawa ng mabuti ay siya namang nagdurusa. “Ilang buwan na lang ang natitirang buhay ko. Ayon sa doktor, kumalat na raw ang cancer sa buong baga ko. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang sakit samantalang wala naman akong bisyo. Kung sino pa ang walang bisyo ay siya ang nagkakaroon ng sakit.” Naghihinanakit na, sabi ko. Tinapik ng kaibigan ko ang balikat ko. “Pwede kang magpa-second opinion. May kakilala akong doktor. Pwede kitang mai-recommend doon.” “Pwede ko ring gawin iyon, ngunit natatakot akong baka ganoon din ang magiging findings. Madidismaya lang ako.” “Bakit hindi mo subukan? Malay mo, mali ang akala mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kailangan mong magpakatatag at maging positibo dahil kailangan ka ng anak mo.” Aniya. Gusto kong umiyak sa sitwasyon ko ngayon. Nakakaawa ang anak ko kung iiwan ko siya nang napakabata pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
177.1K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
87.9K
bc

The doctor is in love

read
23.6K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
257.8K
bc

The Arranged Bride of the Moravilla

read
2.7K
bc

UNANG TIKIM: MY DAD'S BESTFRIEND (SSPG)

read
2.9K
bc

Owning My Uncle's Bestfriend (SPG)

read
14.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook