•CHAPTER 2: OKAY, SIN IS OUT•

1158 Words
▄ ▄ ▄ Walang kahirap-hirap nyang nabuhat ang batang lalaki sa kanyang braso, na parang napakagaan lang nito... Kinakausap naman niya ang batang lalaki para maalis ang isip nito sa mga nangyayari... Sasakay na sana sya sa elevator nang may isang pagsabog na naganap sa ibaba nila...napamura nalang sa sarili si Tenten dahil dito, hindi nya inakala na magba-backfired sa kanya ang last 5- minutes bago sumabog ang bomba...imbes na saktong 10 pm ito sumabog...ni-set nya ito 5 minutes bago mag 10, para supresahin ang mga pulis... Mabilis syang bumalik sa rooftop kung saan hindi pa naaapektuhan ng sunod-sunod na pagsabog ng mga bomba sa ibaba... "Okay, Dinosaur...hindi na tayo makabababa, dahil nagsimula na ang pagsabog...kaya ang gusto ko, trust me. Okay?...iaalis kita rito ng walang sugat" saad nya dito nang maibaba ito sa pagkakabuhat...pinantayan din nya ang taas nito sa pamamagitan ng pagluhod ng isa nyang tuhod...nakalagay ang kanyang kamay sa balikat nito... "Why are you saving me?...ikaw ang nagtanim ng mga bomba dito para pasabugin ito...hindi ba plano mo na ito?..bakit mo ako ililigtas?" napatigil sandali si Tenten dahil sa sinabi ng batang lalaki...at napatawa ng mahina dahil dito. He's so smart, he's basically 8 years old pero nakakapag-isip na sya ng mga ganitong bagay...kahit nung kabataan palang nya, hindi sya ganito katalino...mas lalong naging interesado siya sa batang lalaki.. "Why are you laughing?" "Ah sorry, Nashock kasi ako sa katalinuhan mo, baka paglaki mo isa kanang genius...hindi rin ako magtataka kong makilala ka sa boung mundo...at sa palagay ko rin mas magiging proud sayo ang Mommy mo" lumiwanag ang dating madilim na mata nang bata dahil sa sinabi nya, sigurado sya dahil iyun sa pagbanggit nya sa Mommy nya.... "Really?" "Uhuh...kaya kailangan mong mabuhay hanggang sa hindi ka pa nakikilala sa boung mundo, sa ngayon...tutulungan kitang maabot iyun sa pamamagitan ng pag-alis sayo dito...kaya kahit anong mangyari, sa unahan lang ang tingin..wag na wag kang lilingon pabalik...nagkakaintindihan ba tayo?" "Un!" masiglang saad ng batang lalaki na nagbigay ngiti sa kanya...hindi man nya pansin pero lahat ng dilim sa kanyang mga mata ay nawawala kapag tinitingnan ang munting batang lalaki... "Good Dinosaur" Sumilay ang isang ngiti sa mukha ng batang lalaki nang i-pat nya ang ulo nito at kunting ginulo ang buhok nito... "Now, may-tatlong minuto pa tayo bago sumabog nang tuluyan ang boung building...help me think something Dinosaur" Masaya syang tinulungan ng batang lalaki, mas lalo syang napahanga dito nang isabi nito sa kanya ang size ng building nang walang namimiss na detalye...kahit alam na nya ang size ng building napahanga parin sya ng isabi nito ito sa kanya... "Isa sa pinakamataas na building ang Caramel Hotel, so kahit na sumigaw tayo sa ibaba...imposible parin nila tayong marinig..." pinapanood lamang nya ito habang hangang-hanga dito.. "Naiwan ko rin ang mga gamit ko sa motor kaya hindi ko macontact ang tauhan ko..." sising-sisi sya dahil sa nangyari, masyado syang nag-alala sa batang lalaki na hindi na sya nakapag-isip ng malinaw. Kahit na isa syang criminal na maraming masasamang records, malambot parin ang puso nya sa mga musmus na bata...magaan ang loob nya sa mga ito at kinaiinggitan din nya ang mga ito dahil malaya ang mga ito hindi tulad nya.... Napatigil sila sa pag-uusap ng sumabog ang bomba sa ibabang floor ng rooftop...nayakap nya ang batang lalaki kaya hindi masyado itong naapektuhan ng empact...napamura nanaman sya sa sarili dahil doon... Muli nanaman nyang hinawakan ang batang lalaki sa balikat nito, nabalot sya ng pag-aalala nang makitang puno ng takot ang mga mata nito... "Listen well Dinosaur, Do everything I say...don't worry, I will keep my promise...iaalis kita sa lugar na ito kahit anong mangyari kaya...listen to me...kaya kong makagawa ng mini-parachute para sayo at ang gusto ko dapat marunong kang sakyan iyun at makababa sa ibaba ng ligtas.." "A-and y-you?" "Kahit anong mangyari, makakaligtas ako, kaya isipin mo muna ang sarili mo...okay?" nayakap nalang nya ito ng higpit... "En" "Good Dinosaur..hehehe" Mabilis syang kumilos at inalis ang mga gamit na nasa kanyang katawan, mabuti nalang at maliban sa mga device nya ay kompleto ang mga ibang kagamitan... May mga ilang tela rin na nandoon sa rooftop ang kailangan nalang nyang gawin ay pagdugsong-dugsungin ang mga ito...isa syang professional sa lahat ng bagay kahit yan pa ay sa pananahi...ilang taon sa tingin nyo sya nag-aral sa ibang bansa para maging perfect criminal?... 1 minute. Isang minuto nalang ang natitira...napangisi sya ng matapos ang ginagawa, agad nyang hinikit yung batang lalaki at tinali dito ang tali ng handmade parachute... Hindi maalis ang ngisi nya sa labi dahil sa perpektong pagkakagawa sa parachute... "Are you ready?" "No!" Napatigil sya ng bigla itong sumigaw...lito sya kung bakit..hindi nya alam kong bakit. "What's wrong Din—" "N-No...*hik*...w-why are you doing this? *hik*" "Doing what?...hindi ba plano nat—" "N-no...No...I-I d-don't wanna...let's go together *hik*...I won't abandon you here...p-please...let's go toge...*hik*..ther...a-ayoko, h-hindi ako aalis...hindi kita iiwan dito...*hik*...ayoko..hindi ako aalis" patuloy lang ito sa pag-iyak habang pinipilit syang sumama sa kanya...sa unang pagkakataon nakaramdam sya ng kirot sa puso nya sa nakikitang pag-iyak ng batang lalaki...na hindi na nya pansin ang luhang dumadaloy sa kanyang pisnge...her mask cracked. Hinawakan nya ang magkabilang pisnge ng batang lalaki at ngumiti dito... "It's okay Dinosaur, everything's going to be okay...I'm not gonna die just because of a mere bomb...Do you remember I'm the number 1 criminal in the whole wide world...I'm not gonna die from here, at isa pa..gusto ko pang makita na sumikat ka...and watching my little dinosaur growing is a must to see...so stop crying, your a man right?..." mas lalong umiyak yung batang lalaki at bigla nalang syang niyakap na ikinagulat nya...isang sincere at masayang ngiti ang sumilay sa mga labi nya... Napatigil siya nang tumunog ang relo nya... 20 sec. 19 sec. "We don't have some time dinosaur...let's go" umalis ito sa pagkakayakap...pinahid naman nya ang luha sa pisnge nito at isa nanamang ngiti ang sumilay sa labi niya.... 18 sec. 17 sec. 16 sec. "Just breath in, breath out...relax, I'll count to 5 and jump! okay?" isang nod ang sumagot sa kanya... "5..." 15 sec. "4..." 14 sec. "3..." 13 sec. "2..." 12 sec. "1! Go!" Lahat ay calculated, sa pagkasabi nya ng Go isang malakas na hangin ang dumaan na nagbigay sa parachute para makalipad...hindi sya magpapasakay ng isang bata sa isang parachute kong hindi 1000 percent na sigurado kong ito ay gagana o hindi. 11 sec. 10 sec. "Dinosaur! I Will Miss You!!" Mas lalong napaiyak ang batang lalaki sa sigaw nyang iyun...matalino sya para malaman na hindi nya tutuparin ang pangako nya na babalikan niya siya... Napaupo nalang si Tenten sa sahig ng rooftop nang maisigaw ito sa batang lalaki na pababa na ng pababa sa building... 5 sec.. 4 sec.... "Ah...dali ako ni Spade, naipahamak ko nanaman ang buhay ko dahil sa bata...sigh, magrereklamo nanaman sya dahil dito." 3 sec... 2 sec.... and 1 sec.... BOOM!. "Sin Is Out" nabanggit niya bago lamunin ng apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD