•CHAPTER 1: CHAOTIC BIRTHDAY PARTY
▄ ▄ ▄ ▄
"Tenten, humans are greedy, they will do anything to get what they wanted, and so are you, 'coz you're human too. So it's not a crime to be one"
—
"Darling, what's wrong getting what you wanted?"
—
"You are my daughter, so listen to me."
—
Namulat na ako sa tunay na mundo sa batang edad, iyun ay dahil sa aking Ina...
She's from a poor family but smart enough to get scholarship from a famous and elite school but my father tricked her and tainted her...when she get pregnant, he abandon her, her family got killed from protecting her from my father's family...she eventually stop going to school and nearly get herself killed from her own hands...
Nangako sya na babalikan ang mga sumakit sa kanya, bumangon sya sa lupa at gumawa ng sariling kapangyarihan para makaganti...
I know, I know too well how she hates me...but she still let me live, she feeds me, buy me clothes, let me in her house...so when I learned that she wanted some revenge...I help her.
Learning anything...days and nights, nonstop...I don't mind, 'coz I want to help her....
I become her shadow, doing nasty things for her, doing everything from the dark...I will do whatever she wanted me to do if that's what makes her happy...
Not until one night....
[Do your job perfect, Darling]
"Yes, Mother" sagot ko sa nasa kabilang linya ng telepono, bago nito patayin ang tawag...ibinalik ko naman ang cellphone sa bulsa ng pantalon bago isout ang black helmet at paandarin ang black motorcycle...
. . . . . .
Ang maingay na kalsada ay parang isang mabinging tahimik na lugar para sa kanya...pero sinong mag-aakala na ang katahimikan ng gabing iyun ay may mangyayaring gigimbal sa boung lugar...
Hindi narin nagtaggal nang marating nya ang Caramel Hotel, one of her father's owned Hotel...ngayong gabi, dinaraos ang kaarawan ng panganay na anak ng kanyang ama sa tunay nitong asawa...at naroon sya para guluhin ito...gaya ng utos ng Ina.
Pagkatapos i-park ang motor sa isang tagong lugar, hinubad nya ang helmet at jacket...sa loob kasi nang jacket na iyun may sout na syang uniform ng mga staff ng hotel...inisuot nya ang fake name tag at inayos ng maikling buhok nya bago magmartsya papasok sa backdoor ng hotel...
......
Sa loob, kasalukuyan nang nagkakasiyahan ang lahat, ang iba ay nagbibigay ng regalo sa munting batang prinsesa para sa kaarawan nito, kitang-kita sa mga ito ang kagustuhang mapasaya ang batang babae, dahil iyun ang nararapat para makuha ang loob ng bata at ang mga magulang ito...iyun ang laman ng mga isip ng iba sa mga naroroon, dahil sa position ng pamilya sa business Industry...Hawak ng mga ito ang isa sa pinakasikat na kumpanya sa boung bansa, hindi lang ito...hawak din ng mga ito ang Caramel Hotel na isa sa mga 5 star hotel sa bansa...
Ang cold at expressionless na mukha ni Tenten ay nawalang parang bula dito ng makapasok sa ginaganapan ng birthday party, isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi na mas lalong nagpasingkit sa kanyang mga mata...agad din syang nagserve sa mga guest na parang isa na sa mga staff doon...walang naghinala, na ang babaeng staff ay isa sa mga notorious criminal na pinaghahahanap na nang mga pulis all over the world...codename [Sin].
A cold-hearted criminal na may patong sa ulo na mahigit 100 billion.
"Can I have a drink?" bigla nalang isang batang lalaki ang lumapit sa kanya...may salamin itong sout, at mataba, mas mabuti nang sabihing may pagkachubby itong tingnan...ngumiti sya dito at binigyan nya ito ng juice, pero pagkuha-kuha nito sa kanya, nadulas ito sa pagkakahawak nito at nahulog sa sahig.
"Hindi ko sinasadya..." mahina nitong saad.
Napakunot ang noo niya sa nangyari, mabilis ang mga mata nya para makita kung paano nito sadyang bitawan ang baso.
Pero kahit na ganun pa man, nanatili ang kanyang ngiti sa labi.
"Okay lang iyun...alam kong hindi mo sinasadya, bigyan nalang kita ng panibagong juice at si Ate nalang ang bahala dito."
Kinausap nya ito ng maayos at binigyan uli ng panibagong juice, nagbigay naman ito ng isang ngiti sa kanya bago ito umalis habang puno ng saya sa hawak na juice.
"Isn't that the son of Mr. Salvatore?"
"I heard he's a troublemaker son, palagi syang napapasama sa gulo"
"Oo narinig ko rin iyun, inaasahan na iyun, nawala ang Ina nya sa batang edad...may trabaho rin ang Ama nya kaya walang nagsasayaw sa masamang ugali ng bata"
"Hindi ba, mag-aasawa uli si Mr. Salvatore?...siguro naman may magbabantay na sa batang iyan"
Lahat ng iyun ay malinaw na narinig ni Tenten habang nakasunod parin ang tingin nya sa batang lalaki.
Naibalik nalang nya ang kanyang Job-smile sa kanyang labi bago simulan ang plano...
Sa gabing ito...kasama sa pagbagsak ng Caramel Hotel ang pagbagsak ng pamilyang Lee...
Natuon ang pansin nya sa isang middle age man na nakikipagkwentohan sa mga bisitang lalaki...tumatawa ang mga ito sa kung anong pinag-uusapan...
Hindi iyun ang unang beses na nakita nya ito, syempre ito ang taong nais paghigantihan ng kanyang Ina, kaya kilalang-kilala na nya ito simula pagkabata...wala syang galit, poot, o nais ng paghihiganti dito, pero kung iuutos ng ina na paslangin ito, gagawin nya...ng walang pagdadalawang isip.
For a minute, her eyes become distance and cold, pero agad ding bumalik sa dati...at ipinagpatuloy ang ginagawa.
----------
Nagkakasiyahan ang lahat ng biglang nagplay sa isang malaking white screen ang isang video...sa video makikita ang p********k ng isang lalaki't babae sa isang kama, rinig na rinig din ang ingay na ginagawa nila...nakatalikod sa camera sa simula ang lalaki at tanging ang mukha lang ng babae ang makikita...nagulat ang lahat dahil ang babae sa video ay walang iba kundi ang sikat na artistang si Jenny Allison, pero ilang sandali lang...mas lalong nagulat ang lahat nang ipakita ang mukha ng lalaki sa camera...
Lahat ay nakita ni Jacob Lee at nang kanyang asawa't anak...namawis ang kanyang katawan...
"Stop this nonsense!!..hey stop it!!do something about that fake video!!" sigaw nya at lumapit sa stage kung nasaan ang white screen...
"I never thought he's something like that.."
"Hindi ba si Jenny ay may asawa narin?"
"Hindi mo aakalain na may babae sya"
"Siguro hindi makuntento sa kanyang asawa kaya naghahanap sya ng iba"
"Nakakadiri sya, siguro hindi lang iyan ang babae nya"
"Nakakaawa ang pamilya nya"
Nais magwala ni Mrs. Lee sa mga nakita idagdag pa ang mga naririnig nyang bulongan sa paligid...
Nagpatuloy ang video, may ginagawa ang ibang staff para matigil ito pero hindi nila matukoy kong saan ito aalisin, hanggang sa hikitin ng isang staff ang pagkakasaksak ng mga equipment sa saksakan, at doon lang natigil ang video.
Pero sinundan ito ng isang announcement mula sa mismong radio hotel...sa speaker, isang boses lalaki ang nagsalita...
"Hello!...thank you for staying at Caramel hotel...itinayo ang Caramel hotel 10 years na ang nakakalipas, at simula noon kahit anong problema ang kaharapin namin ay nananatili parin itong nakatayo para paglinggkuran ang aming mga minamahal na guest...isa sa Top 10 ang Caramel Hotel, at sa kasamaang palad....ngayong gabi, ang Caramel Hotel at mawawala na sa mapa ng Pilipinas....sa pagsapit ng ika-sampu nang gabi...lahat ng nasa loob ng hotel ay dapat nakalabas na bago sumabog ang boung building...that's all thank you...We Hope You Enjoyed Your Stay Here" saad ng lalaki sa speaker na nagresulta ng pagpanic ng lahat...nagkagulo ang lahat ng nasa building...mabilis namang nagsikilos ang mga staff ng hotel...hindi nila alam kong isang prank lang iyun o totoo, iyun iba ay tumakbo sa studio kong saan naganap ang announcement na iyun sa boung building...
Pero ang natagpuan lang nila doon ay isang cellphone na nagrereplay ng isang record...mukha ring pinatulog ang mga staff na nandoon...
Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Tenten...nadaanan niya ang nakatulalang si Mrs. Lee...
"The Lee Business will go bankrupt in less than one day Mrs. Lee, If I were you, aalis na ako ng bansa habang hindi pa naisasapubliko ang baho ng company...siguro naman alam mo kong anong kasamaan ang ginagawa ng asawa mo...niloko ka pa nya" saad nya dito bago ito lampasan, mas lalong hindi nakagalaw si Mrs. Lee sa narinig na iyun...
30 minutes....
Nakalabas ng walang kahirap-hirap si Tenten sa building, may mga dumating naring mga pulis...pero hindi nya ito inalintana, alam niya na wala ang mga itong magagawa, kahit mahanap nila ang bomba...kulang ang 30 minutes sa pagdecode nito...isa pa, unique ang ginagamit nyang bomba, na tatak na kanya bilang kriminal.
Hindi tulad sa ibang bansa, kakaunti lang ang nakakaalam sa City tungkol sa kanya...
15 minutes...
*Buzz*
Agad nyang sinagot kung sino man yung tumawag sa cellphone nya nang hindi tiningnan kung sino ang Caller...
[Are you sure about this?]
Isang boses ng lalaki ang nasa kabilang linya...agad naman nyang nalaman kong anong ibig nitong sabihin...
"1000 percent"
[It's not your style Sin, this is basically just a child play for you...why putting effort into this? where you can just do your usual thing, and bla-la! they're in hell!]
"Mom wants a scene...just do your job, I'll be right there in a minute"saad nya sa nasa kabilang linya at pinatay ang tawag...dumarecho sya sa pinaradahan nya ng motor at sumakay dito...pero hindi nya ito pinaandar sa halip ay pinindot ang isang button at may lumabas na isang mini flat screen...nakaconnect na ito sa mga camera sa loob ng hotel kaya kitang kita nya lahat ng nangyayari sa loob...
Inisout nya ang headset na nakaconnect sa computer at pinakinggan ang pinanonood sa flat screen, bumalik narin sa pagiging cold at Indifferent ng kanyang mga mata...the darkness inside it makes everyone think she's a bloodthirsty murderer...
Pero lahat ng iyun ay nawala sa kanyang mata ng isang saglit ng makita sa pinanonood ang isang batang lalaki...
Sh*t!
Agad syang napababa sa kanyang motor...inilibot nya ang pansin sa mga tao sa harap ng building nang huminto ang tingin nya sa mga pulis...
Agad nyang pinatamaan sa batok ang isang pulis na medyo nasa dilim...walang nakakita dahil nakatuon lahat ng pansin sa nangyayari sa loob ng hotel...
Agad nyang hinubaran ng uniform yung pulis nang mailagay ito sa tagong halamanan...isinout nya ang uniform at walang kahirap-hirap nakapasok sa building...agad syang sumakay sa elevator at pinindot ang pinakataas na floor...
10 minutes.
. . . . . .
Sh*t! sh*t!!...bakit hindi ko agad napansin ang isang bagay na iyun?!...10 minutes!..may oras pa ako.
Nang bumukas ang elevator agad akong tumakbo papuntang rooftop...that brat!...bakit sya nasa itaas?!....sasabog ang boung hotel in less than 10 minutes!...
Nang makarating sa rooftop, isang batang lalaki na nakatalikod sa kanya ang nakita agad ng kanyang mga mata...nakasandal ito sa railings ng rooftop habang nakatingin sa ibaba...
Nangunot agad ang noo ni Tenten nang makita ang batang lalaki...
"What are you doing here Dinosaur?" malumanay at napakasoothing nyang tanong sa batang lalaki, lumakad sya papalapit dito at nang makalapit ng tuluyan napakunot noo uli siya ng makita ang blankong mukha ng bata...she's familiar with it.
Indifferent, cold and distant...where you feel the world are nothing but lies and mistakes...that it's more like a hell than a paradise said in the book...the feeling of being left alone..you can't help but question yourself if you done something wrong...araw-araw na pagpikit ng iyung mata, puro tanong ang lilitaw sa isip mo hanggang sa paggising...
Nakakatamad minsan mabuhay...para ka lang kasing nabubuhay habang unti-unting pinapatay, na parang isang black and white ang mundong ginagalawan mo...na hindi mo na napapansin na wala naring buhay ang mga mata mo...I know it too well.
Nailipat nalang ang tingin ko sa ibaba ng hotel nang hindi parin nya ako sagutin...
"You heard them right?...may bombang nakatanim sa boung hotel, at sa pagsapit ng ika-sampu nang gabi...sasabog ang boung building"
"Oh?...kung police sila, dapat magawan nila ng paraan ito...ano bang silbi nila kung hindi?...may oras naman na ibinigay sa kanila para alisin ang mga bomba" napatawa ng mahina si Tenten sa sinabing iyun ng batang lalaki...
"Hindi ka ba natatakot sa sinasabi mo? Police din ako ya'know?" bored syang tiningnan nito na parang isang joke ang kanyang sinabi...
"You're not a police, I saw everything...I mean, I heard everything" maikling saad nito bago uli ilipat ang tingin sa ibaba...
"You have a voice changer...and a knife, I don't know if you also have a gun...nang makita kita sa party, agad na akong naghinala...the action you take, the word you say...I saw everything, kaya nilapitan kita at gumawa ng kumosyon...nung ialis mo ang tingin sa akin para tingnan yung mga tao doon...nakita ko ang bagay sa ilalim ng sout mong damit sa parteng leeg, na syang ginagamit mo para magpalit ng boses since nakaubob ka sa akin noon...hindi mo rin yata halata na, may nakakabit na sayong device na inilagay ko nung oras ding iyun...kaya narinig ko mula doon lahat ng sinabi mo...mula kay Mrs. Lee hanggang sa kausap mo sa cellphone...so hindi mo na kailangang magsinungaling, pero hindi parin ako makapaniwala na ikaw ang notorious na criminal na pinaghahahanap na ng mga pulis all over the world" napaawang ng kunti ang labi ni Tenten sa narinig na sinabi ng batang lalaki...agad nyang chineck ang damit kong mayroon ngang nakalagay at nakita ang isang maliit na speaker na nakadikit sa kanyang damit...maliit lang ito gaya ng ibang hearing device na ginagamit nya...
hindi nya napigilan ang tatawanin dahil dito...binigyan naman sya ng makahulugang tingin ng batang lalaki na parang nasisiraan na sya ng isip...
To think na ang number 1 criminal sa boung mundo ay maiisahan ng isang bata?...
"You're not scared?...I might dispose you because of this."
"Yeah go on..." blanko lang nasaad nito, napabuntunghininga nalang si Tenten dahil dito, how can he be so calm about being killed..?
It's not ordinary for a young kid like him to act like that...sumandal sya sa railing at tumingin sa kalangitan bago uli ilipat ang tingin sa batang lalaki.
"Umalis na tayo rito, less than 15 minutes nalang ang natitira bago sumabog ang building"
"Don't wanna, bakit hindi ka umalis mag-isa?..iwanan mo nalang ako dito"
"I can't do that, now let's go, I'll give you chocolate"
"Mom said don't accept anything from a stranger"
"Wut?...akala ko magkaibigan na tayo?..*pout* that's an unfair treatment...sigh nevermind...let's go" saad nya at bigla nalang binuhat yung batang lalaki...
"Wha—Uy! Let me go!!..ibaba mo ako!!" nagwala naman ito pero baliwala sa lakas na mayroon si Tenten...
"Yeah yeah, you know what, My Mom thought me the same, she said don't accept anything from a stranger...but the difference is, she also said...take it from them, if you want something take it..'coz not anyone will give you or offer something to you, hindi lahat magbibigay sayo kapag kailangan mo, hindi lahat magbibigay kapag gusto mo...kapag may gusto ka, kunin mo ng sapilitan kapag hindi sayo ibinigay..." saad nya sa batang karga-karga...ever since a kid, marami nang itinuro sa kanya ang kanyang Ina, puro may kabuluhan at may katotohanan naman ang mga sinasabi nito, pero hindi tamang sabihin sa isang bata...kaya lumaki syang dala ang lahat ng itinuro ng Ina...nalaman nalang nya na mali ang mga ito nang lumaki na siya at pumuntang abroad para mag-aral...dahil siguro sa pagkakahiwalay nya sa kanyang Ina at nalayo siya sa mga turo nito, pero hindi nya ito kinalimutan...