≧ω≦
Maagap nagkagising kinabukasan si Lette...napagdesisyunan nya na magpunta muna ng gym, since maagap pa naman at gusto rin nyang patulugin pa ang Nanay Rita nya dahil sa pagod nito kagahapon...
May sarili namang gym ang Hotel na tinutuluyan niya kaya walang problema...
Gusto nyang palakasin ang katawan, tama para protektahan sa panganib...para kasing kunting hangin lang ay malilipad na ito...
Sout ang short at maluwang na sando, hindi mo aakalain na isa syang anak ng billionaire sa bansa...may dala rin syang towel habang nakapuyod ang wavy nyang buhok...
Akala nya sya palang ang tao sa gym nang may nakitang tao doon na kasalukuyang nagli-lift ng barbell habang nakahiga...hindi nalang nya pinansin at dumerecho sa isang tread mill...napatigil sya saglit nang walang makapang headphone or headset sa tainga, hindi mawala ang mga nakasanayan nya nung sya pa si Tenten...isang buntunghininga nalang ang nailabas nya dahil dito...
Nakalimutan din nya ang cellphone nya...kaya mas lalong napakunot ang noo nya sa pagiging makakalimutin...
. . . . . .
After 15 minutes of running in the tread mill, bumigay ang katawan ko, masyado ko yatang ni-overestimate ang kakayahan ng katawang ito...15 minutes palang ang nakakaraan naghahabol na ako ng hininga...
Napasalampak nalang ako ng upo sa malapit na bench, at agad ininom ang dala kong bottle ng mineral water...napasubra yata ako...kalalabas ko palang sa hospital baka bumalik nanaman ako doon...
Minabuti ko nalang na bumalik sa apartment ko nung makapagpahinga...sakto at gising na si Nay Rita at kasalukuyan nang nagluluto...
"Morning Nay, anong niluluto mo?" napaitlag ito ng kunti sa biglang pagsulpot ko...
"Bibigyan mo ba ako ng sakit sa puso?..itong batang ito"napatawa nalang ako ng mahina dahil sa reaction nya...
"Sinangag, itlog, bacon, nagluto rin ako ng hotcakes, may pandesal din at ilang tinapay"
"Sounds good to me...I'm getting hungry"
"Ay sige sige, maghintay ka lang saglit sa mesa at ihahanda ko na.."
"Tulungan na kita Nay..."
"Hindi na, ako na...kaya ko na ito, ang mabuti pa, maligo ka na at magpalit...ang pawis pawis na nyang suot mo"
Lahat ng gawin ko bilang Lette ay first time sa akin, kaya siguro malapit ang loob ko kay Nay Rita, since nakikita ko sa kanya ang pagiging isang Ina, na hindi ko naramdaman nung nabubuhay pa ako bilang si Tenten...kahit sandali lang, gusto kong maexperience ang mabuhay nang may nagmamahal sayo...kahit baka bukas ay gigising na ako sa panaginip na ito, gusto ko paring subukang e-enjoy ang mga nasa harapan ko ngayon...
After naming magbreakfast ni Nay Rita...tinulungan ko syang magligpit ng mga kinainan namin...pero pilit nya akong itinataboy..kaya wala na akong nagawa kundi ang maghintay nalang na matapos sya...
Naalala ko naman na wala akong cellphone kaya agad kung tinanong si Nay kung naitabi nya ang cellphone ko/ng dating Lette...sinabi nya na bumili nalang ako ng bago, dahil nasira daw iyun nung naaksidente ako...
Base sa alaala ko, may fully control si Lette sa mga credit card niya na bigay ng Lolo nya...siguro pwede akong makakuha nang kahit kaunti lang para makabili ng mga computers at ng mga ibang damit at gamit, gusto ko ring ipabago ang kwarto ko...
Napapabuntunghininga nalang si Lette sa dami nyang isipin...hindi sya makapaniwala na kailangan nya pang pagisipan ang mga ganuong bagay...
Hindi naman maalis ni Rita ang tingin sa alagang nakaupo lang sa isang couch sa sala na kasalukuyang nanonood ng TV...simula nang magkagising ito mula sa pagkakacomatose, mas naging sweet ito sa kanya...kahit na hindi nya mabasa ang mukha nito, pansin nya ang napakalambing nitong boses kapag kausap siya...hindi rin ito nagrereklamo kapag nagdadadakdak siya dito hindi tulad ng dati nitong gawain na sasabayan pa siya...
Cold man at distant ang mga mata nito, napakagaan naman sa kanyang panrinig ang boses nito kapag nagsasalita na puno ng lambing..
Kahit na lito parin sa ikinikilos ng alaga, masaya siya at mukhang nagbago ito hindi tulad ng dati...
☜☆☞
Dinos Main Company
"Tumaas ang rating ng Company since last months, dahil iyun sa pagguest natin sa isang TV show...hindi doble, kundi triple ang taas ng rating dahil doon, kung magpapatuloy si CE—"
"Ehem..." napatigil ang babaeng representative nang putulin sya nang isang lalaking nakatayo sa gilid nang kanilang CEO..
"I mean, ang susunod nating plano para sa susunod na buwan ay..........—"
Nang matapos ang meeting, isang katahimikan na naman ang bumalot sa boung kwarto...lahat ay naghihintay sa sasabihin ng kanilang CEO na tahimik sa boung presentation...
"Dismissed...let's continue this tomorrow, recheck the auditing again, don't let me see that again tomorrow." napalunok nalang lahat dahil sa sinabing ito ng CEO, puno ng lamig ang boses nito at parang walang kaliwanag-liwanag ang mga mata nito, na animoy kakain ng buhay...
"Uhm...may mali po ba sa pre—" isang lalaki ang naglakas loob na magtanong pero hindi nya natapos ang sasabihin nang harangan sya ng kaninang babaeng nagpresenta...
"Sorry Sir, baguhan lang po sya dito...aayusin po agad namin ang mali"
Puno ng pagtataka ang lalaking nagsalita pero hindi na nagtanong kung bakit at iniubub nalang din ang ulo gaya nang ibang kasamahan...
"Dismissed" napabuntunghininga ang lahat sa mga sari-sarili sa sinabi ng lalaking boss, lahat ay lumabas nalang gaya ng utos ng CEO, nang makalabas agad ni Fei tiningnan yung lalaking nagsalita...
"Do you know what you have done?!...In this company, lahat ng sinabi nya ay hindi maaaring question-in, kapag may sinabi syang baguhin mo, ikaw na mismo ang maghahanap kung anong mali sa presentation at baguhin ito...bawal kang magtanong sa kanya kung anong mali...dahil nagpapakita lang iyun kung gaano ka ka-incompetent!..at sa ginawa mo inilagay mo ang grupo sa alanganin!!" hindi mapigilan ni Fei ang galit na nararamdaman sa baguhang empleyado...pero mas lalo syang nagagalit dahil may nakitang mali ang CEO sa naging presentation nila...
"I..I'm sorry Ms. Fei!...hindi na po mauulit!..hindi ko po kasi a—"
"Don't. Utter. A. Single. Word!...kung hindi mo alam alamin mo!" saad nya dito at tumalikod...at iniwan ang nanginginig na empleyado..
Habang sa loob ng conference room na kanilang nilabasan...prenteng nakaupo lang at parang walang balak na umalis ang isang lalaki...derecho lang ang tingin at malayo ang iniisip..nakahawak ang kanan nitong kamay sa palawit ng kwintas na sout-sout nito...
Kapag ganito ang boss ni Nel, hindi nya maiwasang pagpawisan ng bahagya...kaganina pa ito tahimik at ang mood nito ay padilim ng padilim bawat minuto...
"Nel, what's my schedule for the whole week?" napaigtad ng kunti si Nel nang bigla nalang magsalita ang boss nya...pero agad ding nakarecover.
"May opening tayo bukas para sa bagong labas na gadgets...sa Wednesday may meeting ka sa Espark Company para sa bagong plano, kasunod noon ang pagtest drive sa bagong Kotse...sa Thursday magbubukas ang katatapos na building natin sa New York kaya tatlong araw tayo doong mags-stay...makakabalik lang tayo ng Linggo sa bansa..."
"Cancel the meeting sa Espark, i-move mo ng lunes...pati narin ang pagtest drive sa bagong kotse"
"Masusun—"
"Gawan mo ako ng reservation sa Queen's Restaurant for two sa Wednesday.."dagdag nito bago tuluyang makatayo sa kinauupuan...
"with Ms. Ruan?" tanong nya habang sumusunod sa paglalakad sa kanyang boss...
"Yeah...alam mo naman ang gusto nya, kaya pakihanda nalang din sa Wednesday..." walang interests na saad nito bago sumakay ng elevator, hindi na sya nagsalita at pinindot nalang ang floor kung nasaan ang office ng lalaki..
Lucas Salvatore, ang batang CEO ng bansa...pagmamayari nya ang Dinos Technology, ang bagong technology na sikat at kilalang-kilala sa boung mundo...hindi lang sa pagiging may-ari, sya rin ang maygawa ng ibang devices or technology na inilalabas ng company...mapa-smart phones or cars, kahit gamit sa pang-araw araw na buhay...lahat ay kayang gawin ng company.
Tinagurian din syang 'The Genius Of The Century' dahil sa mga makabagong teknolohiya na nailalabas niya...nagtapos ng college sa edad na 18 na mayroong pinakamataas na marka...sa edad na 20 naitayo na niya ang Dinos...at makalipas ang limang taon ngayon ay number 1 na sa boung mundo...
Hindi lang sa pagiging mayaman, matalino...biniyayaan din ito ng angking kagwapuhan, maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya, sino ba namang hindi? Nasa kanya na ang lahat...
Nang makapasok sa office, agad syang naupo sa kanyang natatanging swivel chair at agad hinawakan ang kanyang laptop para tapusin ang mga naiwan nyang trabaho...napahinga nalang ng malalim si Nel nang makahiwalay sa kanyang boss...simula nang magtrabaho sya rito, parang nagmumukha na syang matanda dahil sa stress...sa araw-araw na ginawa ng Diyos, bakit kailangan nyang maging Cold at emotionless?!...napabuntunghininga nalang si Nel sa napakalaking problema niya sa kanyang boss bago magsimula ulit magtrabaho.