Chapter 2

1204 Words
WALA s'ya sa Envy. Tinawagan ko sina Elias at sinabing sa Inferno kami magkita. And yes, like the name of this club, daig ko pa ang nasa impyerno sa init ng ulo ko. Bakit hindi ako maiirita? Hayun si Rue at nakikipagsayaw kay Stav sa isang maharot na kanta.  Her friends are dancing with other men but wilder than what Rue is doing. Ang ingay na dito sa club ay ang sikip pa. I must be getting old. Dati rati ay laman din ako ng mga ganitong lugar lalo na noong nasa kolehiyo ako at hindi iisang beses akong umuwi na may kasamang babae sa condo ko. At twenty-five, wala na akong panahon sa clubbing at kung ano ano pang hindi related sa business world mapwera na lang ang mga activities namin magkakaibigan. Mostly camping and swimming. Madalas rin kaming mag-fishing. Bago pa ako nakahakbang palapit sa kanila ay may kumapit na sa balikat ko. Nang lingunin ko ay si Nikos at Elias ang nakita ko. "Alex, huwag kang padalos dalos. Nakikipagsayaw lang ang birthday girl mo," sabi ni Nikos sa akin. Agad na kumunot ang noo ko? "Sayaw ang tawag mo d'yan? Halos magkapalit na sila ng mukha sa ginagawa nila!" galit kong sabi sa dalawa. Nagpalipat lipat ng tingin sa Elias sa dance floor at sa akin at saka tumawa. "Bro, they are dancing as normal as it can be. Hindi naman sila naghahalikan. However, isn't that her friend?" Nang sundan ko ng tingin ang itinuturo n'ya ay nakikipaglaplapan na si Regina sa kasayaw nito. F*ck. Hindi ko na hihintayin na maghalikan pa sa harap ko si Rue at ang date n'ya. Mukhang nakakarami na din ito ng inom kahit maaga pa ang gabi. Aba, alas d'yes pa lang ng gabi.  "I am not waiting for her to do the same," sabi ko sa mga kaibigan ko.  Napailing ang dalawa at naunang magsalita si Nikos. "Masisira mo ang birthday n'ya kapag pinigilan mo s'ya  sa pakikipagsayaw." "And besides, Rue is twenty at mukhang nag-eenjoy naman s'ya ngayong gabi. How about we watch her for a bit? I'll get us a beer then saka mo s'ya lapitan?" "Good idea. I like that. Come on, Alex. Chill. Masyadong mainit ang ulo mo at kulang na lang ay lumabas ang apoy sa mga mata mo. Birthday pa naman ng baby mo," tukso ni Elias sa akin. Si Nikos ay nakita ko ng nagpunta sa bar at nag-order ng inumin. "Shut up," angil ko sa kanya. Nagtaas ito ng dalawang kamay habang natatawa. "Relax, hindi ako si Stavros. Sungit ng matandang binata ah." "Matandang binata? Bente singko lang ako matanda na kaagad?" mulagat na tanong ko sa kanya. "Well, she was thirteen noong nakita namin s'yang titig na titig sa 'yo and you were already eighteen at the time. Di ba, legal age ka na samantalang s'ya, kapapasok lang sa pagiging teenager?  Cradle snatcher!" pumalakpak pa ito ng dalawang beses habang mauutas sa pagtawa.  Gusto ko tuloy s'yang batukan. Sa huli hindi ko rin ginawa. The three of us drank some beer while I watch Rue from afar like a hawk to it's prey. Umupo na sila ng kasayaw n'ya at ngayon ay umiinom ng vodka. Kaya naman pala ang mga galawan ay wala ng inhibisyon. Medyo tipsy na ito. Gaano na kaya kadami ang nainom n'ya? Her friends went back to the dance floor after a few minutes at naiwan silang dalawa ni Stavros. I saw him leaning over and whispering something in her ear. Kumunot ang noo nito at saka tumawa ng bahagya.  Pero nang magtama ang mga mata nila, alam ko na ang pwedeng mangyari at 'yon ang hindi ko pwedeng hayaan. Halos lipadin ko ang sulok na kinaroroonan nila para pigilan ang halik na pwede nilang pagsaluhan. Those lips belong to me and only me.    IMAGINE my surprise when I saw Alex towering over me. Anong ginagawa n'ya dito sa club at paano n'ya nalaman kung nasaan ako? He looks mad too. Birthday ko naman ngayon ah, masama bang magsaya?  "Hi!" bati ko sa kanya. "Hi yourself, let's go home," hindi ngumingiting sabi nito.  Ha? Bakit n'ya ako pinapauwi? Can't he see I'm having fun? Bihira naman akong lumabas at madalas ay bahay at eskwela lang ako. Sometimes, I would go for photoshoots. Nagmomodelo kasi ako sa magazine kung minsan. Pag trip lang, sayang rin 'yon extra money. May nag-aalok nga sa akin na rumampa sa Paris for a fashion week pero hindi ako interesado sa ngayon. Isang taon na lang at matatapos na ako sa eskwela. Sayang naman kung hindi ako makakagraduate dahil madami akong mamimiss na klase.  I gave him my best smile. "Dito muna tayo." "No." "Alex, it's her birthday. Let her enjoy the night," singit ni Stavros at nakangisi pa. Gusto ko s'ya lalong suntukin sa mukha. "I'm not talking to you so don't interfere with our conversation. Rue, come with me," inilahad nito ang kamay sa akin.  "Saan tayo pupunta?" Nakuha ko pa talagang magtanong sa kanya sa kabila ng nagniningas n'yang mata. Parang konting konti na lang ay sasabog na s'ya. "Somewhere." "Saan nga?" "Basta. Could you just listen to me, please?"  Hindi s'ya madalas magsabi ng please kaya naman napahinuhod n'ya ako sa gusto n'yang mangyari. Tumango ako at nakita ko ang paglaglag ng balikat ng kasama ko. Stavros is a friend of mine. Pero hindi naman ako dense para hindi makitang may pagtingin s'ya sa akin.  "Stav, I'll go ahead. I'll talk to you later, okay?" "All right. Enjoy the rest of your night. Happy birthday," akmang hahalikan pa ako nito sa pisngi pero hinigit na ako ni Alex sa gulat ko. Nang makalabas kami ng club ay bumitaw ako sa hawak n'ya.  "Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya. Bago pa s'ya nakasagot sa akin ay may dumating na dalawang lalake. I know them -- it's Nikos and Elias. Na-meet ko na rin sila noong kasal nina Mommy  at madalas sila sa bahay noong doon pa nakatira si Alex.  "Okay bro, we'll go ahead. Mukhang okay ka na," sabi nito kay Alex. Pagkuway hinarap ako ni Nikos," Happy birthday, Rue." "Happy birthday, Rue!" sabi naman ni Elias. "Thank you," hindi ko alam kung bakit narito din sila. Something weird is going on tonight and I don't know what it is. Iginiya n'ya ako sa kotse at nang makapasok kami sa loob ay tinanong ko s'ya. Iritable pa rin ang mukha nito kahit wala naman akong ginagawang masama.  "Anong problema? Bakit ka galit?" tanong ko sa kanya. Hindi n'ya ako tiningnan. Bagkus ay inabot sa akin ang isang munting kahon na kulay itim at may ribbon sa ibabaw nito. "Open it," utos n'ya sa akin.  Medyo nahihilo ako at tumatama na sa akin ang huling shot ng vodka. Actually, kanina pa nga ako nahihilo -- nilalabanan ko lang. Pero ngayon na si Alex ang kasama ko, parang lahat ng depensa ko nagiba na. It's like I can let go. Nang buksan ko ang kahita ay tumambad sa akin ang isang manipis na kwintas na may maliit na pendant. Medyo madilim kaya hindi ko kita kung anong uri ng bato ang nakalagay doon. Parang nabasa naman n'ya ang iniisip ko.  "It's Ruby, your birthstone."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD