Chapter 3

1116 Words
ITINAAS ko ang mahabang buhok ko at bahagyang tumalikod sa kanya. Narinig ko pa ang sunod sunod n'yang lunok sa ginawi ko. I am wearing a red tube dress at nakalantad ang majority ng balat ko. Wala naman akong dapat ikahiya dahil wala akong peklat maliban sa ilang pekas na maliliit. That's from staying too much time under the sun. "Isuot mo sa akin," sabi ko sa kanya. Nahihilo na talaga ako at gusto kong matulog muna. Hindi nga lang ako pwedeng umuwi ng ganito ang itsura ko at siguradong kahit bente anyos na ako ay hindi ako palalagpasin ni Mommy. Baka nga mapalo pa n'ya ako kahit birthday ko. She can be strict most of the time pero alam kong mahal n'ya ako. Sinabihan rin n'ya ako na alagaan ang katawan ko dahil mahirap magkasakit. Hindi daw habangbuhay na buhay s'ya. Morbid talaga n'ya minsan pero sanay na ako. Naramdaman ko ang init na galing sa daliri n'ya nang may ilan na lumapat sa may batok ko. Pati ang dapyo ng mainit na hininga n'ya ay ramdam na ramdam ko. Ano kayang pakiramdam ng mahalikan ng isang Alexander Andino? Nang marinig ko ang click ng clasp at bahagyang paglayo n'ya ay alam kong naikawit na n'ya ang kwintas na binigay n'ya. At dala na marahil ng alak ay malakas ang loob ko ngayong gabi. Humarap ako sa kanya at ikinawit ang mga braso ko sa leeg n'ya. "Where's my birthday kiss?" tanong ko sa kanya. I saw her gulped but leaned over to kiss my cheek at 'yon ang pagkakamali n'ya dahil sinalubong ng labi ko ang labi n'ya. Saglit s'yang nanigas at wala pa yatang isang segundo ay sinapo ng mga kamay n'ya ang pisngi ko para lalong idiin ang halik n'ya. Mapagparusa noong una pero hindi nagtagal at naging banayad ito. Tinudyo tudyo pa n'ya ng kanyang dila ang lahat ng sulok ng bibig ko. Mabuti na lang pala at may maliit akong gum kanina. Kung hindi ay lasang vodka ang bibig ko at baka ma-turn off s'ya sa akin. "Rue.." ungol n'ya. That is definitely him. Nang itigil n'ya ang halik ay bahagya pang pinanggigilan ang labi ko. But he didn't say anything. Instead, he let go of me and said, "Put your seatbelt on." Secretly, I was hoping he will take me to his place. Now that I am twenty, hind na siguro masamang ipagkaloob ko ang sarili ko sa kanya. Hindi kami magkapatid at kahit gusto akong ampunin ng legal ni Tito Andrew ay tumanggi ako. Senator Maximo Mosqueda will always be my father. Magkaiba man kami ng apelyido, nananalaytay sa akin ang dugo n'ya kaparehas ni Ate Dye. I know about her and my other two sisters. Kahit hindi kami nagkakaharap at hindi ko alam kung kilala nila ako ay masaya na akong masubaybayan ang buhay nila sa internet. May mga profile sila at kahit hindi kami friends ay may ilang mga litrato na naka-post ng public. Walang lugar sa akin ang paninibugho dahil pareparehas lang kaming anak. Pangarap ko na sana in the near future ay magkasama sama kami kahit isang araw lang. Nananabik ako na makapiling ang mga ate ko at si bunso. Hindi ko na namalayan ang antok ko at nang magising ako ay nasa loob na ako ng kwarto at nakahiga na sa kama. Kinumutan ako ni Alex at pinatay ang ilaw. Akmang aalis na s'ya ng pigilan ko s'ya sa braso at higitin. He landed on top of me. "Rue, we can't," sagot nito na parang hirap sa pagsasalita. "Yes, we can. I want you." Saksi ang gabi sa pinagsaluhan namin ni Alex. Hindi iisang beses n'ya akong inangkin. At kung ang una ay masakit, ang pangalawa ay nagpatotoo sa sinasabi ng iba sa libro na para kang umakyat sa langit. Nang magising ako at kapain s'ya sa gilid ko ay wala na s'ya. Ang naiwan na lang ay ang amoy n'ya sa kama at unan.  Nang bumangon ako ay naramdaman ko ang pananakit ng katawan. Daig ko pa ang nagmountain climbing at halos manginig ang tuhod ko papuntang banyo. Warm shower helped pero may bakas pa rin ang ginawa namin kagabi at iika ika akong naglakad. Nakita ko ang dugo sa kobre at bago pa makita ng labandera namin ay tinanggal ko na ito at kinusot gamit ang sabong mabango. That's all I have in my room. May mantsa pa rin pero hindi na mapula. Inilagay ko na sa laundry basket.  Bumaba ako sa komedor nang makaramdam ng gutom. Mamaya ay may dinner kami. Unang hinanap ng mata ko sa baba si Alex at kasalukuyan silang kumakain ng agahan.  "Look who's up. How's my birthday girl?" tanong ni Mommy.  "Fine, Mom." "How was your night?" This time ay si Tito Andrew naman ang nagtanong.  "It was... great," sumulyap ako kay Alex pero nag-iwas ito ng tingin at parang wala kaming pinagsaluhan kagabi. That was weird. "Sinundo ka daw nitong si Alex at sa pagod ay dito na rin natulog sa bahay. I miss having us four in the house," sabi pa nito.  Hindi na ako nakatiis kaya ng makahanap ako ng tyempo ay pinuntahan ko s'ya sa kwarto n'ya at niyakap mula sa likod. Dinampian ko ng halik ang braso n'ya pero mabilis s'yang lumayo sa akin. Mabaho ba ako? Naligo naman ako.  "May problema ba?" tanong ko sa kanya. "What do you mean?" malamig na sabi nito. Kumunot ang noo ko at nagtaka sa ginaawi n'ya. "You're cold and you're clearly avoiding me. What did I do wrong?" "Nothing. What happened last night shouldn't have happened and I'm sorry," sabi nito na hindi makatingin sa akin. He's sorry? Well, I'll be damned. "You're sorry?" "Rue, it's not --" "Got it. Don't worry, hindi na mauulit. From now on, I don't want you near me. Don't talk to me or even glance at me. I don't exist in your world and you don't exist on mine. From this day forward, you're as good as dead to me." Mabigat ang mga huling katagang binitawan ko at kung paano ko nasabi 'yon ng hindi umiiyak ay hindi ko rin alam. Kung ayaw n'ya sa akin at pinagsisisihan n'ya ang nangyari, wala akong magagawa. Siguro nga ay walang halaga sa kanya na s'ya ang nakauna sa akin. So why should I care? Pero nang makapasok ako sa kwarto ko ay bumalong ang mga luhang pinipigilan ko. Ang sakit palang magmahal ng isang Alexander Andino. Mauubos din ang mga luhang ito. At sinisigurado ko, kung dumating ang araw na s'ya naman ang maghabol sa akin -- wala s'yang aasahan. Wala na ang babaeng baliw sa pagmamahal sa kanya.  Two months later, I found out that I'm pregnant. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD