Dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa siwang galing sa bintana ay nagsimulang gumalaw ang talukap ng mga mata ni Lolita. Nagpasya siyang magmulat ng kaniyang mata nang mayroon siyang naririnig na nag-uusap.
“Lagot na. Paano kung malaman ni Miss Aimy na nagdala ng ibang babae rito si Señorito Zyran. Dragonita pa naman ’yon, at kahit hindi pa sila kasal ni Señorito ay umaasta ng asawa.” Pinigil naman ni Lolita ang kaniyang ngiti.
‘I thought ako lang ang nakakakita sa masamang ugali ng babaeng ’yon.’ Lolita wondered when a realization hit her.
“Hoy ang bibig mo, Inday. Baka kung may makarinig sa ’yo. Alam mo na ngang dragonita ’di ba? Lagot ka ’pag may nakarinig sa ’yo at nagsumbong. Hindi mo pa naman siguro nakalilimutan ang nangyari dun sa apo ni Manang Lucia ’di ba?”
‘Ang ibig sabihin ay nasa ibang bahay ako at hindi pa nakauuwi? Tama. Hindi ko nga ’to silid. Diyos ko po. Baka atakihin na sina Lolo at Lola sa pag-aalala sa ’kin. ’Wag naman po sana!’ Labis na nababahala ang itsura ngayon ni Lolita.
“Akin na nga ’yang damit at baka nagising na ’yong babae na pinaalagaan sa ’tin ni señorito.”
Muli ay napapikit si Lolita at umastang nagtutulog-tolugan nang bumukas na ang pinto ng silid. Hindi pa siya makapag-isip nang matino.
“Mukhang tulog pa yata si Ma'am, Inday. Gigisingin ba natin?”
“Sandali at dadamhin ko ang noo niya at nang malaman natin kung may lagnat pa siya.” Hindi naman mapigilan ni Lolita ang paggalaw ng mata niyang nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na kamay sa kaniyang noo.
“Uhmmm . . .” Lolita moaned, acting like she just woken up.
Nangunot ang noo ni Lolita nang magtama ang mata nila ng babaeng nakatayo sa kaniyang harapan.
“Si-sino ka?” Napagawi ang tingin ni Lolita sa isa pang babae. “Sino kayo? Nasaan ako?”
“Ah, Ma'am, nasa mansion ka po ni Señorito Zyran. Naalala mo po ba? Dumating po kayo rito sa mansion —basambasa at puro sugat. Naaalala mo po ba?”
‘Yes. Naalala ko na.’ Bumangon si Lolita mula sa kama at agad naman siyang dinaluhan ng babaeng nasa tabi niya.
“’Wag ka po munang maggagalaw, Ma'am. Nilagyan po ng pang-alalay ang paa mo dahil may sprain daw, anang doktor ni Señorito Zyran.” Napatingin naman si Lolita sa paa niya. ‘Kaya pala parang mabigat ang pakiramdam ko sa aking paa.’
Dahil sa sinabi ng babae ay saka pa lamang naalala ni Lolita ang nangyari sa paa niya nang siya ay natumba. Wala rin sa sarili niyang hinipo ang kaniyang pisngi.
“Hindi naman po raw malala ang sugat mo sa pisngi, Ma'am. Gasgas lang po kaya ay nilagyan lang ni Dok ng ointment.” Nagpatango-tango na lamang si Lolita.
“Ahm . . . Ate, may cellphone ka po ba? Tatawag lang sana ako sa bahay namin para masundo na ako rito ng Lolo ko,” ani Lolita. Bakas sa boses niya na siya ay nakikiusap.
“Ma’am, sa ting—”
“Gising ka na pala, Señorita Lolita. Pinagbibihis ka na po ni Señorito Zyran dahil may magsusundo na sa ’yo pauwi.” Agad namang kumislap ang mga mata ni Lolita.
“Ta-talaga po, manang? Si-sige . . . Magbibihis na ako agad.” Kahit puno pa ng katanungan ang isipan ni Lolita ay agad na rin siyang tumalima. ‘Paano kaya nagawang kontakin ng lalaki na ’yon si Lolo? Saka bakit ngayon lang sila na umaga na? I swear hindi papayag ’yon si Lolo na ’di ako makauwi agad sa villa.’
Sa tulong ng dalawang babae ay tuluyan ng nakapagbihis si Lolita. Suot niya ngayon ang isang white long sleeve dress —tulad ng damit na nakikita niya sa mga Chinese dramas.
“Ate, nasaan nga pala ’yong suot kong dress at u-underwear nang dumating ako rito?” Napansin ni Lolita habang nagbibihis siya na bagong bili ang suot niyang panloob.
“Ah, ’yon po ba, Señorita? Pinatapon na ho ni Señorito dahil maraming mantsya ng dugo at katas ng damo. Mayroon na ring punit iyong dress mo.”
“Ganoon ba?” Nakaramdam naman ng hinayang si Lolita, lalo pa’t tatlong taon na iyon sa kaniya. ‘Three years. So, hindi ako gaanong lumaki sa loob ng tatlong taon na ’yon?’ Napailing si Lolita. That dress was one of her favorites.
“Masakit po ba ang paa mo, Señorita? Sandali at tatawagin ko na si Manang Lucia.”
“Ah, sige. Hindi rin naman gaanong masakit ang paa ko.” Ngumiti naman si Lolita upang mawala ang pagka-tense ng dalawang babae.
“Are you done?” Napaangat ng tingin si Lolita nang bumukas ulit ang pinto at pumasok ang isang malahiganteng lalaki.
“Señorito,” sabay na anas ng dalawang babae.
Habang si Lolita naman ay natameme lamang nang mas malinaw na niyang nakikita ang mukha ng lalaki dahil wala na itong sombrero na suot.
“Your father is waiting for you downstairs. Come. I'll carry you.” Nanlaki naman ang mga mata ni Lolita.
“Fa-father? Si daddy ko ang magsusundo sa ’kin rito? But he's out of the town . . . And how did you know my father?” sunod-sunod na mga katanungan ni Lolita.
“Just ask your father yourself.”
“What do you think your doing?” Mabilis namang pinigilan ni Lolita ang kamay ng lalaki nang akmang hahawakan siya nito.
“How do you expect yourself to go downstairs? With this?” Tinuro naman nito ang paa niyang mukhang inipit sa dalawang malapad na kahoy.
Lolita heaved a sigh feeling defeated.
“I’ll be carrying you then. Pardon me . . .” anitong kinarga si Lolita na para siyang isang prinsesa. Hindi naman mapigilan ni Lolitang mag-init ang kaniyang pisngi nang dumampi nang bahagya sa bisig nito ang bahagi ng kaniyang hita.
Sa paglabas nila nang pinto ng silid ay agad na tumambad kay Lolita kung gaano kagara at kalaki ang loob ng mansion. Isa sa namalas niya ang chandelier na halos maihahalintulad ang laki sa isang kotse.
“A-ang haba ng hagdanan . . .” Lolita mumbles nang makita niya ang paikot at mahabang hagdanan.
“Yeah. The mere reason why you need to be carried.”
“Sa-salamat . . .” Lolita mumbles bashfully. She even tightly closed her eyes dahil nakararamdam siya ng kaba sa sobrang haba ang hagdanan.
“Salamat? For what?” Lolita bit her lower lip. Muli ay naiinis na naman siya dahil sa sagot nito sa pagpapasalamat niya.
“For helping me doon sa gubat. For treating my wounds, dito sa damit, and for letting me sleep here. Thank you for everything,” mahabang litanya ni Lolita.
“Oh . . .” Hindi na nagsalita pa si Zyran kaya ay tumahimik na rin si Lolita. Ang tanging naririnig lamang ng dalaga ay ang nga yapak ng paa pababa.
Makalipas ang ilang sandali . . .
“Nasa ibaba na tayo.” Lolita opened her eyes feeling ashamed.
Agad namang inagaw ang atensyon ni Lolita nang makita niya ang lalaking nakatayo sa may sofa.
“Totoo ngang narito si daddy . . .” hindi makapaniwala na bulong ni Lolita.
Naglakad si Zyran na karga pa rin si Lolita palapit sa may couch.
“Anak Lolita, are you okay?” Ibinaba naman siya ni Zyran sa couch.
“Kailan ka pa nakauwi, dad?”
“As soon as Zyran called me—that was last night. Susunduin na sana kita kagabi pa. Pero sabi ni Zy ay nakatulog ka na raw at pinainom ka rin ng pampatulog dahil i-na-lign ni Doktor Rowan ang joints mo sa paa.” Nangunot naman ang noo ni Lolita sa paraan na pananalita ng ama niya.
‘Bakit pakiramdam ko ay kilalang-kilala ni daddy ang mga tao rito? And for this man named Zyran to order my father not to come and get me dahil natutulog ako . . . Parang may mali.’
“Magkakilala po kayo, dad?” Palipat-lipat ang tingin ni Lolita sa ama niya at kay Zyran.
“Oh, yes, honey. Si Zyran ay ang nakababatang kapatid ni Zinon Famoñer.” Namilog sa sobrang gulat ang mga mata ni Lolita. Kulang na lang ay tumayo siya kung wala lang injury ang paa niya. She was aware na may kapatid ang fiance niya, at boyfriend ito ng kaniyang tutor, pero hindi niya pa nakikita ang mukha nito.
“What? Fa-Famoñer? Let's go, dad. Umuwi na tayo.” Lolita couldn't help but shake with anger. ‘Of all the people. Nangyari pa talaga ’yong pinakaayaw ko!’
“And Señorito Zyran, maraming salamat sa lahat ng naging tulong mo sa ‘kin. Habang buhay ko iyong tatanawin na utang na loob,” matigas na sabi ni Lolita.
“Why do I feel like you resent the Famoñer so much, Señorita? Was it because of my brother?” Napakuyom naman ang kamao ni Lolita.
“Dad, please, let's go. Please, dad . . .” nakapikit na pakiusap ni Lolita. Hawak din niya ang kamay ng kaniyang ama upang iparating dito na seryoso siya.
‘Kung kaya ko lang maglakad mag-isa ay kanina pa ako tumakbo palayo sa lugar na ’to!’
“I’m sorry about my daughter's behavior, Zy. Maaari bang mag-usap na lang tayo sa susunod na pagkakataon?” anito habang hinihimas ang kamay ni Lolita. Lolita was aware that it's her father's way of soothing her.
“Sure, Tito Lander. There is always plenty of time to talk about things . . . I'll see you two out then.”
Nang marinig ang sinabi ni Zy ay agad na nagmulat ng kaniyang mata si Lolita. But she was dumbfounded nang nasa harapan na naman niya si Zyran.
“Dad?” puno ng mga katanungang bulalas ni Lolita habang nakatingin sa ama niya.
“It’s okay, honey. Let Zyran help you again. See?” Napatingin naman si Lolita sa itinuturo ng ama niya.
“Anong nangyari sa paa mo, daddy?” Nakikita ni Lolita na may benda ang malaking daliri sa paa ng ama niya.
“I accidentally tripped on my office table last night. I rushed home as soon as I heard about what happened to you.”
“I guess clumsiness runs in the blood . . .” Hindi naman nakaimik si Lolita at ama niya sa sinabi ni Zyran.
Nirolyo naman ni Lolita ang mata niya nang magkatinginan sila ni Zyran.
“So, may I?”
“Okay. Thanks . . .” tipid na sagot ni Lolita bago siya muling kargahin ni Zyran in a bridal position. Dahil dito ay muling nadikit ang hita niya sa braso nito.
“Pwede mo ba akong kargahin na iba ang posisyon?” Kita ni Lolita na tumaas ang isang kilay nito.
“I can also carry you like a sack of sweet potatoes. But I'm choosing the convenient way.” Hindi na lang kumibo pa si Lolita at hinayaan si Zyran sa ginagawa nito.
“Don’t worry. I won't drop you. You're as light as a feather.”
‘Takot akong mahulog, yes! Tinitingnan ko pa lang kung gaano ako kalayo sa sahig habang kinakarga mo ay naliliyo na ako. Muntik na nga akong atakihin kanina sa may hagdanan. Isa pa, ayaw kong hinahawakan mo ako . . .’ Ibinaling na lamang ni Lolita sa ibang direksyon ang tingin niya.
Nang marating na nila ang sasakyan ay maingat naman siyang pinaupo ni Zyran sa car seat. Inalalayan pa siya nito na para siyang isang bata.
“Thank you again, Zy. Maraming-maraming salamat sa pagtulong mo sa anak ko. I hope that your brother Zinon is doing fine too . . .” Again, Lolita jolted nang marinig ang pangalan ni Zinon. She wasn't ready yet. Iniisip niyang mas mabuting hindi na niya makita ang lalaki kahit na kailan.
“He’s perfectly fine, Tito. Just being Zinon as always —aloof and grumpy. Take care on your way home, Tito . . . Bye, Señorita Lolita Milan Alcadijas.” Dahil sa pagbanggit ni Zyran ng buong pangalan ni Lolita ay imbes na ngumiti at mag-thank you, ay nirolyo ni Lolita ang kaniyang mga mata sabay sarado sa window glass ng sasakyan.
Pansin naman ni Lolita na sa kaniya nakatingin ang ama niya.
Lolita shrugged. “What is it, dad?”
‘Bakit feeling ko na mas kampi ka sa lalaking ’yon?’ Nag-pout naman si Lolita.
“That’s rude, honey . . .” kalmadong turan ng ama ni Lolita.
Umismid si Lolita sabay baling ng tingin sa ibang direksyon.
“He’s teasing me, dad, so it's fine. Bakit feeling ko mas kinakampihan mo ’yong Zyran na ’yon, dad?” Dahil sa sagot niya ay tumahimik na lamang ang kaniyang ama at binuhay na ang makina ng sasakyan.
‘None of it is my fault. Dapat ako ang nag-iisang inis dito!’
Before leaving, Lolita could still see Zyran waving while smiling brightly at them. So Lolita might look unfazed, but deep inside, she's unbelievably smiling too.
Nakangiti dahil iniisip niyang hindi na ulit magsa salubong ang landas nila.