KABANATA 01
Kung tatanawin mula sa aerial view ay makikita ang malalagong dahon ng mga rubber tree na pinaliligiran ang isang lumang malaking villa. Sa may 'di kalayuan naman ay makikita ang mga nakahilirang puno ng palm oil, kung saan ay hitik din sa bunga. Tanging chicken wire lamang ang nagbubukod sa ekta-ektaryang lupain na ito sa iba pang mga lupain sa paligid.
"Lolita Milan Alcadijas! Ikaw na bata ka! Bumalik ka rito!" Isang malakas na sigaw ang dumagundong sa loob ng isang villa. Makikita ang isang matandang lalaki na nakatayo sa harap ng main door ng bahay habang nakapamewang na nakatingin sa unahan. Kahit may tikas pa ang tindig nito ay halatang mahaba-haba na rin ang pananatili nito sa mundo.
"Malaki na po ako Lolo Dario! Kaya ko na po ang sarili ko! Saka hindi po ako magpapakasal sa lalaking sampung taon ang agwat sa 'kin at naka-wheelchair pa!" sigaw naman pabalik ng babae habang may hawak na isang matalas na kathi o tapping knife. Suot ng dalaga ang isang pink dress na above the knee ang tabas. Naka-boots naman ang kaniyang paa na isa ring pink boots at may disenyo pang furr. Hindi maipagkakaila ang taglay na kagandahan ng dalaga na sinabayan pa ng natural nitong kulot at blond na buhok. Nagmistula siyang isang barbie doll na mayroong kayumanggi na kulay ng balat.
"At saan ka naman sa tingin mo tutungo, señorita?" tanong naman ng isang babae na mga nasa forties na. "Tinawagan ko na ang daddy mo. Pakiusap, señorita, 'wag mo na pong takasan ang tutor mo," halos nanghihinang saad ng babae. Naka-uniform ito—iba ang disenyo sa uniporme ng ibang mga katulong. Halatang isa itong mayordoma.
"Hayan! Sa tuwing umaayaw ka sa pag-aaral ay laging 'yan ang dahilan mo!" Kita naman kung paano natameme ang dalagang si Lolita. Pigil ang ngiti sa labi dahil alam niyang nahuli na naman siya ng kaniyang Lolo Dario sa kalokohan niya.
Si Lolita ay ang nag-iisang pilyang tagapagmana ng pamilya Alcadijas. Sa kasalukuyan ay graduating na siya sa Sr high school. Isa sila sa prominenting pamilya na naninirahan sa Evergreen town. Sa lugar nila matatagpuan ang isa sa pinakamalaking rubber factory—pag-aari ng mga Alcadijas.
Ang Town ay kilala bilang isa sa pangunahing supplier ng rubber at palm oil. Ang Evergreen town ay may kabuuang sukat na two point fifty, six square miles at may higit sa dalawang libong populasyon. Kung saan ang Alcadijas family ay panglima sa pinakamayamang pamilya ng lugar.
"Lolo, manang Daisy, bakit ba kasi kailangan ko pang mag-aral? Mayaman na naman kami. Kaya nga palaging wala si daddy dahil mas nagpapayaman pa siya. At saka sobrang galing ko pang manguha ng rubber latex. Saka malapit ko na ring ma-master ang pagkuha ng mga bunga ng palm oil!" Kita naman ng dalaga kung paano halos sabunutan na ng matandang si Lolo Dario niya ang puting buhok nito. Alam ng dalaga na nagiging sakit na naman siya sa ulo ng matanda. Ngunit hindi rin niya kayang pigilan ang sarili dahil sa mayroon din siyang kinikimkim na sama ng loob para sa ama niya.
"Pakiusap, senorita. Magtungo ka na po sa hardin at naroon na si Teacher Aimy. Tiyak akong nayayamot na iyon sa kahihintay sa 'yo."
Nangunot naman agad ang noo ni Lolita. Halata masyado sa maganda niyang batang mukha na ayaw niya sa kaniyang guro. Halos siyam na buwan na niyang tinitiis ang pag-uugali ng maldita niyang guro. Nirolyo ng dalaga ang kaniyang mata sabay padyak ng kaniyang isang paa. 'Nagbalak pa akong tumakas. Kailan ba ako nakalusot sa mapanuri nilang mga mata?' Pinatunog ni Lolita ang dalawa niyang mga labi. Indikasyon na susunod na siya sa gusto ng mga ito.
Pinagmasdan ni Lolita ang papalapit niyang lolo sa kaniyang kinatatayuan.
"Akin na 'yang hawak-hawak mong kathi, apo. Sige na at magtungo ka na roon sa hardin. Pinabago ko na ang lokasyon at nang makasagap ka na rin ng sariwang hangin."
Malungkot na napangiti si Lolita nang makita ang hapong mukha ng lolo niya. 'I'm sorry po, lolo at pasaway ang apo mo . . .' Huminga nang malalim si Lolita sabay bigay sa kaniyang Lolo ng hawak niyang matalas na kathi.
Namatay ang ina ni Lolita nang siya ay ipanganak. Mula rin noon ay halos wala ng oras ang kaniyang ama sa kaniya. Tanging ang lolo at lola lamang ni Lolita ang gumagabay sa kaniya, hanggang sa ngayon. Ang nakalulungkot pa ay sakitin na rin ang lola niya. Si Lolita ay isang menopausal baby-dahilan kung bakit hindi na nakayanan ng kaniyang ina ang panganganak. Lalo pa't isa siyang breech baby. Naging critical ang kaniyang posisyon sa panganganak na mismo ng kaniyang ina.
"Tiyak akong narinig ng Lola Matilda mo iyong pagsigaw ko, apo. Alam mo namang hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya 'di ba? Alam kong 'pag pumasok ako sa silid namin ngayon ay tatanungin niya ako . . ." Hinawakan ng matanda ang kamay ni Lolita matapos nitong ilapag sa gilid ang kathi.
"Apo ko, tingnan mo itong iyong kamay. Sa tuwing dinadama ko ito noon ay sobrang lambot nito. Sa ngayon ay nagkaroon na ng kalyo. Para ka ng isa sa mga nagbabanat ng buto nating mga tauhan." Napangiti ulit si Lolita. Sa pagkakataong ito ay bahagya niyang pinisil ang kamay ng lolo niya. Having rough hands wasn't a big deal for Lolita. Naniniwala siya na kahit mukha pa siyang isinumpa ay mamahalin siya ng lalaking para talaga sa kaniya.
"Masaya akong matuto nang personal sa negosyo ng pamilya natin, lolo. Saka sige na po. Oo na at mag-aaral na po ako. Please, lolo, 'wag mo na lang pong sabihin kay lola ang ginawa ko. Please . . ." Nag-puppy eyes si Lolita at kita naman niyang tumalab iyon, as always.
Gustong patunayan ni Lolita na hindi kailangan ng pamilya nila ang makipagsanib sa pamilya ng mga Famoñer—ang pinakamayaman at makapangyarihan na angkan sa town nila. Bata pa lang—mas tama ring sabihin na nasa sinapupunan pa lamang siya ng kaniyang ina ay naipagkasundo na siyang ipakasal sa pinakaunang apo na lalaki ng pamilyang Famoñer. Ngunit sa kasamaang palad ay nalumpo raw ang fiancee niya sa edad na bente-tres. Ni minsan ay 'di pa nakita ni Lolita ang lalaki. Ni wala ng nakakita rito na mga taga town nila, halos apat na taon na ang nakalilipas. Doon nagsimula ang balitang nalumpo raw ito at naging sobrang sama ang pag-uugali. Kaya mas lumala pa ang pagiging ayaw ni Lolita sa lalaki.
"O siya! O siya! Sige na. Ako na ang bahala sa lola mo. Daisy, sige na. Dalhin mo na si Senorita Lolita mo sa hardin. Ilang minuto na ring naghihintay si Teacher Aimy doon."
Walang nakapansin sa pag-ismid ni Lolita. "Asus! Kulang pa 'yon sa malditang babae na 'yon. Hindi naman kagandahan ngunit ang sama ng pag-uugali. Sana bumawi man lang siya roon . . . Gaganda na siya kahit pangit ang mukha niya basta’t mabait lang siya."
"May sinasabi ka ba, apo?" Ngumiti si Lolita nang pagkatamis-tamis.
"Ah? Ho? Wa-wala po, lolo. Manang, tayo na po," sagot ni Lolita at nauna ng maglakad habang nasa likuran niya ang kaniyang kamay at pumipito pa.
Si Lolita ay isang typical seventeen years old probinsyana girl. Ang kaibahan lamang ay minana niya ang fashion sense ng kaniyang ina, kaya ay kakaiba siya manamit kung ikukumpara sa mga kaidad niya sa kanilang town. Ang pananamit niya ang isa sa naging dahilan kung bakit mabigat din ang loob ng kaniyang teacher sa kaniya.
Iilang hakbang pa lang ang layo ay kita na ni Lolita ang salubong na kilay ng tutor niya.
"Hah! Palagi ka na lang bang ganito, Lolita?" Tumaas ang isang kilay ni Lolita sa tuno ng pananalita nito.
"Señorita po dapat, Miss Aimy. Señorita Lolita. . . ." nakangiting saad ni Lolita. Dahilan kung bakit halos nakakakita na siya ng imaginary usok sa ilong at sungay sa noo ng kaniyang tutor.
"You dare!" asik nito sabay padabog na tumayo. Dinuro pa siya nito na tahasan naman niyang denedma. Sa pagtayo nito ay nakita naman niya ang paraan ng pananamit nito. 'Maganda naman manamit. Mukha nga lang bayaran, lalo na ang make up. Hindi man ako conservative manamit, at least, nakatago pa rin naman ang kaluluwa ko.’ Umiling si Lolita sabay laylay ng kaniyang balikat. Tumahimik na lang siya at nauna ng umupo. Inilibing na lamang ni Lolita ang nais pa niyang isatinig sa kailaliman ng kaniyang utak. Para na rin sa ikapapayapa ng kalooban niya at nang sumariwa ulit ang hangin sa loob ng greenhouse ng kaniyang Lola.
'Matapang ka lang kasi girlfriend ka ng pangalawang apong lalaki ng mga Famoñer! Ako nga sa mismong tagapagmana, nagyabang ba ako? Hmp!' Napangiwi naman si Lolita sa iniisip niya. 'Wala nga pa lang dapat na ipagyabang. Dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaking 'yon! Never and not in this lifetime!'
"Ano ba, Lolita? Hindi ka ba talaga makikinig sa 'kin?" Kumurap-kurap si Lolita at napatitig sa namumulang mukha ng kaniyang tutor. Tuwid siyang naupo nang ma-realize niyang nagsisimula na ang kaniyang lesson.
"I-I'm sorry, teacher Aimy. Ready na po ako. Let's start na po," labas sa ilong na turan ni Lolita. Alam niyang ang tawagin na Teacher Aimy ang isa sa nagpapakalma rito.
"Good! Kung ganiyan ka lang sana palagi. Okay, get your research paper now . . ."
Makalipas ang anim na oras . . .
"Ayos ka lang po ba, Señorita?" Hindi pa mahagilap ni Lolita sa kaniyang loob kung ano ang talagang nararamdaman niya. "Nakaalis na si Teacher Aimy. Pinasundo sa driver ng mga Famoñer." Tumango-tango si Lolita.
"He-heto, Señorita, tubig po," anang isa sa mga katulong nila na ilang gulang lamang ang tanda kay Lolita.
"Thank you, Alma. Si Lolo po, manang?" tanong ni Lolita matapos uminom ng tubig.
"Nasa loob ng villa, Señorita. Sabi niya ay sasamhan niya pong manood ng palabas ang Doña Matilda."
"Mabuti naman po kung ganoon. Manang, alam mo po ba kung saan nilagay ni lolo ang kathi ko?" Gumagalaw pa ang dalawang kilay ni Lolita habang malapad na ngumingiti.
"Ikaw talaga, Señorita . . ." Nagpapa lingo-lingo na lamang si manang Daisy sabay senyas sa kay Alma na kunin ang kathi. Alam ni Lolita na pinagbilinan ang mga ito ng Lolo niya na ’wag siyang paalisin, kahit ’di pa man sila magsalita. Ngunit alam din nila na kasiyahan ni Lolita ang tumulong sa pangunguha ng rubber latex.
"Babalik po ako agad. Saka hindi na ako maba-bike. Sa malapit lang naman ang punta ko lalo pa't alas-tres na nang hapon. Thank you, Manang Daisy . . ." Nag-flying kiss pa si Lolita sa mga helper nila. Kaya ay napangiti na rin ang mga ito nang wala sa oras.
"Magsuot ka po ng sombrero, Señorita!" Mabilis na isinuot ni Alma ang sombrero kay Lolita. “Ingat ka po sa daan, Señorita." Ngumiti naman si Lolita at tuluyan ng nagpatuloy sa paghakbang tungo sa rubber plantation nila.