Lumalakas na ang simoy ng hangin at nagsisimula na ring umambon, ngunit nasa gitna pa rin ng kanilang rubber plantation si Lolita. Wala naman siyang balak na lumayo kanina, pero nagbago iyon nang makakita siya ng isang batang kabayo. Sa madaling salita ay hindi na tiyak ng dalaga kung nasaang bahagi na siya ng kanilang lupain napadpad sa ngayon.
"Hindi ako maaaring magkamali. Batang kabayo 'yong nakita ko kanina. Isang puting kabayo. Ang nakapagtataka lang ay wala naman kaming batang kabayo na alaga. I don't even remember kung may iba pa kaming kabayo . . ." Tumingala si Lolita sa kalangitan. Ilang sandali rin niya iyong ginawa bago lumingon kung saan siya nanggaling. 'Pati sombrero ko ay hindi ko namalayang naiwala ko na pala . . .' Hinawakan ni Lolita ang buhok niyang nililipad ng hangin.
"Nabaliw na. Hindi ko pa nararating ang bandang ito ng taniman namin. Medyo nakararamdam na rin ako ng pagod. Ibig sabihin ay medyo malayo-layo na itong narating ko. Paano ba naman akong 'di mapapagod, eh takbo at lakad ang ginawa ko. Lagot talaga ako nito kay Lolo at Lola 'pag 'di pa rin ako nakababalik." Nababahalang muling inilibot ni Lolita ang kaniyang paningin sa paligid. "Palubog na ang araw. Halos dalawang oras na ba ako rito? Nalintikan na talaga!"
Kahit malalim ang iniisip ay malinaw pa ring napapansin ni Lolita ang kapaligiran niya. "Bakit walang hiwa ang mga rubber tree na narito? Mas matanda rin ang mga punong ito kung ikukumpara doon sa mga punong malapit lang sa Villa. Mas madamo rin na para bang minsan lang nalilinisan. Wala naman akong maalala na may bawal puntahan na parte sa plantation namin. Saka bakit naman magkakaroon ng bawal puntahan na spot sa taniman namin?" Bahagyang yumuko si Lolita at mas sinipat pa ang katawan ng mga untouched rubber tree. "Ayos na ayos ito para pagkunan ng latex. Tiyak akong masagana ang labas ng katas sa mga 'to!" Masayang hinimas ni Lolita ang katawan ng isa sa mga puno. "Surely! Iiwanan ko ang spiral mark ko rito . . ." kinikilig na bulong ni Lolita.
"Neigh! Neigh!" Mabilis pa sa alas-kuwatrong napatalon si Lolita nang muli niyang narinig ang huni ng kabayo. Dali-daling inilibot ng dalaga ang kaniyang paningin.
"Ayon! Ngayon, titiyakin kong mahuhuli kita. Baka kung mapano ka pa rito 'pag iniwan lang kita . . ." Agad na kumilos si Lolita at hinabol ang muli na namang nagtatakbong kabayo. Kumpara kanina ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Kahit pagod na ang mga paa niya wala siyang pagpipilian kundi ang tumakbo upang makahabol.
"Isa pala siyang colt! Hey!" Excited na sigaw ni Lolita nang muli ay nakita niya ang mukha at katawan ng kabayo.
‘Ba-bakit pa-parang pababa yata ’tong . . .’ Nanlaki na lamang ang mga mata ni Lolita.
"Ahhh!" Pikitmatang naluha na si Lolita habang pinakikiramdaman ang sariling katawan na ngayon ay nasa lupa na. Pinaghandaan na niya ang impact, but she was still in pain dahil sa mga matatalas na damo. Unti-unti ay gumapang ang kaniyang kamay upang damhin ang mukha, balikat at dibdib niya. Ngunit nang sinimulan niyang baguhin ang posisyon ng kaniyang paa . . .
"A-aray ko . . ." bulong ni Lolita sabay alalay sa kaliwa niyang paa na ngayon ay nakasalampak sa natumbang mga damo at bahagyang basang lupa. "Kapag minamalas ka nga naman . . . Ahhh." Muli ay nasapo ni Lolita ang kaniyang pisngi. "Mukhang may gasgas yata ang pisngi ko. Lagot ako nito kay Lola. Hay, Lolita! Puro sakit ng ulo talaga ang hatid mo."
Dahil sa kapal ng mga damo, at sa kagustuhan na maabutan ang kabayo ay hindi na napansin ni Lolita na pababa na nang mga nasa kalahating metro ng inclination ang lupang kaniyang inaapakan. Nakapaghanda man siya, iyon ay huli na.
Kasabay din ng pagbagsak ng kaniyang katawan ay ang pagtama ng mukha niya sa makapal at may tatlong metro ang taas na chicken wire.
"Nasa hangganan na ako ng lupain namin?" Kahit masakit ang katawan, lalo na ang pisngi at paa ay nagawang tumayo ni Lolita gamit na rin ang chicken wire upang gawing pan-alalay.
"Neigh! Neigh!" Napangiwi si Lolita. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa labis na pagtataka.
"Paano ka napunta riyan?" Naroon pa rin ang pag-aalala sa boses at mukha ni Lolita habang nakatingin sa kabayong nasa kabilang bahagi na ng kanilang lupain.
"Hoy, Colty, trespassing kana riyan. Paano ka ba nakapunta riyan? Tumalon ka? Parang 'di naman. Sobrang taas kaya nitong chicken wire. O bak—" Napako ang paningin ni Lolita sa kaliwang bahagi ng fence—kung saan ay malinaw niyang nakikita ang isang butas na halos aabot sa isang metro ang taas, at halos kalahating metro naman ang lapad—mga limang metro lamang ang layo sa kinatatayuan niya.
"Paano nagkaroon ng ganiyan kalaking butas diyan?" Paikaikang nilapitan ni Lolita ang butas at maigi niya itong binusisi. Umangat ang kaniyang kamay at humagod sa putol na bahagi ng bakal.
"Hindi ito natural at nabutas nang sarili lang niya. Masyado ring makapal ang chicken wire na 'to para maputol mag-is—bakas 'to ng pinutol ng isang matalas na bagay . . ." Agad na nakaramdam ng kaba si Lolita. Wala sa sariling hinanap ng kaniyang mga mata ang nabitiwan niyang kathi.
"Kailangan itong malaman ni Lolo!" Iikot na sana pabalik ng kaniyang pinanggalingan si Lolita nang mahagip ulit ng paningin niya ang kabayo. Kumakain at mukhang walang kamuwang-muwang sa mundo.
‘Mayroong naputol na tali sa leeg si Colty. Saka mukha 'yang tulad ng tali ng kabayo ni daddy sa kwadra. Sure na akong amin si Colty. Baka nakalimutan lang akong sabihan ni Lolo.' Pilit na ngumiti si Lolita. Ngiti na may kalakip na sakit dulot ng nahihila niyang balat sa mukha na may gasgas.
"Hay! Hindi kita kayang iwan dito Colty. Baka malungkot si Lolo 'pag nalaman niyang nakawala ka . . ." At this point. Buo na ang loob ni Lolita na maiuwi ang kabayo.
Kahit hirap na maglakad ay pinilit ni Lolita na pumasok sa kabilang lupain, gamit ang butas sa fence. Ngunit bago niya tuluyang lapitan ang kabayo ay siniguro muna niya na walang tao sa paligid.
"Sorry po sa may-ari ng lupang 'to. Wala naman po akong gagawing masama. Wala po akong nanakawin na kahit ano. Kukunin ko lang ang kabayo namin . . ." bulong ni Lolita at maingat na umuosad tungo sa kabayo. Mabagal lamang ang kaniyang kilos upang 'wag itong matakot.
'Kaya ko 'to. Hindi naman masyadong malayo si Colty. 'Pag nakalapit ako ay hahawakan ko ang tali niya . . .' Lolita was convincing herself lalo’t mas tumitindi ang hapding nararamdaman niya.
"Hah . . . So ngayon, wala ka ng balak na takbuhan ako. Very good, Colty. Very go-"
"Bang!"
"Ahhh!" sigaw ni Lolita. Nanginig ang buo niyang katawan dahil sa tunog ng baril at kusa na siyang nabuwal. A gun fire wasn't new to her. Pero dahil isa siyang trespasser ay agad siyang naalarma at natakot.
"Who are you?" Nagtatagis ang bagang ni Lolita at 'di niya magawang makatingin nang maayos sa lalaking may hawak na baril habang nakasakay sa isang stallion.
"Señorito!" Lolita was gritting her teeth habang nakikiramdam.
"Fred, go and get Bungee. Mauna na kayong umuwi sa mansyon. Tell my grandma na susunod din ako agad."
"Pero, Señorito . . ."
"Do as I say!"
"Opo, Señorito. Rolan, akin na ang bagong tali ni Bungee!"
Rinig na rinig ni Lolita ang usapan ng mga tao kahit na nakatakip sa kaniyang tainga ang kamay niya. 'Tali? Bungee? Kunin? Nanakawin nila ang kabayo ko!’ Blood came rushing through Lolita's body.
"Neigh! Neigh!" Nagpantig ang tainga ni Lolita nang kaniyang marinig ang atungal ng kabayo. It's as if the young horse was asking her for help.
Kaya kahit takot siya ay nagawa niyang mag-angat ng tingin upang suriin kung ano ang mga nangyayari.
"Sa-saan ninyo dadalhin si Colty? Anong balak ninyong gawin sa kabayo ko?" may bahid ng galit na tanong ni Lolita. Humakbang si Lolita upang lumapit sa kabayong ngayon ay hawak na ng dalawang lalaki.
"Bang!"
"Ahhhh!" Without a word ay muling natumba si Lolita. Hirap na nga siyang humakbang ay nadaragdagan pa ng nerbyos ang kaniyang pakiramdam.
"I am asking you, who are you? Bakit ka pumasok dito sa lupain ko? Also, the hëll are you calling my young horse yours."
"Ano bang problema mong lalaki ka, ha? Pwede mo naman akong tanungin nang hindi mo ako pinapuputukan ng baril!" nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Lolita. Nakasalampak pa rin siya sa lupa at nanginginig sa pinaghalong galit at takot.
"Neigh! Neigh!" Kahit hirap ay muling tumayo si Lolita. Nagmumukha na siyang amazona na pilit nakikipaglaban.
"Saan ninyo dadalhin ang kabayo ko? Tigil!" Lolita yelled with all her might.
"Take another step and I'll make sure to hit you with my third bullet." Nabato si Lolita sa kinatatayuan niya. 'Wala akong ginagawang masama! Saka kung mayaman siya, pwes, mayaman din naman ako!' Lolita was feeling foolishly courageous.
"Baliw ka bang lalaki ka? I don't care about kung sino ka! But I am Lolita Milan Alcadijas just so you know. I will surely make you pay sa ginawa mo sa 'kin!" Tila nakaramdam naman si Lolita na mas lalo pang kumulo ang dugo niya nang makitang tumaas lamang ang kilay ng lalaki sabay ngiti. Ngunit kahit paano ay nakikita niyang nawala na ang murderous nitong tingin—o namamalik-mata lamang siya, iyon ang kaniyang iniisip.
"Oh. Should I feel threatened? Remember this, Señorita. Nasa teritoryo kita at trespassing ka. I could do anything to you, as I pleased. Who would know? Tayo lang namang dalawa ang narito." Wala sa sariling niyakap ni Lolita ang kaniyang sarili matapos siyang tingnan ng lalaki, mula ulo hanggang paa.
"A-anong tinitingin-tingin mo?" Lolita subconsciously tugged the hem of her pink dress. Panakaw din niyang tiningnan ang lugar kung saan nagtungo ang dalawang kasama ng lalaki dala ang batang kabayo. Sa ngayon ay hindi na niya matanaw ang mga ito. Na pinatotohanang sila na lang dalawa ang narito sa gitna ng gubat. Gaya nga ng sabi nito, who know? Then Lolita felt a sudden chills.
"You look tough, Señorita. But as I can see, puro pasa at sugat ka. I could also tell that you had dislocated your ankle in those little boots."
"At ano naman ang pakialam mo?" Ramdam ni Lolita ang mas lumamig pang ihip ng hangin. 'Aray . . . Ang hapdi!' Lolita's lashes were twitching nang kaniyang maramdaman ang hapdi mula sa mga sugat niyang natatamaan ng malakas na hangin. Nahihilo rin siya na pilit niyang ’di pinahahalata.
"Hmmm . . . Alcadijas huh. I know someone. By the way, I'm Zyran. You can call me Zy."
"Anong pake ko?" malditang bulalas ni Lolita.
"Well . . . Tumingin ka sa paligid mo, Señorita." Kahit inis ay ginagawa pa rin ni Lolita ang sinabi nito. 'What? Madilim na?' Tulalang napatingala si Lolita sa lalaking nasa ibabaw pa rin ng kabayo. Naaninaw pa niya ang bulto nito mula sa mumunting liwanag sa kapaligiran.
"See? But I can help you. Or you can just go back to where you came from right in the dim night, with this rainy weather . . ."
'This crazy man! Pinatatakas na niya ako! Aalis na ako rito agad-agad!' Tinalikuran ni Lolita ang lalaki at muli na siyang humarap sa direksyon tungo sa butas na fence.
"Akkkk . . ." Sa paghakbang ni Lolita ay nakaramdam siya nang matinding sakit sa kaniyang paa.
"Okay. Take care on your way home, Señorita. Aalis na rin ako lalo't nagsisimula ng umulan."
Kuyom ang kamao ni Lolita habang naninigas pa rin ang kaniyang mga paa.
"Let's go, Morp . . . Hyah!" Nang marinig ni Lolita ang paalis ng yapak ng kabayo ay hindi na siya makapag-isip pa nang maayos. Her survival instinct suddenly kicked in.
"Sandali lang!" sigaw ni Lolita.
She has no idea kung anong klaseng ngiti ang sumisilay ngayon sa mga labi ng lalaki.