Hawak ni Lolita ang kaniyang dibdib at nagmumukhang tanga na nakadapa sa may damuhan. Sa lakas ng t***k ng kaniyang puso ay ramdam niyang halos lumabas na iyon sa kaniyang dibdib. Bumagsak man siya ay mabilis pa rin niyang naiumang ang kaniyang kathi sa harapan. “I-I’m sorry. Are you okay?” Agad siya nitong pinatayo sa pamamagitan paghawak sa dalawa niyang kilikili. “What the hëll, Zyran!” Umuusok ang tumbong na turan ni Lolita. Habang si Zyran naman ay nag-squat sa damuhan at pinapagpag ang mga damong dumikit sa damit at tuhod ni Lolita. Hawak pa rin niya ang matalas na kathi. Kulang na lang ay iumang niya iyon sa tagiliran ni Zyran. O ’di kaya ay itusok iyon nang tuluyan. “I didn't mean to startle you. Some things really haven't changed. Ang bilis mo pa ring matakot . . .” Naiinis n

