Sunod-sunod ang mga putok na maririnig sa loob ng isang firing range. Mistula nangangalit o mayroong kinikimkim na sama ng loob ang gumagamit ng baril at gigil na gigil ito sa bawat kalabit ng gatilyo.
“Pang ilang round na ’yan ni Señorito Zyran, Ador?” tanong ng isang babae sa lalaking nag-aalala na nakatingin kay Zyran na ngayon at nasa loob pa rin ng cubicle habang naka-site sa target.
“Miss Eevee. Ikaw po pala. Pang limang rounds na po ’yan ni Señorito Zyran. Para nga pong wala siya sa mood nang dumating dito kaninang ala-singko nang hapon. Tinanong niya sa ’kin kanina kung narito ba raw si Sir Dennis kasi hindi raw sumasagot sa tawag niya. Sinabihan ko po na maagang umalis si Sir Dennis. Kaya ay nagtungo muna siya roon sa show room. Makalipas ang ilang minuto ay sinabihan niya akong ayusin ang mga gamit niya dahil mag-e-ensayo raw siya . . . Hindi ko naman inasahan na ganito siya ka bad trip.”
Ipinilig ni Eevee ang kaniyang ulo. Tumingin siya sa suot na relo bago muling tumingin sa gawi ni Zyran.
“Mag-iisang oras na siya rito. Sa tuwing paparito siya ay bet ko pa naman siyang asarin. Pero ngayon . . . Mukha ngang bad mood talaga siya. Baka sa ulo ko pa tumama ’yang bala ng hawak niyang baril ‘pag ginulo ko ’yan ngayon.”
Magkaibigan kung matatawag ang relasyon nina Eevee at Zyran sa isa ’t isa. Hindi naman sobrang close, ngunit naroon ang familiarity at respeto.
Tumalikod si Eevee habang hawak-hawak pa rin ang set ng eye at ear firing protection gear.
“Saan ka po pupunta, Miss Eevee?” balisang turan ni Ador. Natatawa naman na tumingin ang dalaga kay Ador.
“Relax, Kuya Ador. Tatawagan ko lang si Sir Dennis at nang may makausap ’yang si Señorito Zyran. Baka kaya ni Sir na kausapin si Señorito, bago pa niya maubos ang halos isang box na bala ng mahal niyang pistol. Kilala mo naman ’yong isa nating boss na ’yon—certified kuripot!” Umaalog ang malaman na pege ni Eevee habang sa siya ay naglalakad paalis. Dahil isang fitted full leather bodysuit ang suot niya ay talagang kita ang buong hubog ng kaniyang katawan. Dagdag pa ang voluptuous niyang body build.
Sa tuluyang pag-alis ni Eevee ay saka namang paglingon ni Zyran sa gawi ni Ador. Doon ay nakita pa niya ang pawala ng bulto ni Eeve.
Tumigil lamang sa pagpapaputok si Zyran dahil ubos na ang bala ng kaniyang baril. Kaya ay inalis niya ang kaniyang ear cover at inilapag iyon sa misa.
Sumenyas si Zyran upang palapitin sa gawi niya si Ador.
“Señorito Zyran,” magalang na usal ni Ador. Pansin naman niyang mukhang nagdadalawang isip na lumapit si Ador.
Tinanggal ni Zyran ang empty magazine sa kaniyang baril sabay bigay niyon kay Ador.
“Fully load it. I need it loaded again,” ani Zyran.
Tumalima naman si Ador at agad na nilagyan ng bala ang magazine. Mabilis namang hinablot ni Zyran ang magazine pabalik nang makitang tapos na si Ador sa paglo-load niyon. Babalik na sana siya ulit sa cubicle nang may bigla siyang naalala.
Muli ay hinarap ni Zyran si Ador..“Anong sinabi ni Eevee sa ’yo kanina?”
Napatuwid naman ang tayo ni Ador. “Ah, sinabihan ko po kasi siyang hinahanap mo po si Sir Dennis, Señorito. Kaya ay nagtungo siya sa opisina at tatawagan niya raw po si Sir,” paliwanag ni Ador nang ’di tumitingin sa mukha ni Zyran. Nanatili itong nakayuko at hindi nag-aangat ng tingin.
Tumango-tango naman si Zyran at muli ng itinoon sa target ang atensyon ulit.
Makalipas ang isang oras . . .
“Bro! I'm sorry at super late na akong dumating!” bungad ni Dennis nang masilayan si Zyran. May mga nakalatag na pyesa ng iba’t ibang uri ng mga baril sa isang mesa, kung saan ay ina-assemble ito isa-isa ni Zyran.
Marahan na tinapik ni Dennis ang balikat ni Zyran. “I got an emergency sa bahay so I rushed home. Eevee called me, pero ngayon lang ako pinaalis ni Chi-chi.” Hindi kumibo si Zyran at hinayaan si Dennis na maupo sa tapat ng inuupuan niya. Zyran was aware kung ano ang mga suliranin nito sa tahanan. They were filthy rich, ngunit mayroon namang mabibigat na mga suliranin.
“I want to drink . . .” ani Zyran habang inilagay ang empty magazine —huling bahagi ng ina-assemble niyang pistol.
“Alam mo naman na hindi pwede, bro.”
“I know . . .”
Namagitan agad ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. An awkward silence that indicates a clear approval of absolutely not drinking.
Inilapag ni Zyran ang hawak niyang assembled pistol sa misa. Kinuha naman ni Dennis ang isang parte ng pistol at ibinigay iyon kay Zyran.
“So, what's bothering you?” Pagbabasag ni Dennis katahimikan nilang dalawa.
“Nothing. Just some difficult—unexplained things . . .” Napatingin naman si Zyran sa biglang ngumisi na si Dennis. Kahit walang tunog iyon ay alam niyang ito ang magiging reaksyon nito.
“Napu-frustraite yata ako sa sagot mo, bro.” Natatawa ito habang hinihilot ang pagitan ng mga mata.
“Was it about Doña Facuza or your stepmom?” Nag-angat ng tingin si Zyran, ngunit yumuko ulit para ipagpatuloy ang ginagawa niya.
“No. My Lola has never been a problem to me. Sakit ng ulo—oo. Tita Georgina, not as of the moment.”
“Baliktad talaga kayo ng Lola mo, bro. So kung ‘di sila . . . Was it your brother or Señorita Lolita?” Muli ay nag-angat ng tingin si Zyran. But this time ay napailing siya habang nakatingin kay Dennis. The ‘tumapak!’ word was written allover his face.
“I think . . . They will send her away.” Zyran vaguely said.
“Who? Señorita Lolita?” Tumango si Zyran. Inilapag niya sa misa ang hawak na pistol. Sumandal siya sa kaniyang inuupuan at tumingala. Habang ang hintuturo naman niya ay kaniyang tina-tap sa handle ng sofa. A deep gesture at soothing himself.
“What did you do?” Nag-lean si Dennis upang habulin ang mga mata ni Zyran na ngayon ay tumingin na sa gawi niya.
“She asked me to teach her horseback riding.”
“At? Hinayaan mo naman. Tapos ay nahuli kayo.” Tanging pagtango na lang ang naisagot ni Zyran kay Dennis.
“Wala pa silang obligation sa pamilya mo, bro. You know, wala pang bisa ang contract since minor pa naman si Señorita Lolita. You can never do anything about it. Unless gusto mong mas ayawan pa niya ang pamilya mo.”
“It’s Zinon’s fault. Ang pangit kasi ng reputation niya.’ Mukhang bata na nagmamaktol si Zyran.
“Haha! You sure are self righteous, bro.”
“What do you mean?”
“’Yan! ’Yan ang ibig kong sabihin. Panay salubong ang kilay mo. Panay busangot ka pa. I wonder tuloy kung bakit hanggang ngayon ay patay na patay pa rin sa ’yo si Teacher Aimy.”
“Ano namang kinalaman niyan sa si—”
Naputol ang pagsasalita ni Zyran nang tumunog ang kaniyang cell phone.
“It’s tita Georgina . . .” Zyran mumbles.
“Your favorite person in the whole wide world!” bulalas ni Dennis ngunit malayo na ito sa kinauupuan ni Zyran nang halos isang metro.
“Shut up!” sagot naman ni Zyran sabay bato kay Dennis ng isang magazine.
“Sige na, bro. Umuwi ka na. I bet, hinahanap ka na ng future wife mo.”
“Sometimes, Aimy is getting into my nerves,” usal ni Zyran sabay kuha sa kaniyang leather jacket.
“Sana ay nakagaan sa kalooban mo ’yong heart to heart talk natin, Señorito!” sigaw ni Dennis na mas lumayo pa kay Zyran.
“Fück off, Dennis!” sigaw naman ni Zyran na mabilis na ang mga kilos palabas ng underground shooting range sa marketplace ng Evergreen town mall.
Sa gawi naman nina Lolita . . .
Ala-sais na ng gabi nang makarating sina Lolita at daddy niya sa sinabi nitong kanilang pupuntahan. Nasa loob lamang siya ng isang opisina at nakaupo habang hinihintay ang daddy niyang may kinakausap na lalaki.
“It’s been fifteen minutes. Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa at sobrang seryoso ng mukha ni daddy?” bulong ni Lolita habang inaaninaw ang mga ito sa may glass window pane.
Panay pa rin ang hilot ni Lolita sa sentido niya dahil sumasakit pa rin iyon dulot ng katatapos lamang niyang pag-iyak. Kung hindi lang sinabi ng daddy niya na may kakausapin sila ay sa malamang, humihikbi pa rin siya hanggang ngayon.
‘I miss my Lolo at Lola already.’ Malalim at mabigat ang pinakawalan na buntong-hininga ni Lolita. ‘Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni Zyran? I bet kasama na niya ‘yong Aimy-Aimy niya!’ Naging bitter naman ulit ang mukha ni Lolita.
Hindi naman nagtagal ay kita ni Lolita na kumilos ang ama niya papunta sa may pinto. Kaya ay naging tuwid ang kaniyang upo habang nag-aabang na bumukas ang pintuan.
Sa pagbubukas niyon ay iniluwa ang daddy niya—hawak ang cellphone nito at mayroong ka-video call.
‘Baka ay kausap ni daddy si Lolo at Lola!’ Labis namang nakadama nang matinding kasiyahan si Lolita.
“Sarah, ito na ’yong pamangkin mo.” Labis namang nagulat si Lolita nang iniharap ng daddy niya sa kaniya ang phone nang walang sabi. Tuloy ay ’di na siya nakapag-ayos pa ng kaniyang itsura.
“He-hello po, Tita Sarah!” masiglang bati ni Lolita sa tita niyang nasa-screen ng cellphone ang mukha habang may malapad na mga ngiti. Panay pa ang suklay niya sa kaniyang buhok gamit ang mga daliri niya.
“Oh my God! Kamukhang-kamukha mo talaga si Ate, my dear niece. Tuloy ay na-miss ko siya.”
Hindi naman maalis sa isipan ni Lolita kung bakit ay kausap nila ngayon ang Tita Sarah niyang na isang teacher sa Cänada.
Si Sarah ay ang bunsong kapatid ng ina ni Lolita. Mayroon na itong pamilya at isang Canädian ang napangasawa kaya ay doon na ito namalagi.