WARNING: SPG ~Monique Esteban~ [Nilunok Ko Ang lahat] continuation of flashback… Gabi noon, ilang araw matapos ang kasal nila Maverick at Elziel, nagulat ako nang nasa harap na ng pinto ng boarding house ko si Maverick. By the way, si Elziel ang nagbabayad ng renta ko kahit na sustentado ako ni Mr. Marco Moretti. Wala lang, gusto ko lang magpa-awa kay Elziel habang pinagtatawanan siya sa katangahan niya dahil paniwalang-paniwala siya. Ganti ko na rin dahil ang dami niyang inagaw sa akin. Lalo na si Maverick. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Maverick sa tapat ng munti kong boarding house. Lalo pa't bagong kasal niya lang at mukhang kakagaling lang sa honeymoon. At sa akin pa talaga dumiretso. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot dahil hinihintay ko r

