~Monique Esteban~ [Spy] Continuation of flashback… Nang dalhin ako ni Ethan sa isang sosyal na kwarto, parang exclusive suite yata ang tawag doon ng mga mayayaman, halos hindi ako makapaniwala. Ibang-iba ito sa kulob, madilim, at amoy dugo at gamot na kwarto kung saan ako unang nagising. Parang dalawang magkaibang mundo. Sa silid ni Big Boss, malamig ang aircon, makintab ang sahig na marmol, at bawat sulok ay may mamahaling furnitures. May maliit na eleganteng crystal chandelier pa sa kisame. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, hindi maalis ang kaba sa dibdib ko. Lalo pa at alam kong may masama akong sasapitin mamaya-maya sa kamay ng tinatawag nilang Big Boss. “Ciao.” Nang makita ko ang mukha ni Big Boss na nakangiti at magiliw na bumati sa akin, para lang siyang harmless na tatay

